23 Ang love letter para kay Si Ye Han

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umirap lang si Shen Meng Qi.

Akala ko may integridad pang natitira si Ye Wan Wan!

Isa pa rin pala talaga siyang miserableng walang hiya!

At saka bakit siya magbabago?

Ilang sandali lang, pumunta si Shen Meng Qi sa likod ni Ye Wan Wan at patagong kinuhaan niya ng larawan si Ye Wan Wan mula sa phone niya at saka tahimik na umalis.

Pabalik sa kanyang hostel, imibis na magaral si Shen Meng Qi, agad siyang nagpadala ng mensahe kay Si Ye Han.

Iniwan na rin sa wakas ni Si Ye Han ang basurang si Ye Wan Wan. Dumating na ang magandang pagkakataon niya ngayon!

Si Si Ye Han ang tagapagmana ng pamilyang Si, ang kauna-unahang may dugong bughaw sa bansang Z. Hindi siya kayang lapitan ng sinumang ordinaryo lamang.

Hindi lang siya mayroong personal na number ni Si Ye Han kundi may pagkakataon din siyang makapasok sa Jin Garden, ang tinatawag na maliit na lugar ng Imperial City.

Hindi maiwasag maisip na isang araw siya ang magaakomoda sa mga bisita at paguusapan ang relasyon na kay Si Ye Han. Hindi niya napigilang matuwa sa kilig habang iniisip 'yun.

Kahit ang basurang si Ye Wan Wan kayang makuha si Si Ye Han, paano pa kaya ako?

Isa pa, iba ang trato niya sa akin. Hindi lang kaya kong pumasok at lumabas ng Jin garden, nakakatanggap pa ako ng mga mahahaling regalo. Kung magkaproblema man ako, sasabihin ko lang 'yun sa kanila at siya na bahalang magpadala ng mga tao niya para tumulong.

Nakaramdam na naman ng kilig si Shen Meng Qi at namulu ang pisngi. Napuno ang mukha niya kumpyansa sa sarili at saya sa pakiramdam. Kailangan pa niyang paghirapan 'to para mapunta sa kanya ang lalaking pinapangarap niya.

[Mr. Si, nabalitaan kong nagaway daw kayo ni Ye Wan Wan, ayos ka lang ba? Huwag kang magalala pa kay Wan Wan, pinuntahan ko siya para kumustahin at mukhang ayos lang din naman siya]

Nakalagay din sa mensahe niya ang nakuha niyang larawan ni Ye Wan Wan na may kasamang love letter sa gilid. Halata sa kuhang larawan.

Sa abilidad ni Si Ye Han sa pagoobserba, agad niyang makikita ang love letter na sinulat ni Ye Wan Wan para kay Gu Yue Ze!

Alam niyang pagkatapos siyang iwan ni Ye Wan Wan, magiging masaya na siya at mas determinado nang pumunta kay Gu Yue Ze.

Mahalaga kay Shen Meng Qi na magalit at kamuhian ni Si Ye Han ngayon si Ye Wan Wan.

Sa mga oras na 'yun, nandun lang sa loob ng hostel si Ye Wan Wan.

Pagkatapos umalis ni Shen Meng Qi, nagpatuloy lang si Ye Wan Wan na magbasa pero hindi siya napakali bigla na parang may maling nangyayari.

Luminga-linga siya sa bawat sulok ng silid niya.

Ayun nga, nasa isang sulok ang hindi pa niya tapos isulat na love letter para kay Gu Yue Ze.

Naku, muntik ko nang makalimutan!

Sa dati niyang buhay, ikinulong siya ni Si Ye Han at sinubukan niyang lumaban. Noong nagbanta lang siya na magpapakamatay saka lan siya pinayagang maakabalik ng eskwelahan. Dahil kay Shen Meng Qi na mahilig gumawa ng gulo kaya hindi siya makapunta sa eskwelahan at doon nasira ang reputasyon niya.

At ang unang pagkakataon ni Shen Meng Qi na panggugulo ay ang siraan siya kay Si Ye Han sa pamamagitan ng isinulat niyang love letter.

Kahit marami nang pagbabago sa buhay niya ngayon at base sa personalidad ni Shen Meng Qi, hindi niya sasayangin ang pagkakataon na dungisan ang pangngalan niya kahit ikasira pa ng relasyon na kay Si Ye Han.

Kinuha ni Ye Wan Wan ang love letter, inikot ang lapis na hawak at unti-unting napanganga.

Buti na lang hindi ko pa tapos isulat ang love letter na ito at hindi pa napapadala sa iba.

Bakit hindi nga kaya isulat ko 'to para kay Si Ye Han?

Kinuha ni Ye Wan Wan ang phone niya. Kumuha ng larawan ng love letter at dali-daling ipinadala kay Si Ye Han na may kasamang hugis pusong emoticon.

avataravatar
Next chapter