webnovel

Ang nananalantang selos

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ye-ge, andito na tayo," nag-anunsyo si Dong Zai.

"Sige, magpahinga na kayong dalawa. Aalis na rin ako." Mabilis na lumabas sa kotse si Ye Wan Wan.

Nakatira sa katabing kanto ng apartment ni Ye Wan Wan si Luo Chen at pumasok kaagad siya sa loob ng building pagkatapos niyang magpaalam.

"Ay, Ye-ge, ah…" may gusto sanang sabihin si Gong Xu ngunit umalis na si Ye Wan Wan.

Kakaiba ang tingin ni Gong Xu kay Ye Bai dahil nagtaka siya kung bakit siya nagmadaling umalis. Anong nangyari? Ngayon ko lang nakita ang ganoong itsura niya - para bang may paparating na kalaban ang pinapakita ng mukha niya...

Sumugod si Ye Wan Wan kay Si Ye Han. *cough* "Ah-Jiu, kailan ka nakarating dito? Bakit nakatayo ka lang diyan? Bakit hindi ka na lang pumasok sa looban?! Malamig dito sa labas!"

Nagsalita si Ye Wan Wan habang sinusubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Madalang na pinansin ni Si Ye Han ang balita sa internet kaya hindi niya alam ang nangyari sa press conference. Pagkalipas ng isa o dalawang araw, magiging peklat ang hiwa niya sa braso at hindi pa rin ito importante sa kanya kahit doon pa lamang ito malalaman ni Si Ye Han.

Mahusay rinasonan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han, ngunit nang matapos siyang magsalita, tiningnan siya ng normal ng lalaki at sinabi, "Nilabag mo ang kasunduan natin."

Ye Wanwan: "…"

Ang boses niya ay parang nanggaling sa binalot ng niyebe na bundok na halos limang kilometro ang layo sa taas ng karagatan. Bigla siyang nilamig at nanginig ang buong katawan niya, tila nawala ang pag-asa sa puso niya.

Napakababaw niya dahil sinubukan niyang lokohin si Si Ye Han...

Ilang araw na naging mabait si Si Ye Han kaya nakalimutan niya na nakakasindak ang lalaking ito

Sa oras na iyon, walang bakas ng pagmamalasakit ang makikita kay Si Ye Han. Malamig at nakaka-kaba ang tingin niya at makikita ang galit niya.

"Pasensya na, naaksidente lang ako, pero maliit na sugat lang ito. Tingnan mo kung hindi ka naniniwala sa akin!" Itinaas ni Ye Wan Wan ang kanyang manggas at pinakita niya na maliit lamang ang sugat niya upang mapatunayan niya ang kanyang sarili.

Mabilis na napagtanto ni Ye Wan Wan na mali ang ginagawa niya.

Pagkatapos makita ni Si Ye Han ang sugat niya, lubha na naging nakakasindak ang mukha ni Si Ye Han at sumulyap si Ye Wan Wan sa kanya. Napagtanto ni Ye Wan Wan na bago siya mabuhay muli, mabilis na magagalit na parang mabangis halimaw ang walang emosyon at hindi makatwiran na si Si Ye Han.

Napagtanto ni Ye Wan Wan na nagibg kampante siya kaya nakalimutan niya kung gaano ka-nakakatakot ang lalaking ito...

Mas malamig pa sa buwan sa taas ng kalangitan at tingin ni Si Ye Han. Patuloy siyang nakatitig kay Ye Wan Wan at sinabi, "Gusto mo ba siya?"

"Ha? Sino?" Nagulat si Ye Wan Wan sa tanong ni Si Ye Han

Ilang segundo ang lumipas bago niya maintindihan kung sino ang tinutukoy ni Si Ye Han...

Mali ang pagkakaintindi niya!

Hindi… hindi kaya, iniisip ni Si Ye Han na may namumuong relasyon sa amin ni Gong Xu?

Paano nangyari iyon?!

Paano niya naisip ang nakakatakot na isyu sa amin ni Gong Xu?

Niyayanig ni Ye Wan Wan ang ulo niya upang maisip niya ang tamang mga salita para pakalmahin si Si Ye Han, nang biglang narinig ang malakas na boses ni Gong Xu na nanggaling sa likod niya. "Ye-ge, Ye-ge, bakit umalis ka agad?! Masyadong malayo ang villa ko at tinatamad na akong bumalik pa. Nautusan ko si Dong Zai na dalhin doon ang kotse. Samahan mo na lang akong matulog ngayong gabi!"

Naramdaman ni Ye Wan Wan ang nakakatakot at kakaibang hangin na galing sa impiyerno nang nagsalita si Gong Xu.

Anong pinagsasabi mo na, sasamahan na lang kitang matulog ngayong gabi???!!!

Ma-trabaho ang lahat ng artistang hawak niya, pero ang isang ito ang may ugali na unti-unti siyang pinapatay!

Nanigas ang mukha ni Ye Wan Wan. "Hindi pwede. Bumalik ka sa lugar na pupuntahan mo!"

Nalungkot si Gong Xu dahil tinanggihan siya ni Ye Wan Wan ng hindi nag aatubili. "Bakit? Nandito na rin naman ako - papasukin mo na lang ako!"

Pilit na tinago ni Ye Wan Wan ang umaalab na galit sa kanyang puso. "May bisita ako ngayong gabi."

Next chapter