389 Ang manghuhulang diyos

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naglibot-libot si Ye Wan Wan at nakita niyang may malapit na beach sa lugar na iyon, kampante siyang naglakad papunta doon para pakalmahin ang mga agam agam sa isip niya.

May malaking bato sa buhanginan, kaya niyakap ni Ye Wan Wan ang kanyang tuhod at umupo siya sa taas ng bato habang pinapanood ang bumabagsak na alon sa harapan niya.

Sa isang saglit, biglang may nag-antala na kaguluhan sa kanyang isip...

Pagkatapos mabuhay muli ni Ye Wan Wan, plano niyang suyuin si Si Ye Han hanggang sa maka-isip siya ng plano kung paano siya makakalaya sa kamay ng lalaki at mabuhay ayon sa kagustuhan niya.

Ngunit ngayon, hindi niya naisip na lalong gumulo ang kanyang buhay dahil pa rin sa lalaking iyon. Hindi niya na mapakiramdaman at malaman kung ano ang mangyayari sa kanyang kinabukasan.

Nakayakap si Ye Wan Wan sa kanyang tuhod habang nakaupo, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Sa hindi kalayuan, biglang nag-ring ang phone ng babaeng bodyguard na nagtatago sa dilim, binabantayan niya si Ye Wan Wan kaya mabilis niyang sinumbong kung nasaan ang babaeng ito.

Ilang saglit ang lumipas, may matangkad na tao ang naglakad patungo sa dalampasigan, lumuhod ito at binuhat ang babaeng natutulog.

Siguro dahil napansin niya na pamilyar ang awra ng taong ito, walang hiya siyang yumakap sa lalaki at bumulong, "Sobra na… sobra na siya… gusto niya ba ako maging balo?"

"Hindi," sagot ng mababa at gasgas na boses.

"Sinungaling… sinungaling ka…"

Sa buhay ni Ye Wan Wan noon, kung hindi sila nag-divorce ni Si Ye Han, siguro naging balo na siya...

...

Kinaumagahan, napansin ni Ye Wan Wan na nagising na siya sa kama ng hotel.

Wala si Si Ye Han sa tabi niya; siguro pumunta siya sa meeting sa grupo ng matataas na tao.

Kinamot ni Ye Wan Wan ang ulo niya, nagpalit siya ng damit at bumaba para kumain sa restaurant.

Magkikita pa rin ang magkalaban.

Isang hakbang pa lamang siya papasok ng restaurant nang makita niyang kumakain si Liu Ying at ang grupo ng bodyguards.

Napahinto ang grupo ng maskulado at matatangkad na mga bodyguards nang makita nila si Ye Wan Wan.

Hindi maipaliwanag ang mga tingin ng bawat isa sa kanila, habang natatingin sila kay Ye Wan Wan.

Tumaas ang kilay niya nang makita niya ang grupong ito, hindi niya namalayan na napatingin na lamang siya kay Liu Ying.

At nakita niya na...

Si Liu Ying ay nakaupo sa harap ng lamesa. Karaniwan na nakasuot siya ng itim na damit at madilim din ang kanyang ekspresyon. Nanahimik ang lahat ng alaga niya nang makita nila na biglang nainis ang kapitan nila.

Matapos nilang tignan si Ye Wan Wan, lumipat ang tingin ng lahat patungo sa kanilang kapitan...

Pagkatapos nito, sinundan ni Ye Wan Wan ang tingin ng lahat at nakita niya na… si Liu Ying ay may puting bandage na nakabalot sa kanyang noo at may tunatagos na sariwang dugo dito...

Biglang napawi ang lungkot na dinadamdam ni Ye Wan Wan nang makita niya iyon. Mabilis siyang lumapit at umupo pa siya sa tapat ni Liu Ying. Nag talumbaba si Ye Wan Wan habang nagagalak siyang makita ang bandage sa noo ni Liu Ying. "Aiya~ imahinasyon ba ang nakikita ko? Hindi ba siya ang magiting na kapitan Liu Ying na tatlong taon na ang nakalipas noong huling dinugo siya? Binugbog talaga siya at malala pa ang sugat na natamo niya! Nagpapantasya ba ako?"

Mas madilim pa ang itsura ni Liu Ying kesa sa kape na nasa lamesa. Bigla niyang niyupi ang laddle sa sobrang galit niya.

Biglang napayuko ang mga bodyguards na nangangasar kay Ye Wan Wan. Nagsi-ubuhan sila habang nararamdaman nila ang kahihiyan na makikita sa kanilang mga mukha.

Sinong mag-aakala na magkakatotoo ang sinabi ng babaeng ito?!

Hindi ako makapaniwala!

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang nagpapaka-inosenteng malalaking mga lalaki at hindi niya napigilang matawa. "Ngayon alam niyo nang lahat na tama ang panghuhula ko, huh? Ano na? Gusto niyo rin bang basahin ko ang kapalaran niyo? Bibigyan ko kayo ng 20% discount hehe~"

avataravatar
Next chapter