342 Ang mapanirang regalo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Loko-loko ka Ye Wan Wan!!" sa oras na iyon, tumaas ang matalas na boses ni Fang Xiu Min.

"Kaarawan ngayon ni lolo, tapos ang lakas ng loob niyang bigyan ng nakakatakot at nakakadiring bagay si Ye Hong Wei. Ano nga ba talaga ang intensyon mo! Nasiraan ka na ng utak!" nakita ni Liang Shi Han ang regalo kaya bigla siyang napatayo. Tinuro at nagwala siya kay Ye Wan Wan dahil sa regalong iyon.

Hindi makapaniwalang tumingin at sumimangot ang grupo ng mga matatanda ay nakaupo sa main table, gayundin sila Li Yue at Zhou Qing Gang kay Ye Wan Wan nang makita rin nila ang regalo.

Isang espesyal na kaarawan ang mangyayari ngayong gabi pero bakit siya binigyan ni Ye Wan Wan ng kakaibang bagay?

Hindi dapat binibigyan ng ganoong regalo ang isang matanda kahit sa mga ordinaryong araw, lalo na sa kanilang kaarawan. Bakit naman niya ibibigay ang nakakasuklam na regalo para sa selebrasyon ng isang kaarawan? Halata namang palanado ito para siraan ang nagregalo!

Naramdaman ni Ye Wan Wan ang malamig na mga tingin ni Ye Hong Wei, kaya napakunot siya at naramdaman niya na binalot ng takot ang kanyang puso.

"Lolo hindi ito ang regalong inihanda ko sa iyo"

"Ye Wan Wan, sabi ni housekeeper Huang galing raw sa iyo ang regalong ito. Ang lakas pa ng loob mong ibigay ito at hindi mo pa inaamin na galing sayo pala ang regalo ito; Hindi ko alam na may masamang balak ka pala! Dumadaloy pa man din ang dugo ng Ye family sa iyo, bakit ang sama naman ng ginawa mo? Mas masahol ka pa sa halimaw! Ano ba ang gusto mong iparating!" Hindi binigyan ni Fang Xiu Min ng pagkakataon na mag paliwanag si Ye Wan Wan, patuloy niya pa ring binabatuhan ng mga masasakit na salita si Ye Wan Wan hanggang sa ito'y masaktan.

Sa main table, halos lahat ng tao ay nakatingin kay Ye Wan Wan, maliban sa isang matandang metikuloso na may edad na 80 taong gulang; ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa buto at mukhang hindi siya kumbensido sa sinasabi ni Ye Wan Wan.

Pagkatapos makita ng mga bisita ang buto, nagkaroon sila ng kakaibang tingin sa kanilang mga mata.

Ang regalo na nagmula kay Ye Wan Wan ay talagang ngang kakaiba sa mga mata nila.

Ang akusasyon at pagpapagalit ni Liang Shi Han at Fang Xiu Min ay ibinalewala ni Ye Wan Wan. Makikita na kalmado pa rin ang emosyon niya sa kanyang magandang mukha.

Hindi niya inasahan na mabibitag siya sa kasakiman ni housekeeper Huang Ming Kun.

Pinigilan ni Ye Wan Wan ang kaniyang emosyon at pasikretong plinano ang kaniyang susunod na ikikilos.

Si Ye Hong Wei ay parang glacier na hindi matunaw-tunaw kahit lumipas ang isang libong taon, natatakot silang lahat dahil sa nakakatakot na ilaw sa kaniyang mga mata.

Ang mga importanteng bisita sa main table ay nalilito habang nag titinginan sila isa't-isa.

Sa kabila ng lahat, tahimik na lamang si Ye Shao Ting at Liang Wan Jun. Dahil sa mapanganib na relasyon nila ni Ye Wan Wan, hindi sila nakatulong.

"Dalhin ang magnifying glass."

Kinunot ng matandang metikuloso ang kaniyang kilay at sinira niya ang kaninang katahimikan.

Kahit hindi nila alam ang rason kung bakit kailangan ito ng matanda, binigay pa rin ang magnifying glass sa kaniya.

Pagkatapos niya kunin ang magnifying glass, sinuri ng matandang metikuloso ang buto habang nakatingin sa magnifying glass.

Walang nakakaalam kung ano ang ginagawa niya.

"Ito ay…"

Paminsan-minsan niyang tinitingnan ang buto gamit ang magnifying glass at bigla na lang siyang namangha na tila hindi siya makapaniwala sa nalaman niya.

Si Ye Hong Wei at ang grupo ng mga matatandang tao sa main table ay biglang nabigla na rin.

Makalipas ang ilang oras, ang metikuloso matanda ay tumayo at itinaas niya paharap ang bone ornament sa kaniyang mga mata.

"Ito ay isang obra maestra….." Binulong niya at makikitang na ang kanyang mga mata ay kumikislap sa sobrang pagkabighani.

"Old Ye… pwede ba akong makahingi na kaunting oras mo para makausap kita" tumingin siya kay Ye Hong Wei at bigla niyang humiling sa matanda.

Hindi naunawaan ni Ye Hong Wei ang sinabi ni Ye Wan Wan.

"Bakit hindi mo na lang ibigay ito sa akin at…" napahinto sa pagsasalita si Ye Hong Wei at sa oras na iyon, bigla siyang umiling kay Ye Wan Wan. "Hindi, hindi… gusto mo bang ipagpalit sa Rise of the Dragon ko ang regalong ito?"

Biglang bumalot ang katahimikan sa buong hall.

Gayunpaman, ilang saglit lang ay may mga maririnig na pagkagulat sa mga bisita doon.

"Hindi ba't ang Rise of the Dragon ay ang isang collector's item na nagmula sa napakahusay na carving master na si Ouyang Yu?"

"Oo, ang matandang metikuloso ay siya ngang si Ouyang Yu"

avataravatar
Next chapter