114 Ang nararamdaman ko para sayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang sagabal sa kanilang pagbyahe at nakarating na sila sa paaralan.

Pagkahinto ng kotse, sinabi ni Si Ye Han kay Ye Wanwan, "Huwag kang maniwala sa kahit anong sasabihin ni Si Xia."

Nabigla si Ye Wanwan sa sinabi niya at patuloy pa din siyang nakipag-usap, "Huh, Si Xia? Dahil ba… sa mga problema ninyo noon at natatakot kang may gawin siya sa akin?"

Nanlamig ang boses ni Si Ye Han, "Kailangan mo lang umakto nang naaayon."

"Oh, nagets ko na." Tumango si Ye Wan Wan.

Sa sandaling iyon parang huminto ang buong paligid.

Lumipas ang oras na tahimik silang nakaupo, tinitigan ni Ye Wanwan si Si Ye Han at isa-isa niyang binigkas ang bawat salitang, "Si Ye Han, nangako ako sayo na magsisimula ulit tayo sa umpisa. Kilala mo ako, hindi ko sisirain ang pangako ko sayo at lagi kitang papakinggan. Pero bago yon, ibigay mo din ang parehas na tiwalang bibinigay ko sa iyo…"

Huminto ng sandali si Ye Wanwan at sinabi, "Kung hindi mo ito kaya… Di ko maipapangako…. na ipagpatuloy ang meron sa atin…."

"Tinatakot mo ba ako?" Sinabi ni Si Ye Han na mas lumalim ang boses katulad ng makamandag na ahas na nakapalupot sa leeg ni Ye Wanwan. Binalot ng lamig ang loob ng kotse.

Naramdaman niyang tumigas ang brasong nakapalupot sa balakang niya. Huminga ng malalim si Ye Wanwan upang pakalmahin ang sarili niya, "Inaamin ko, Takot na takot ako sa iyo at wala akong kapangyarihan para labanan ka. Ang aking kalayaan, dignidad, katawan, at kung ano pa ang meron ako sa iyo na lahat, pero kailangan na meron ding akong control sa sarili ko…tulad ng pag ibig ko… puso..at ...sarili kong buhay…"

Biglaang lumapit si Ye Wanwan at hinalikan ang bibig ng lalaki, nakadikit ang labi nila sa isat-isa, "Syempre, isang sandali …parang... nahulog na ang puso ko sayo"

Sa oras na ito, ang mga salitang lumabas galing sa bibig ni Ye Wanwan ay kitang kita sa mga mata ni Si Ye Han ang pagka-gulat, ang lamig sa loob ng kotse ay naglaho at nawala na lang sa hangin, "Anong… sinabi mo?"

Ikiniling ni Ye Wanwan ang kanyang ulo, "Hindi ko pa din maipapangako na ipagpapatuloy ko ang tayo diba?"

Dumilim ang malamig na titig ni Si Ye Han at sinabi, "Huwag mong sabihin yan."

Inisip ni Ye Wanwan iyon, "Ako? Takot na takot sayo?"

Nanliit ang mata ni Si Ye Han, "Ye Wanwan!"

Nakita niyang nagagalit na si Si Ye Han, hindi niya maiwasang matawa at pauli-ulit niyang sinabi" Sabi ko, parang… mas lalo kitang nagugustuhan.."

Hindi na natutuwa si Si Ye Han at tiningnan si Ye Wanwan "Tanggalin mo yung extra word."

"Osige na! mas lalo kitang nagugustuhan!" Tinanggal ni Ye Wan Wan ang salitang "parang".

"Gusto…" lalo siyang tumitig sa mata ng babae, "Anong klaseng gusto?"

Kumurap si Ye Wanwan, " Ah, yung… yung gusto kong… tayong dalawa na nasa kama…"

Lumaki ang mga mata ni Si Ye Han na parang may natandaan siyang masakit pangyayari noon.

Bago pa isipin ni Ye Wanwan kung bakit tiningnan siya ng ganun ni Si Ye Han, inilapit ni Si Ye Han ang katawan niya at sa sandaling iyon matinding halikan ang naganap sa kanila, mga labing pumipisil sa isat isa. Hinigop ng bawat halik ang lakas sa kanyang katawan at unti-unting nawawala maamong si Ye Wanwan. Patindi ng patindi ang bawat halik.

Sumunod si Ye Wanwan na halikan siya ni Si Ye Han at nakahinga na siya ng maayos na parang nabunutan siya ng tinik.

Mukha siyang masaya at kalmado pero, pero sa sobrang kaba niya, parang ang puso niya'y aalis sa kanyang dibdib.

Pinagbantaan niya talaga si Si. Ye. Han.

Alam ni Ye Wanwan na delikadong pag-bantaan si Si Ye Han, parang sinusuyo niya si kamatayan. May mga bagay at mga isyu na may prinsipyo na kailangan niyang linawin kay Si Ye Han. Kung hindi, parati na lang syang uuwing talunan, isang taong hindi kayang baguhin ang sitwasyon.

Swerte talaga at naging maayos ang sitwasyon at kinaya ni Ye Wanwan na i-manage ang great devil.

Hindi niya inakala na gagana ang mababang uri ng panlilinlang na ginagamit sa mga bata, kapag pinalo natatauhan at susunod ang bata kapag binigyan ng pagkain, gumana iyon sa great devil...

Nakakapagtaka ka great devil!

Matagal na oras silang naghalikan at bumulong si Si Ye Han kay Ye Wanwan, "Wanwan, huwag isipin na iwan ako. Kung hindi, baka kung anong magawa ko pag iniwan mo ako…"

avataravatar
Next chapter