1224 Ang Misteryosong briefcase

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na sinulat ni Ye Wan Wan ang phone number ng huling tumawag.

Kakaiba ang mga numero ng mga tumawag sa phone at mukhang hindi ito lokal na mga numero.

Nangamba muna si Ye Wan Wan bago niya nilabas ang phone at tinawagan ang mga numero na ito.

Gayunpaman, narinig niya ang busy tone sa numero na tinawagan niya kaya biglang nanlisik sa lamig ang puso ni Ye Wan Wan.

Tinawagan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan.

"Ano?" Tinanong siya ni Ye Mu Fan.

"Kuya, tulungan mo ako na hanapin ang isang phone number…" diniretso na ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan.

"Anong klaseng numero ito? Kakaiba… mukhang hindi lokal ang numero na ito at hindi rin ito galing sa ibang bansa… may ganitong klase pala na numero?" Nagulat si Ye Mu Fan.

"Tulungan mo ako na imbestigahan ito," inutusan siya ni Ye Wan Wan.

"Teka lang, huwag mo munang ibaba ang tawag." Agad na binuksan ni Ye Mu Fan ang kanyang computer at hinanap niya dito ang numero na binigay ni Ye Wan Wan.

"P*ta…" nagulat si Ye Mu Fan sa nadiskubre niya.

"Nahanap mo na?!" Nagulat si Ye Wan Wan.

"Eh… hindi, eh…" sabi ni Ye Mu Fan, "Hindi nabibilang sa kahit anong bansa yung numero na binigay mo at mukhang hindi ito tunay na numero! Walang kinabibilangan ang numero na ito!"

"Hindi tunay na numero?" Sumimangot si Ye Wan Wan at agad niyang hinanap ang call history ng phone sa study room.

Gayunpaman, ang kakaibang numero na ito ay hindi lamang isang beses tumawag kay Si Ye Han, kundi halos limang beses itong tumawag. Parati rin na sinasagot ni Si Ye Han ang tawag sa tuwing tumatawag ang numero, parang nanatili siya sa study room upang hintayin ang tawag ng numero na ito. Pero ang numero na ito ay hindi nakikita sa outgoing call history.

Kaya ang numero na ito ay tunay nga talaga… at tsaka, hindi ugali ni Si Ye Han na manatili sa loob ng study room upang hintayin na tawagan siya ng taong iyon, maliban na lang kung kaya niya itong tawagan ng personal...

Sa madaling salita, ang numerong ito ay tumatawag lamang at hindi pwedeng tawagan.

"Wan Wan, ang numero na ito ay hindi pwedeng matawagan. At tsaka, anong klaseng numero ito? Maling numero ba ang binigay mo sa akin…" maririnig sa phone si Ye Mu Fan.

"Okay sige… tulungan mo pa rin ako na hanapin ito. Totoo ang numero na ito." Binaba kaagad ni Ye Wan Wan ang tawag nilang dalawa.

Binalot ng emosyon si Ye Wan Wan habang nakaupo siya sa loob ng study room ni Si Ye Han.

Biglang naging rason kay Ye Wan San ang kakaiba na numerong ito sa pagkawala ni Si Ye Han. Posible na nawala siya dahil sa numero na ito...

Habang nag-iisip ng mabuti si Ye Wan Wan, bigla niyang napansin ang metal na briefcase sa paanan ng bookcase sa gilid ng kanyang paningin. May nakasulat na code sa briefcase: "YWW."

Tumayo si Ye Wan Wan at kinuha niya ang briefcase. Pagkatapos niyang suriin ito, nakita niya na ang briefcase ay may lock at hindi ito mabubuksan kung walang password.

Nakatutok ang mga mata ni Ye Wan Wan sa kakaibang code sa folder at naguluhan siya.

Anong ibig sabihin ng tatlong letra na "YWW"?

Biglang kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan. Ang naisip niya kaagad ay ang mga letrang ito ay acronym ng kanyang pangalan.

Ang acronym ni Ye Wan Wan ay "YWW."

Nag… nagkataon lang kaya ito?

Nakasara ng maigi ang kamao ni Ye Wan Wan. Bigla niyang naisip na subukang buksan ang briefcase.

Gayunpaman, pagkatapos niyang i-try ang ilang mga passwords, hindi pa rin mabuksan ni Ye Wan Wan ang briefcase.

Biglang naisip ni Ye Wan Wan na may kinalaman sa kanya ang nilalaman ng briefcase na ito...

avataravatar
Next chapter