192 Ang napakagaling na performance

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Namumukod tangi ang epekto ng suot ni Ye Wan Wan, ang normal na makeup na ginagamit niya ay pinarehas pa sa kanyang wig at costume.

Sa kabilang makeup room sa backstage, nagkakagulo ang tatlong babae habang inaayusan at pinagaganda nila ang style ni Cheng Xue.

"Wow! Lalo kang gumanda ngayon Little Xue!"

"Araw-araw talaga siyang maganda 'di ba? Ang little Xue natin ang tatlong taon nang beauty queen ng eskwelahan!"

Naging good mood si Cheng Xue sa mga pambobola sa kanya. Hinimas niya ang kanyang magandang mukha gamit ang kamay niyang may gloves sabay nagmamatigas niyang tinanong, "Ginawa niyo na bang lahat ang iniutos ko?"

Masayang tumango ang babae na maigsi ang buhok, "Tapos na, tapos na ang iniutos mo at nakaayos na rin ang lahat. Wag ka na masyadong mag-alala, Little Xue! Paniguradong matutunghayan mo ngayon ang bukod-tangi na performance!"

nagdadalawang isip na nagtanong ang matangkad na malaking babae sa oras na iyon, "Magagalit ba si Si Xia sa gagawin natin?"

Biglang nanlamig ang itsura ni Cheng Xue, "Ang ibig sabihin mo ba ay, magagalit ba sa akin si Si Xia dahil kay ugly freak?"

Humindi ang mga babae at winagayway ang kanilang mga kamay nang makita nilang kumukulo na sa galit si Cheng Xue, "Syempre hindi! Bakit naman siya magagalit?!"

"Tama tama tama, siguradong mamamatay sa sobrang pagkadugyot si Si Xia kapag nakita niya ang tunay na itsura ng ugly freak!

Kumalma na si Cheng Xue dahil sa komentong iyon, "Kapag may nangyari na wala sa plano, wag niyo na din ako lalapitan at hindi na tayo magsasama-sama muli!"

"Oo, oo, magiging maayos ang plano natin! Maayos na ang lahat kaya Little Xue, wag ka nang mag-alala!"

Sa harap ng entablado:

Bumukas na ang mga ilaw kasabay ang malakas na musika habang naglalakad sa entablado ang babae at lalaking hosts na may ngiti sa kanilang mga mukha.

Naka-upo ang mga estudyante, guro at mga leaders sa ilalim ng entablado.

Pagkatapos ng opening speech ng host at matapos din ng paulit-ulit na speech ng mga leaders, sa wakas nagsimula na ang show.

Bawat klase ay ibat-iba ang naging performance--may kumakanta, sumasayaw at mayroon ding comedy skits, lahat ng meron naipakita na nila. Ngapaunlak ng talento ang mga estudyante at ang pinakita nito pa-angat ng eskwelahan sa kanilang layunin. Masayang mga palakpakan ng mga manonood ang maririnig sa bawat performance.

Noong inanunsyo na ang mga gwapo at magaganda ng Senior Class F ang pinakahuling magpe-perform, tunay nga na inabanagan nito ng lahat ng manonood. Kakaiba naman kasi na magsasama-sama sila sa iisang entablado.

"Susunod, ang senior class F na magdudula ng buhay ni "Snow White." Alam ko na pamilyar sa lahat ang classic fairytale na ito, pero ngayon may kakaibang pakana ang klase na ito sa storya ni Snow White-- hindi ito tulad ng inaasahan ninyo! Bigyan natin sila ng malakas na palakpakan!"

"Hua la la---"

Ang pinakamalakas na palakpakan ang binigay sa kanila noong gabing iyon. Akala ng klase nila na aantukin ang mga manonood dahil sa tagal nilang naghintay, ngunit bigla silang ginanahan sa dumadagundong na palakpakan ng mga tao.

Tinaas ng mga kabataan ang kanilang phone para picturan habang patuloy silang naghihiyawan para sa senior class F.

"Si Xia! Si Xi! Si Xia!!!"

"Ahhhh! Ang pinapangarap kong lalaki lalabas na!"

"Cheng Xue! Cheng Xue! Galingan mo diyosa!"

Habang nagpapalakpakan at naghihiyawan ang mga tao, mabagal na itinaas ang kurtina at makikitang nakatayo si Cheng Xue sa harap ng salamin, napakaganda niyang sinuot ang pula na European medieval-style na dress na may korona sa tuktok ng kanyang ulo.

"Ahhhhh! Napakaganda talaga ni Cheng Xue! Siya na ang pinakamagandang reyna sa balat ng lupa!"

"Bakit hindi si Snow White ang diyosa? Walang kwenta ito! Dapat mas maganda si Snow White kaysa sa reyna! Kung si Cheng Xue ang reyna, sino naman si Snow White?"

"Hindi mo ba alam? Si Ye Wan Wan si Snow White!"

"Ano? Si Ye Wan Wan? Niloloko mo ba ako? 'Di ba siya ang pinakapangit na babae sa Qing He?"

avataravatar
Next chapter