915 Ang munting prinsipe ng Nie clan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nabigla si Guo Di, na duguan at umuungol sa sobrang sakit, at muntikan niyang makalimutan ang sakit na nadarama niya nang marinig niya ang sinabi ni Tang Long. Tiningnan niya ang mukha ng batang lalaki na tila biglang naging nakakatakot...

"Nie… Nie family… Nie family na nasa stand alone island… at ang batang ito ay ang…"

Tang Long. "Ano ba sa tingin mo, vice captain Guo?"

Natameme si Guo Di. Bumulong siya at hindi pa maintindihan ang sinabi niya, "Ang munting prinsipe nga… Nie family…"

Hindi lamang si Guo Di ang natameme - kahit ang mga mersenaryo na nakatayo sa isang gilid ay natakot hanggang sa mamutla ang kanilang mga mukha.

Nanahimik ang buong kapaligiran.

Sa pagkakataon na iyon, si Guo Di na kanina ay gumulong gulong ay biglang tumayo at sumugod sa lalaking mapayat.

Sa madaling salita, sumugod siya sa espada na nasa kamay ng lalaki—

Sa isang saglit, sinaksak ni Guo Di ang leeg niya sa espada ng mapayat na lalaki at pilit niya itong nilaliman hanggang sa kabilang dulo ng patalim. Nahulog siya sa lapag at ito na ang huling sandali niya.

Nagpakamatay si Guo Di gamit ang espada, sa sobrang takot niya at pilit na nanahimik ang ibang mga mersenaryo. Natuwa ang lahat dahil pinakinggan nila ang kautusan ng kapitan at hindi sila umatake.

Nagtinginan si Si Ming Li at Si Yi Qian at hindi sila makapaniwala sa nakita nila kaya nanahimik na lamang sila.

Northern Europe… stand alone island… nie clan...

Ang mga salita iyon ay parang atomic bomb na tinakot silang dalawa.

Noong una, hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng "stand-alone island" at hindi rin nila alam kung sino ang Nie Clan. Nalaman lang nila ang ibig sabihin ng stand alone island kay Mr. Eric.

Ayon kay Mr. Eric, noong unang panahon sa middle ages, may isang mahusay na martial artist sa China na nanggaling sa malayong isla ng Northern Europe.

Namalagi sa isang maliit na isla ang isang martial artist at dinala niya doon ang makaluma at misteryosong kultura ng Chinese martial arts, na nakaakit ng ilang mga ekperto ng martial arts sa buong mundo.

Lumipas ang ilang daang taon ng pagbunga ng kultura na ito, naging makapangyarihan at sagana ang malayong munting isla. Naging hawak ito ng ilang mga malalakas at nakakatakot na family clans.

Gayunpaman, agad na umangat ang imbensyon ng mga baril, mga armas at pasabog, kaya unti-unti nawala sa maya ng publiko ang panahon ng mga cold weapons at kumonti rin ang yumakap sa kultura ng martial arts. Nagtago at unti-unting nawala sa mata ng publiko ang stand alone island upang protektahan nila ang kanilang sarili.

Kahit na kumonti ang mga martial artists, lalong naging malakas ang stand alone island at hawak pa nila ang ekonomiya ang ibang parte ng mundo, tulad na lamang ng mercenary guild, martial arts union at iba pang importanteng mga kapangyarihan sa mundo.

Ilagay mo man sa islang iyon ang pinaka-malakas na mersenaryo o ang masasabi nilang mga aristocratic families, ang mga ito ay magiging walang kwenta sa islang iyon.

Kahit sinong ancient aristocratic family na nasa stand-alone island ay mas makapangyarihan sa kahit sino na nasa labas ng islang iyon.

Sa panahong ito, kontrolado ng mga pamilyang may apelyidong, Nie, Ji, Ling at Shen family ang stand alone family. Ang pamilyang may apelyidong "Nie" ang lider ng apat na malalakas na pamilyang iyon kaya masasabi talaga na nakakatakot ang pamilyang ito...

Tapos ngayon, dinakip pa nila ang munting prinsipe ng Nie family...

Pinapatay ng Nie family ang pamilya ng taong dumakip noon sa munting prinsipe ng Nie family...

Pinamukha ni Tang Long na naaawa siya nang makita niya ang namumutlang mga mukha nila Si Ming Li at Si Yi Qian at kanyang sinabi, "Dahil ito ang unang beses na naka-trabaho namin kayo, aabisuhan ko kayong dalawa - umalis na kaagad kayo ng China habang kaya niyo pa."

Tsk, walang takot talaga ang mga ignorante...

Nagtatago ang dalawang ito simula pa noong una at hindi nila pinapakita ang kanilang mga mukha, ngunit napakadali lamang kapag hinanap sila ng Nie clan.

avataravatar
Next chapter