555 Ang magaling na Little ge ge

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nalilitong nagkatinginan si Qiao Ke Xin at Han Xian Yu sa isa't isa.

"Anong nangyari?"

Sila at ang mga taong nakapalibot sa kanila na wala ring kaalam-alam, ay naglabas ng phone at tiningnan kung ano ang balitang tinutukoy ng ng mga tao. Nabigla rin sila nang malaman nila kung ano ang nangyari.

Ngunit si Ye Wan Wan ay nakatayo lamang doon at blanko ang kanyang itsura.

Nagmakaawa na parang baliw si Qi Mei Lin, "Director Ye, tumawag ka ng tao para i-delete ang mga litratong iyon…"

Galit ang itsura ni Ye Yiyi. "Huli na ang lahat…"

Mabilis na kumalat ang balitang ito dahil ang atensyon ng mga tao ngayon ay nasa Golden Orchid award ceremony, mabilisnna naging pasabog na balita ang iskandalo ni Qi Mei Lin nang natapos ang seremonya.

At tulad ng inaasahan, nakita niya ang "Orgy party ni Qi Mei Lin,""Qi Mei Lin nagdo-droga" at marami pang keywords ang sumisikat noong binuksan niya ang ilan sa mga sikat na websites at blogs.

Ang malala pa doon ay hindi lang si Qi Mei Lin ang nasa party - may ilang mga artista rin ng Emperor Sky ang nakasama sa litrato kaya ang mga taong nagkokomento ay nagtatanong kung isang drug den ba ang Emperor Sky Entertainment.

Unti-unting kumalat sa lahat ng tao sa ballroom ang balitang ito, nagtsismisan at nagbulungan sila sa isa't isa at tiningnan nila ng masama si Qi Mei Lin.

"Naisip ko noon na si Qio Ke Xin ay may magulong personal na buhay, hindi ko inasahan na pagkatapos matanggap ni Qiao Ke Xin ang Golden Orchid Best Actress award, si Qi Mei Lin naman ang nasiraan ng bait!"

"Ang nakakagulat pa doon ay sa loob ng entertainment industry, hindi mo alam kung sino ang totoo o peke. Masyadong mababaw ang pagiisip mo kung naniniwala ka lang kung ano ang nakikita mo sa panlabas!"

"May iskandalo na noon pa man ang rebelde na si Qi Mei Lin 'di ba? Sinabihan na siya noon ng senior management ng Emperor Sky na magdahan-dahan sa kilos niya at binigyan rin siya ng maraming pera sa PR para walang nangyaring iskandalo noon. Kaso parang… gusto niyang sirain ang reputasyon niya!"

"Ito na ang katapusan niya ngayon. Napunta lang sa wala ang pera ng Emperor Sky at sinama niya pa ang ilang grupo ng mga artista sa pagbagsak niya! Gumulo talaga ang Ye Group simula noong nag-iba sila ng management. Tsk tsk…"

Naramdaman ni Qi Mei Lin ang mga matatalas na tingin na parang mga lumiliyab na apoy. Nasisindak siya nung naisip niyang masisira ang reputasyon niya sa industriya dahil sa iskandalong ito. "Chairman Gu, director Ye, kailangan niyo akong tulungan! Dali, utusan niyo ang PR na i-delete ang mga litratong iyon! I-DELETE NIYO IYON!"

"Manahimik ka!" Galit siyang sinagot ni Gu Yue Ze.

Wala nang magagawa ang PR para sa iskandalong ito.

Dahil kumalat na ang balita at malamang, makukuha na ang mga litratong iyon sa phones ng mga tao kaya walang punto kahit pa subukan nilang i-delete ito. Ang pagsama pa lamang niya sa mga masasamang loob ay sapat na para sirain ang reputasyon niya, pero ang pagsiwalat ng paggamit niya ng droga ay sapat na para mawalan ng trabaho ang isang artista sa industriya.

Tapos na talaga ang lahat para kay Qi Mei Lin

Nasayang ang lahat ng ginastos nilang kayamanan at enerhiya para kay Qi Mei Lin. Hindi lang 'yon, kailangan pa nilang bayaran ang ilang mga mahalagang endorsement at advertising companies.

Nang marinig ni Ye Yiyi ang nagsabi ng "Naging magulo ang Ye Group simula noong nagbago sila ng management," umalab ang naramdaman niyang galit dahil tumagos ito sa kanyang puso. Sumabad siya sa kanila, "Oo na, 'wag niyong pag-usapan yan dito. Lumabas na tayong lahat at hindi ba kayo nahihiya sa pinaggagawa niyo?"

Iniwasan ng grupo ng mga tao ang napakaraming mga reporters at mabilis silang umalis ng ballroom.

Huminto ang madilim at masamang tingin ni Gu Yue Ze kay Ye Wan Wan ng isang saglit, bago sila umalis.

Kaswal na ngumiti si Ye Wan Wan, nakaramdam siya ng galak dahil sa matagumpay niyang pangangasar kay Gu Yue Ze.

Biglang lumaki ang mga mata ni Gu Yue Ze nang ngumiti si Ye Wan Wan. Hindi siya sigurado kung bakit, pero parang may mali siyang nararamdaman sa lalaking ito...

Parang bang nakakita siya ng isang multo - nagkatotoo ang lahat ng hinulaan ng lalaking iyon kaya kinabahan si Gu Yue Ze sa hula ni Ye Wan Wan sa kanya noon na " Mamalasin si Gu Yue Ze."

Nabighani na naman sila Qiao Ke Xin at Han Xian Yu dahil nakita na naman nila na nagkatotoo ang hula ni Ye Wan Wan...

"Nag… nagkatotoo na naman ang hula mo? Ang galing mo, little ge ge. 'Wag mong sabihin sa akin na… marunong ka talagang manghula ng kapalaran ng tao?"

avataravatar
Next chapter