894 Ang munting buhay ko ay nasa kamay mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gusto nang patayin ni Nameless Nie ang sarili niya! Bakit ko pa ba sinabi sa kanya na magandang ideya ang pag surpresa?!

Paano magiging surpresa iyon? Matatakot siya ng sobra!

Hinanda ko na talaga ang libingan ko...

Sa Vice Grand Hotel ng Imperial City:

Nameless Nie: "Gabi na. Hindi ka pa ba matutulog?"

Little devil: "Jet lag."

Nameless Nie: "Oh…"

Nameless Nie: "Uh, ilang damit ba ang dinala mo? Bakit pare-parehas ang mga suot mo? Pumili ka lang ng isa!"

Dali na at matulog ka na pagkatapos mong pumili! Kailangan kong magsend ng sikretong mensahe sa isang tao okay!

Little devil: "Makikilala ko na ang nanat ko bukas. Bakit ako magpapatumpik-tumpik lang?"

Nameless Nie: "…"

Salamat sa kanyang pamangkin, pagkatapos niyang matulog sa ilalim ng mga tulay at kalsada ng napakatagal, sa wakas ay nakatulog na si Nameless Nie sa isang presidential suite.

Gayunpaman, wala siya sa mood na masiyahan sa kwartong iyon dahil kasama niya ang little devil.

Simula noong umalis sila ng Dragon Burial Hill, naghahanap siya ng tsansa para makapag-send ng sikretong mensahe kay Ye Wan Wan, ngunit hindi siya makahanap ng pagkakataon.

Alanganin ito lalo na't nakikita siya ni little devil - tapos na ang buhay nilang dalawa ni Ye Wan Wan kapag nalaman ni little devil na umaarte lamang sila.

Sa huli, napagtanto ni Nameless Nie na hahayaan niyang mag-freestyle na lamang si Famous Ye at umarte siya ng mag-isa...

Ay, Famous Ye, ang buhay ko ay nasa kamay mo...

Nitong dalawang araw na lumipas, nakikisalamuha si Ye Wan Wan sa napakaraming kamag-anak at mataas na opisyal ng Si family. Kinagabihan, nakapagpahinga na siya at sandali niya lamang tiningnan ang WeChat ng kumpanya.

Kakatapos lang mag-shower ni Si Ye Han at lumabas siya ng kubeta. Humiga siya sa tabi ni Ye Wan Wan at binasa niya ang mga dokumento nang hindi ginugulo si Ye Wan Wan, kahit na ang pagkatao niya pa lamang ay sapat na para guluhin ang isip ni Ye Wan Wan.

[Ye Bai: Pasensya na sa inyong lahat, abala ako sa mga personal na bagay kaya hindi ako nakapunta sa script meeting.]

[Ye Mu Fan: Huwag kang mag-alala, ako na ang nagaasikaso sa kumpanya! Ano bang pinagkakaabalahan mo, huh?]

Umalis siguro siya para makipagharutan sa masahol na lalaki na iyon...

Kinakausap ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan at Han Xian Yu tungkol sa trabaho nang biglang nag-private message si Gong Xu sa kanya.

[Gong Xu: Ye-ge, Ye-ge, Ye-ge, ha! Nakabalik ka na pala! Hindi ko na kayang itago ito! May mainit akong balita! Napakainit na balita!]

[Ye Bai: Anong tsismis? Aamin ka na ba tungkol sa sekswalidad mo o ikakasal na si megastar Xie?]

[Gong Xu: Ye-ge, bakit parehas kayo ni Felix magsalita, huh! Hindi ako aamin sa sekswalidas ko at hindi pa ikakasal si megastar Xie - tungkol ito kay Si Ye Han! Yung alamat na master ng Si family na si Si Ye Han ay namatay na sa sakit noong nakaraang araw lamang. Alam mo ba?]

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang private chat nila ni Gong Xu at bigla siyang napatingin kay Si Ye Han, na kakalabas lamang ng shower at basa pa ang kanyang buhok habang may suot siyang pajamas. Naisip niya na mag-send ng emoji kay Gong Xu at ang ibig sabihin ay: Kumakaladkad ng 40 na metrong haba na kutsilyo...

Nagsend si Gong Xu ng emoji na tinatakpan ang mukha gamit ang handkerchief at umaarte na parang nahihiya at nag-reply siya: [Gong Xu: Ye-ge, bakit gusto mong magchap-chap ng tao, eh eh eh!]

[Ye Bai: Dalian mo at i-delete mo ang lahat! Anong kalokohan ang sinasabi mo! Kinumpirma na ng Si family na okay si Si Ye Han, 'di ba?]

[Gong Xu: Ye-ge, hindi mo talaga ito pinapansin, huh! Hindi kalokohan ang sinasabi ko. Maraming tsismis ang kumalat tungkol dito at alam na rin ito ng lahat ng nasa upper class. Kung hindi dahil sa dinulot na kaguluhan ni Si Ye Han sa Si family, hindi sana lalaganap ang balitang ito. Sa pagkakabuod ayon sa aking opinyon, patay na talaga si Si Ye Han; nag-aalala ang Si family na baka magkagulo ang lahat, kaya tinago nila ang balita at nagsinungaling sila sa mundo na buhay pa si Si Ye Han…]

Malinaw at maiging sinuri ni Gong Xu ang sitwasyon at mataas ang kumpyansa niya sa kanyang buod.

Binasa ni Ye Wan Wan ang salitang "patay" at gusto niya talagang manapak ng tao sa mukha. Kinaskas niya ang kanyang ngipin at sumagot lamang siya ng isang salita.

avataravatar
Next chapter