186 Ang nakaka nerbyos na titig

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakasuot na ng pang reyna si Cheng Xue. Mas kuminang ang kagandahan ng maliit at inosente niyang mukha dahil sa makeup at costume niya.

Bukod sa mga fangirls sa gilid na hinihintay si Si Xia, meron ding malaking grupo ng mga lalaki na sumusuporta sa kanilang beauty queen na si Cheng Xue. Sa mga oras na iyon, umaaligid sila kay Cheng Xue na parang napakaraming bituin na lumilibot sa buwan. Pinupuri siya at pinipicturan pa siya ng mga lalaking ito.

Hindi naman interesado sa nagkakandarapang mga lalaki si Cheng Xue. Kundi, ang kanyang mga mata ay tila may hinahanap sa may entrance.

At nang dumating ang taong kinahihintay niya, tila nagliwanag ang kanyang mga mata sabay itinaas niya ang kanyang skirt upang lapitan si Si Xia, "Andito ka na pala Si Xia!"

Medyo namula ang kanyang mga pisngi dahil sa kilig at makikita ang pag-asa sa kanyang mga mata habang nakatingin siya kay Si Xia.

Gayunpaman, ni-isang beses hindi tiningnan ni Si Xia ang dress ni Cheng Xue, ang dress niyang kinukuha ang atensyon ng ilang mga lalaki. Tumingin-tingin si Si Xia sa lahat ng nandoon at huminto siya sa babaeng nasa likod ng maraming tao, si Ye Wan Wan.

Sinundan ni Cheng Xue ang mata ni Si Xia at nakita niyang nakatingin ang lalaki kay Ye Wan Wan. Kinaskas niya ang kanyang ngipin sa sobrang pagka-inis.

Anong meron sa ugly freak na iyon at espesyal ang pakikitungo sa kanya ni Si Xia?

"Si Xia, maganda ba ako sa costume ko?" Kumapit at inalog ni Cheng Xue ang kanyang braso para makuha ang kanyang atensyon.

Ngunit walang reaksyon si Si Xia.

Tumigas ang mukha ni Cheng Xue, "Si Xia, anong tinitingnan mo?"

Wala sa ayos ang isip ni Si Xia na para bang nasa loob siya ng kanyang mundo, ngunit sa mga mata ni Cheng Xue, nawawala ang isip ni Si Xia habang nakatitig kay Ye Wan Wan.

Paano natitimpi ni Cheng Xue na nakatingin si Si Xia sa ibang babae? Bigla na lang tumaas ang galit niyang boses, "Si Xia… Si Xia…"

Ang naguguluhang isip ni Si Xia ay biglang binalot ng dilim, umagos ang lamig sa kanyang mga mata, "Manahimik ka nga, napaka-ingay mo."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Cheng Xue sa sobrang gulat; hindi siya makapaniwalang pinagtaasan siya ng boses ni Si Xia dahil sa paguugali niya.

"Ikaw…" Nanginig ang labi ni Cheng Xue, pinagtutulak niya ang mga tao at tumakbo siyang umiiyak palayo sa kanila.

"Little Xue! Little Xue!"

Tumingin ang mga sidekick ni Cheng Xue kay Si Xia tapos lumipat ang mata nila kay Ye Wan Wan naman, nagmadali silang hinabol si Cheng Xue.

Ilang sandali, binalot ng katahimikan ang paligid.

May nagtatakang mga babae nang makita nila ang ginawa ni Si Xia, natakot sila at biglang lumayo sa kanya.

Ay, wala sa mood ngayong araw ang hunk. Nakatikim tuloy si Cheng Xue sa ka-badtripan ni Si Xia. Layo-layo muna tayo!

Eto ang unang beses na makita nila si Si Xia na may galit na emosyon, kaya ito'y tunay na katakot-takot...

Wala pa ring pakialam si Si Xia kahit pa umalis si Cheng Xue ng luhaan. Nakahanap siya ng upuan malapit sa bintana at tahimik siyang umupo. Nang magtalumbaba siya na nakapatong sa kanyang kamay, patuloy niya na tinitignan si Ye Wan Wan.

At si Ye Wan Wan na pinagtititigan...

Kinaskas niya ang kanyang ngipin na parang gusto niyang dumugin ang lalaking iyon para sapak-sapakin niya ulit.

Ano namang pinagtitingin ng demonyong ito? Sinusubukan niya ba akong ipagmukha na parang bulaklak na kinukuha ang atensyon ng lahat?

Hindi ko inaasahan na pagkatapos ng gabing iyon, hindi na niya ako tinatantanan; next level na ang pinaggagawa niya ngayon!

Habang binabalot ng hiya ang paligid, natapos na ang matagal na panunuyo ng mga tao kay Cheng Xue at bumalik na ulit siya sa rehearsal.

Nang magsimula ang rehearsal, nakatuon ang hindi kumukurap na mga mata ni Si Xia kay Ye Wan Wan lamang.

Kung saan pumunta si Ye Wan Wan, nakasunod ang mga mata ni Si Xia na parang sisiw na ayaw maiwan ng kanyang inahin.

Halatang-halata ang pagtingin niya kay Ye Wan Wan-- bulag lang ang hindi makakapansin, ngunit dahil sa nakakatakot na pagkagalit ni Si Xia ay walang nagtangka na may mag-ingay. Mahuhusgahan lang ng mga tao si Si Xia sa kanilang mga puso't isipan.

Anong nangyari sayo pogi! Kinulam ka ba ni Ye Wan Wan??!!!

Dapat hindi umarte si Ye Wan Wan bilang Snow White; siya dapat yung mangkukulam!

avataravatar
Next chapter