56 Ang magkasintahang kapit-kamay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nasabihan na si old madam ng mga katulong sa bahay na dumating na ang kanyang apo at kanina pa siya paikot-ikot sa pasilyo ng kainan na nagmamadali at nagaalala.

Natuklasan niya kay Xu Yi ang tungkol sa pinanggalingan ng babaeng kasama ng kanyang apo. Nabiga siya sa umpisa nang malaman na nasa senior year pa rin ang babae, pero kahit na bata pa siya, mukha namang nasa husto na ang kanyang pagiisip.

Kaya lang, hindi nanggaling ang babae sa isang maayos na pamilya at isang malaking salungat sa kung anong mayroon sa pamilyang Si.

Pero hangga't gusto siya ng young master, hindi na ito mahalaga pa. Ang importante, gusto niyang makilala ang paguugali ng dalaga at kung totoo ang nararamdaman niya para kay Little 9th.

Rinig ang mga yabag mula sa pintuan, agad na lumingon ang matanda sa pinto.

Lumalakad na sa unahan ang matandang tagapamahal at nakasunod sa likuran niya ang dalawang magkasintahan, ang kanyang apo sa karaniwang eskpresyon ng mukha nito habang dala-dala ang kulay asul na school bag sa kanyang braso. Sa tabi niya ay ang maganda at kaaya-ayang dalaga.

Mula sa karaniwang maliit na mukha ng babae ay kasingaliwalas ng mga milokoton, ang kanyang itim buhok na nakatali ng maayos at suto ang kanyang uniporme na gamit sa kanyang eskwelahan na Qing He. Mukha siyang maayos sa pakikitungo at nakapostura na mabilis siyang nagustuhan ng mga nakapaligid sa kanila.

Ang nagpabigla pa sa old madam ay ang kapwa magkahawak ng kamay ang kanyang apo at ang babaeng kasama nito.

Kilalang-kilala niya si Little 9th. Ang sinumang ordinaryong babae ay hindi siya kayang lapitan kahit tatlong hakbang lang ang layo sa kanya, maging hawakan siya ay hindi kakayanin.

Pero ngayon, hawak-hawak niya ang kamay ng dalaga. Ngayon lang ito nangyari.

Kaya naging komportable na ang naging pakiramdam ng matanda kay Ye Wan Wan.

Hawak ni Si Ye Han ang kamay ni Ye Wan Wan saka naglakad patungo kay old madam, "Lola."

Tinitigan saglit ng matandang babae si Ye Wan Wan, ang buong ekspresyon niya ay napuno ng pagmamahal. Malambing siyang nagsalita sa takot na baka matakot niya ang batang babae, "Siya ng si Ye Wan Wan, dali, halika dito kay lola!"

Sumulyap si Ye Wan Wan kay Si Ye Han at saka masunuring naglakad patungo sa matandang babae, "Kumusta po kayo, lola?"

"Mabuti naman!" bakas sa matanda ang sobrang saya na naramdaman nang marinig ang sagot ng dalaga. Pasulyap kay Xu Yi na nakitang dala-dala ang mga bagahe sa likuran, sinabi niyang, "Napagod ka na siguro. Sinabi ko naman na hindi mo kailangang magdala pa ng mga regalo. Kailangan mo lang ay dalhin ang iyong sarili!"

Iyon ang sinabi ng matanda pero nanatiling masigla at masaya ang tono ng kanyang boses.

Kahit hindi naman siya nawawalan ng kahit na ano sa bahay, mahalaga para sa kanya ang mga regalong ibinigay ng kanyang magiging manugang na apo.

"Madam, nakahanda na po ang hapunan." Sa sandaling iyon, tinawag siya ng katulong sa kusina para sabihan.

"Dumating kayo sa tamang oras. Tara, doon na tayo magkwentuhan habang kumakain. Wala namang kahit anong restriksyon sa bahay na ito, basta maging komportable lang kayo." Nagaalala ang matanda na kaya tahimik lang si Ye Wan Wan ay kailangan niyang gawin ito. Malambing na hinila niya ang kamay ni Ye Wan Wan patungo sa hapagkainan at saka naiwan ang apo na nakasunod lamang sa kanila.

Ipinasa ni Si Ye Han ang school bag sa matandang tagapamahala ng bahay at saka sumunod patungong hapagkainan.

Maayang nakikipagusap ang matandang babae kay Ye Wan Wan, "Wan Wan, nakakapagod ba ang senior year mo? Umaasa ako na hindi naman nakakagulo sa pagaarala mo ang pagbisita mo sa akin dito?"

Ang maaya at malambing na pakikitungo ni Lola Si ay nakapagbigay ng malaking tulong kay Ye Wan Wan para bahagyang huminahon. Sa kasalukuyan, mukhang hindi naman masama ang impresyon sa kanya ng matandang babae.

Umiling lang si Ye Wan Wan, "Naku po, hindi po. Wala naman po kaming pasok tuwing Sabado at Linggo."

"Ang batang ito, si Little 9th, hindi man lang nasabi sa akin na may nagugustuhan na pala. Nalaman ko lang nang makita siyang tumatawa sa isang tabi ng magisa habang nakatingin sa cellphone niya. Kaya ayun, tinanong ko siya kung anong tinitingnan niya. Pagkatapos, sinabi na rin niya sa akin na binabasa niya ang text ng kanyang girlfriend. Saka ko roon nalaman. Gayun din lang naman na hindi ko alam na nakikipagdate na pala siya, kinabahan na ako kaya nagpumilit ako na dalhin ka niya rito sa bahay nang makilala ko!", salita ng matandang babae sabay titig sa kanyang apo.

Nagulat si Ye Wan Wan nang marinig ang kwento na tumawa pala si Si Ye Han sa text niya. Napakahirap nga namang maisip na ginawa niya iyon.

avataravatar
Next chapter