110 Ang nasira na taboo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kalahating oras ang nakalipas sa Jia Lan bar:

Papasok ng itaas na palapag, sa isang VIP room, huminto saglit si Ye Wan Wan at huminga ng malalim habang iniisip na ano man ang mangyari, kailangan nyang maging kalmado.

"Pumasok ka, Miss Ye!"

Bubuksan na ni Xu Yi ang pintuan ngunit pinigilan siya ni Ye Wan Wan, "Saglit, saglit lamang, huwag mong buksan at titingnan ko muna ang mga nangyayari."

Pagtapos sabihin ito, tahimik na binuksan ng kaunti ni Ye Wan Wan ang pintuan at sumilip muna sa loob.

Sa likod niya, nagtaka si Xu Yi sa ginagawa ni Ye Wan Wan, kanyang bunganga ay may gustong sabihin pero walang lumalabas. Gayunpaman, nagpapasalamat na lamang siya at sumusunod si Ye Wanwan.

Kahit na hinanda niya ang kanyang isip sa mangyayari, natatakot pa rin siya sa makikita niya habang binubuksan ang pintuan.

Di ganoon karami ang tao sa VIP room-- si Lin Que lamang at bilang na tao ang kakilala niya roon.

Sa oras na iyon, nakaupo si Si Ye Han sa gilid ng sofa, may hawak na basang tissue at ipinupunas ang namu-mulang patch sa likod ng kanyang palad. Masisira na ang kanyang balat kakapunas pero di pa rin siya tumitigil punasan ang palad niya.

Itsura niya'y nagdidilim at nakakatakot, para bang buong pagkatao niya'y kasamaan lamang ang nasa loob.

May namumutla na batang nakatayo sa kabilang side ni Si Ye Han, parang kriminal siyang naghihintay sa paratang kamatayan.

Ubod ng ganda ang babae kahit na mukhang ka-gagaling niya lang sa pag-iyak at namumula pa ang mga mata, maganda pa din siya.

Kahit na kasama niya ay isang magandang babae, ang mukha ni Si Ye Han ay namumutla pa rin na parang yelo.

Hindi pangkaraniwan ang nakikita ni Ye Wanwan, hindi niya maiwasang matuliro.

Anong nangyayari?

Habang naguguluhan ang isip ni Ye Wanwan, nakita niya ang mukha ng isang binatang lalaki na basa sa pawis. Sinusubukan ng lalaki na mamagitan sa nangyayari, "9th master, hindi intensyon ng babae iyon. Isa kang magiting na lalaki; di mo dapat ibinababa ang sarili mo at magalit sa nagawa sa iyo noong matagal nang panahon…"

Ha? Di niya intensyon ang ano?

Napunta ang tingin ni Si Ye Han sa lalaki.

Ang ka-takot takot at makapigil hiningang tingin ni Si Ye Han na parang kinain ng kasamaan ang buong paligid. Sa sobrang takot ng lalaki parang huminto ang puso niya. Yumuko ang lalaki para maiwasan ang mata ni Si Ye Han at nagmamakaawang tumingin kay Lin Que, "Young master Lin, kung titignan mo…"

Naramdaman ni Lin Que na baka masyado lang naging sensitibo si Ye Han--saglit lang siya hinawakan ng babae, ang reaksyon niya ay para bang kinamumuhian niya ito at kaya niyang chop-chopin ang mga kamay ng babae hanggang maubos ang dugo.

Ngunit ano bang magagawa niya? Malaki ang galit ni Si Ye Han sa mga babae at ganun din ang pag-iisip sa circle ng kaibigan niya; kasalanan nila yun at sinira nila ang taboo.

Naguguluhan si Lin Que, napakingin siya sa lalaki at sinabing, "Huwag mo akong tignan! Parang di mo naman alam ang kasunduan ng 9th brothers--bakit mo pinapunta ang babaeng ito? Ginusto mong maghanap ng gulo!"

Kumukulo ang dugo ni Lin Que habang iniisip ang kalokohang ito. Kasalanan niya lahat ng ito at bad mood pa si Si Ye Han ngayong araw. Ang tanga-tangang plano ng lalaki ay masangkot din siya sa kaguluhan kapag sisirain ni Si Ye Han ang kasunduan ng 9th brothers.

Para dumating si kamatayan at bumalot sa kwartong punong-puno ng natatakot na mga tao.

Umiikot ang kalamnan ni Cui Hao dahil naawa siya sa ginawa ng babae. Kung makikita sa maliit na anggulo, kasalanan ng babae ang lahat. Kapag naman makikita ang kabuuang pangyayari kagagawan ang lahat ng ito ng Cui family.

Ayon sa sabi-sabi, pinaalis ang Wang family sa Imperial City ng isang gabi lang dahil naatasang tuksohin ng babaeng anak nila si Si Ye Han.

Hindi nga nakalapit ang babae na ito sa katawan ni Ye Han-- aksidenteng nai-haplos ng kamay niya si Si Ye Han habang sinusubukang lang kunin yung wine. Si Ye Han ang tipo ng lalaking ay brutal at walang awa, hindi-hindi niya papakinggan ang kahit anong sabihin mo!

avataravatar
Next chapter