406 Ang malakas na suspetya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Boss, ang mga taong ito… sila ba talaga ang Rosas ng Kamatayan?" sa oras na iyon, ang mapayat na may kulay pulang buhok na miyembro ng Murderous Blood Gang ang lumapit sa tabi ni Qiu Hong Hai at bumulong sa kanyang tainga.

Nandilim ang itsura ni Qiu Hong Hai. Alam na ng lahat ang pagkakakilanlan niya, bukod sa Rosas ng Kamatayan, sino pa kaya ang nakakaalam ng ganitong impormasyon?

Inobserbahan ni Little Clown Jason ang mga taong nasa tapat niya at bigla siyang napabulong, "Mataas na antas ng mga eksperto ang mga katabi niyang mga tauhan."

Alam ng lahat na ang Black Widow ay gustong nangunguha ng magalang at mga gwapong liders para babagay sila sa kanyang kagandahan.

Hindi nagsasalita ai Eugene; sa buong pangyayaring iyon, nakangiwi lamang ang kanyang mukha.

At dahil sa itsura ng babae na karaniwang tao lamang na muntikan niya nang patayin, inatake ng babaeng ito ang kahinaan niya at nakawala siya sa kanyang mahigpit na paghawak - isang malaking kahihiyan ito sa kanya.

Ang lalaking may pulang buhok at mapangambang bumulong sa sarili niya, "Pero kakaiba ang itsura ng mga taong ito… sampung taon nang nananahimik ang Rosas ng Kamatayan, bakit bigla silang nagpakita sa atin ngayon?"

Patuloy na pinag-isipan iyon ng lalaking may pulang buhok, "At saka, masyadong matagal na ang oras na inubos nila, bakit hindi ko pa rin nakikita ang personal na mga armas ng Black Widow?"

Lumiwanag ang mga mata ni Eugene, na para bang may naisip siya, noong narinig niya ang sinabi ng lalaking may pulang buhok. "Tama! Muntik ko nang makalimutan iyon! Mabilis ang Black Widow kaya wala pang nakakakita ng maayos ng kanyang armas, pero sinwerte ako noon kasi nakita ko ang drawing nito sa kaisa-isang craftsman. Malalaman ko kung totoo ang armas niya gamit sa isang tinginan lang…"

"Nakita mo na ba talaga ang armas niya noon?" Tanong ni Qiu Hong Hai.

"Oo, hindi ako nagsisinungaling!"

"Anong itsura nito? Sabi nila, komplikado raw ang itsura nito? Imposible na may peke ang armas na ito!" tahimik na sinabi ni Qiu Hong Hai.

Ngumisi si Eugene, "Tsk, anong itsura nito. Walang nakakaalam bukod kay Black Widow at sa mga miyembro ng Rosas ng Kamatayan! At yung craftsman na iyin ay miyembro din noon ng Rosas ng Kamatayan! Makakalimutan ko na siguro kung hindi ito babanggitin ni Old Sixth. Aalamin ko ngayon din ang totoong pagkakakilanlan ng babaeng iyan!"

Hinaplos haplos ni Eugene ang nasaktan niyang balikat habang nagsasalita siya, madilim ang kanyang itsura nang bigla siyang naglakad paabente habang nakatingin sa Black Widow. Sabi niya, "Ako si Alex Eugene. Matagal na kita hinahangaan at masasabi kong walang makakatalo sa ganda ng iyong Golden Cicada Silk - kaya mong pumugot ng ulo ng mga tao kahit malayo ka pa… hindi ko nga lang alam kung makikita namin ang armas mo ngayon?"

Ang kaninang kalmado na lider ng Dark Team 1 ay biglang kinabahan nang marinig niya ang nakakamatay na salita ni Eugene na mamamatay tao.

Naging alerto na rin ang ibang mga bodyguards dahil dito.

Mamamatay na tayo...

Madaling gayahin ang damit at makeup ng Rosas ng Kamatayan at hindi malaking isyu kung may kaunting kamalian ang dala nilang armas, ngunit, malalaman lang ng tunay na miyembro ng Rosas ng Kamatayan ang espesyal na armas ng Black Widow.

At saka, kung alam man nila ang itsura ng armas na iyon, mahirap napaka kumplikado gawin ang armas ng Black Widow - hindi madaling pekein ang armas niya.

May espesyal man na kakayahan si Ye Wan Wan na malaman ang mga sikretong bagay, ngunit ito ay...

Malamang handa ang Murderous Blood Gang dahil nabanggit malaki ang kaalaman nila ang espesyal na armas ng Black Widow. Mapapansin agad nila ng isang tinginan lang kung maglalabas man ang grupo ni Ye Wan Wan ng kahit anong armas lang.

Ano 'nang gagawin natin?

Ang layo na ng narating ng pagpe-peke natin, paano kung nabigo tayo?

Hindi man halata sa itsura ng mga bodyguards, pero handa na sila sa malalang mga mangyayari.

Lumitaw ang nakakaasar na ngiti sa mukha ni Eugene nang makita niyang natameme at hindi makasagot ng matagal na oras ang babaeng naka-itim na belo, kaya kaswal na sinabi ni Eugene, "Anong nangyari senyorita? 'wag mong sabihin na nagmadali ka kaya naiwan mo ang aramas mo?"

Binalot ng nakamamatay na katahimikan ang ere, ang maririnig lamang ang tahimik na ugong ng hangin. Biglang huminto ang kalagayan ng paligid ng isang iglap lang.

avataravatar
Next chapter