1068 Ang maling paraan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Saglit na tumingin si Ye Wan Wan ngunit walang hindi nagsalita.

Noong parte parin ang kanyang ama sa pamilya ng mga Ye, tanyag ang Ye Group at ang kanilang kasaganahan ay nasa top 10 sa Imperial City.

Noon, ang kanyang kwarto ay tunay na sagisag ng isang kayamanan at nababalot ng lahat ng klase ng mga maluhong mamahaling kagamitan.

Ito ay binili ng kanyang ama at ina o mga regalo mula kay Ye Mu Fan. Mahilig din niyang bilihan ang kanyang sarili ng mga makikinang na alahas.

Maya-maya, ang pamilyang Ye ay dalamhating pinapahina ni Ye Shao'an. Matapos kinuha ni Ye Shao'an ang kumpanya, hindi mabawi ng pamilyang Ye ang dati nitong kaningningan.

Hindi lang si Ye Wan Wan ang sinama ni Ye Yiyi, ngunit pati si Liang Shihan at ang ilang mga tagapagmana mula sa mga kaibigan nito ay kanyan ding dinamay.

"Sister Yiyi, napaka-ganda mo ngayon!"

"Talagang bagay na bagay si Yiyi at Mr. Gu!" 

"Nais ko na magkaroon kayo ng walang hanggan na pagmamahalan at isang masaganang buhay mag-asawa!"

Ang lahat ng babae ay nakapaligid kay Ye Yiyi at masayang-masayang binati siya habang paminsan-minsang nang-aasar sa itsura ni Ye Wan Wan.

Sa kabagutan umupo si Ye Wan Wan sa isang sopa.

Matapos mag-usap usap ang mga babae, isang katok ang narinig, ant pumasok si Huang Mingkun sa kwarto na may dalang inumin sa isang pinggan.

"Miss Wan Wan, ito na ang iyong tsaa."

Kaswal na nanililipat-lipat ni Ye Wan Wan ang magazine ng ilapag ni Huang Mingkun ang isang tasa ng tsaa sa harapan ni Ye Wan Wan, at mabilis na inilagay ang isang maliit na bagay sa pitaka ni Ye Wa Wan sa isang partkilar na anggulo ng hindi niya napapansin. Saka siya normal na nagdahilan at nagpatuloy sa pag-aasikaso sa ibang mga tagapagmana.

"Eldest Miss, ang lahat ng bisita at dumating na at handa na ang lahat sa baba," ang sabi ni Huang Mingkun kay Ye Yiyi.

"Sige," habang sinasabi ni Ye Yiyi iyon, siya ay panakaw na tumingin kay Ye Wan Wan mula sa gilid ng kanyang mga mata.

Kaagad na binigyan siya ni Huang Mingkun ng isang "matagumpay" na tingin.

"Naiintindihan ko. Maaari ka ng umalis." Sa wakas ay huminahon na si Ye Yiyi.

"Oo." sang-ayon na umalis si Huang Mingkun sa kwarto.

Gusto magpalit ni Ye Yiyi, kaya ang lahat ay bumaba.

Sa may banquet hall:

Nakarating na si Ye Wan Wan sa baba ng siya ay tumakbo kay Ye Mu Fan na nagmamadaling pumunta sa kanya.

"Brother, bakit ka tumatakbo?" nagtanong si Ye Wan Wan ng mapansin na nagmamadali si Ye Mu Fan.

"Hindi ba halata na nag-aalala sayo si ama at ina at natatakot kami na baka awayin ka, kaya pinilit nila akong tignan ka?" Bulong ni Ye Mu Fan.

Masigla ang nasa ibabaw ng mga mata ni Ye Wan Wan. "Ayos lang ako. Tara na."

"Hindi ka naman ba pinahirapan ni Ye Yiyi, 'di ba?" Tanong ni Ye Mu Fan.

"May mga taga-labas doon, kaya kailangan niya akong itrato ng maayos at mas magalang. Paano naman niya ako papahirapan?" Sumagot na si Ye Wan Wan bago pa niya pangaralan si Ye Mu Fan, "Brother, kailangan mong maingat na pag-aralan ang ugali niya. Gagawa ka ng magandan kahit na alam mo na ang isang punto o dalawa."

Nagpakita ng hindi makapagsalita si Ye Mu Fan: "..."

'Sister, nagpapakita lang ako ng malasakit sayo, pwede ba? Nasa maling paraan kaba?'

Kinuyom ni Ye Wan Wan ang kanyang labu at sumagot, "oo na, kuha ko na…" 

Nagsimula ng tumugtog ang malambing na tugtog, nangangahulugan na malapit na magsimula ang banquet.

Nagmadali ang hall sa gawin ng may gulong biglang narinig mula sa mga tao.

Pinagunahan nu Huang Mingkun ang ilang mga katuling at nakihalubilo sa maraming tao ng may pagkabalisang itsura, na parang may hinahanap.

Tumingin ng may kaunting lungkot si Ye Mu Fan kay Huang Mingkun. "Ano kayang gulo ang dinudulot ng Lapdog Huang na iyan sa mga oras na ito?"

Kalmadong tumingin si Ye Wan Wan sa maraming tao bago palihim na hinawakan ang kanyang puting handbag. "Pft…"

Nahuli ni Ye Mu Fan ang itsura ni Ye Wan Wan at nagtanong, "ano iyon?"

"Wala lang ito." Nagkibit balikat si Ye Wan Wan. "Basta ko na lang nalaman… tingin ng iba isa akong tanga…"

"Huh?" Hindi siya na intindihan ni Ye Mu Fan.

avataravatar
Next chapter