453 Ang masamang kapalaran!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Uh...

Ibig sabihin niya ba...

Na mas matamis ako kumpara sa ?

Nakatigil lang si Ye Wan Wan sa yakap ni Si Ye Han sabay tiningnan niya ang lalaki, nagulat siya na may ganitong lebel ng EQ pala si Si Ye Han.

Dahil ba, mamatay na siya?

Ramdam ko na parang… nagiging malumanay na ngayon si Si Ye Han...

Habang iniisip ni Ye Wan Wan ang mga bagay na ito habang yakap siya ni Si Ye Han, si Si Ye Han ay may sinagot na tawag sa kanyang phone.

Pagkatapos niyang makinig sa kausap niya sa phone, sumagot siya ng walang emosyon, "Wag mo na siyang dalhin sa Prosecution Hall, itapon mo na lang siya sa Dragon Burial Hill."

Ang Dragon Burial Hill ay isang libingan ng mga taong wala mga pangalan, ito ay isang lugar sa may probinsya...

Nandilim ang itsura ni Ye Wan Wan nang marinig niya iyon.

Pwede bang isipin nita muna ang sasabihin niya sa oras na ito kung kailan nag lalambingan kami.

Anong EQ? Panandaliang pagkakataon lang pala iyon.

...

Bago matulog si Ye Wan Wan, kina-ugalian na niyang magbasa-basa ng mga balita sa entertainment news. Noong gabing iyon, nabalitaan niya na ang pangalan ni Gong Xu ay kumalat sa lahat ng balita.

"Ang bagong darling ni Gong Xu,""Diwatang Little Candied Plum online,""ang buong bansa ay hinahanap ang Candied Plum Girl,""ang pag-ibig na nagsimula sa isang kahon ng ,""ang pag-amin ni Gong Xu sa dumaan na isang babae"...

Bumalik na pala si Gong Xu?

Nawalan ng interes si Ye Wan Wan nang mabasa niya ang pangalan ni Gong Xu. Dahil Si Gong Xu ang pinaka-malakas na pato ni Zhou Wen Bin.

Anong pinagsasabi nilang Diyosang Little Candied Plum at Candied Plum Girl?

Dali-daling binuksan ni Ye Wan Wan ang isa sa mga artikulo at nalaman niya na may pinost si Gong Xu sa Weibo na may hinahanap raw siyang tao.

Mukhang nakuha ng napadaang babae ang mga mata ni Gong Xu, ang playboy ng entertainment industry.

Kilalang ng publiko si Gong Xu kaya malaking kasiraan sa kanyang kasikatan ang iskandalo noong kailan lang, ngunit malakas pa rin ang loob niyang mag-post ng ganitong mga bagay sa Weibo pagkatapos ng nanagyari sa kanya. At isa pa itong pag-amin ng nararamdaman niya sa isang tao; wala sa kanya ang ugali ng normal na tao… siya ay mayaman at gagawin ang lahat para makuha ang gusto niya.

Sumasakit siguro ang ulo ni Zhou Wen Bin dahil dito.

Ayon sa pagkakakilanlan ni Gong Xu, tunay na makapangyarihan siyang pato ni Zhou Wen Bin, pero hindi madaling trabaho na i-manage siya.

Gayunpaman, patuloy pa rin na binabasa ni Ye Wan Wan ang mga komento sa Weibo post a parang wala siyang pakialam sa laman ng bawat salita nababasa niya habang patuloy rin niyang inaasar si Gong Xu.

[Ngayong gabi ng 8:16 pm, sa may pintuan ng Candy Dessert Shopo, nahulog muli ang puso ko…]

Nabigla si Ye Wan Wan nang mabasa niya ang unang mga linya ng post, nangyari ang insidente sa lokasyon kung saan siya pumunta kanina.

Pero napahinto si Ye Wan Wan nang mabasa niya ang pangalawang linya.

[Tulungan niyo akong hanapin ang munting diwata na binili ang huling tatlong kahon ng ]...?

Iisa lang ang Candy Dessert Shop sa buong Imperial City at ang lokasyon nito ay nasa baba ng kanyang apartment. At ang tao na bumili ng huling tatlong kahon ng ay… hindi kaya, ako iyon?!

Leche! Anong nangyayari dito!!!

Ilang sandali na nagulat at natameme si Ye Wan Wan sa nalaman niya bago niya ipagpatuloy ang pagbabasa niya. Nakita ni Ye Wan Wan ang pampublikong pag-amin ni Gong Xu——

[Niregaluhan niya ako ng isang kahon ng ngunit ninakaw niya ang puso ko…]

"..." nahulog ang panga ni Ye Wan Wan. Natameme siya ng halos tatlong segundo bago siya bumalik sa tamang pag-iisip. Makikita na gulat na gulat si Ye Wan Wan.

Noong gabing iyon, siya lang ang nag-iisang tao na bumili ng huling tatlong kahon ng at siya rin ang babaeng nagbigay sa estranghero ng isang kahon ng candied plums.

Dahan-dahan muli niyang binasa ang post - kahit ang oras at lugar ng pangyayari ay… parehas sa pinanggalingan niya...

Ang nakamaskarang lalaki na nakilala ko sa dessert shop ay si… Gong Xu pala?!

Naisip na ni Ye Wan Wan kanina kung sinong artista ang naka maskarang lalaki, sinong mag-aakala na hindi lang siya isang sikat na artista, kundi siya pala ang pinaka-malakas na pamato ni Zhou Wen Bin!

Nagkataon lang ang pangyayari! Totoo pala ang sinasabi nila na… ang magkalaban ay nagtatagpo sa maliliit na eskinita...

Ano klase ng pagtatagpo ito?!

avataravatar
Next chapter