87 Ang lalaking naghahabol kay Ye Wan Wan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kaya naman, dali-daling nakahanap si Xu Yi ng taong magtitingin kay Ye Wan Wan.

Maya-

maya, matapos ang isang imbestigasyon. Nalaman nilang may isang lalake sa eskwelahan ang nanliligaw kay Ye Wan Wan at alam ito ng buong school!

Malapit nalang ay baka magbreak down na si Xu Yi. Simpleng mapahamak si Ye Wan Wan at ang mga resulta ay nakakatakot!

"Mayroong lalaki sa eskwelahan nila na naghahabol kay Ms. Ye!, Dr. Mo, sabihin ba natin ito kay 9th master?" tinanong ni Xu Yi ng may pagdidilim sa kanyang mukha.

Normally, kapag makikipag-usap si Ye Wan Wan sa ibang lalaki, nag-aalab na ang 9th master. Pero ngayon, mayroong malakas ang loob na habulin siya. Paano niya nalang hahayaan si Ye Wan Wan ng basta-basta? At pag nag-away ulit silang dalawa...

Desperado siyang itago ito sa kanyang amo.

Nagblanko ng sandali si Mo Xuan. "Sigurado ka?"

Sa itsura ni Ye Wan Wan, naka-attract pa siya ng isang manliligaw?

Tumango ng madiin si Xu Yi, "Totoo! At saka, sabi din na ang lalaki ang big shot ng Qing He; anak siya ng direktor ng eskwalahan. May itsura siya at sikat sa mga babae. Mukhang may problema lang siya sa paningin niya."

Napakurot nalang si Mo Xuan sa kanyang noo at nag-aalangan. Matapos ang malalim na konsiderasyon, sinabi niya, "Malalaman din ito ni 9th master sooner or later."

Sumang-ayon si Xu Yi. Batayan nalang ito ng maaga o huling kamatayan.

Kaya naman, bumuntong-hininga si Xu Yi, at kumatok ng mahinhin sa pintuan at dahan-dahan itong binuksan.

Nakita niya na ang mga kurtina ay nakaladlad, na mayroon nalang maliit na butas para sa mahinang sinag ng araw na nasa mukha ng isang lalake.

Ang malaking katawan ni Si Ye Han ay nakahiga sa sofa, isang binti na nakabaluktot at isang kamay na nasa mga mata niya para hindi masinagan ng araw. Ang collar ng kanyang itim na damit na kadalasan ay maselan na naka butones hanggang tuktok ay mayroon nang dalawang butones na nakakalas, ang kanyang tanyag na kagwapuhan na itsura ay ubod ng putla. Ang kanyang presensya ang nagbunga ng isang madilim na awra na nakapalibot sa kanya.

Pero sa gantong klaseng awra, hindi lang ito nakasakit sa kanya, pero mas nagmukha pa siyang malisyoso, na parang bampira na nasa isang malalim na tulog ng isang libong taon sa isang sinaunang palasyo...

Sa totoo nito, mas lalong delikado ang master pag ito'y tahimik kumpara sa siya'y aktibong nag-aalab sa galit.

Napalunok ng matindi si Xu Yi at nanginginig na lumapit, "9th… 9th master… Mayroong pong mga message para sa iyo… Galing… Galing po kay Shen Meng Qi… Madami po siyang message na pinadala… baka po emergency ito…"

Sa nakaraan, hangga't galing kay Shen Meng Qi ang mga message, ibibigay ni Si Ye Han ang kanyang buong atensyon. Pero ngayon, hindi man lang kumibo si Si Ye Han.

Matagal na nag-antay si Xu Yi, sa sobrang tagal ay namanhid na ang kanyang mga paa. Kaya naman, humugot siya ng lakas ng loob at sinabi sa kanya ang mga balita, "9th master… Mukhang mayroon din pong lalaki sa school na nililigawan si Ms. Ye…"

Sa mga sumunod na segundo, para bang may malamig na hangin at nakakatakot, na nakakamatay na layunin ang bumugso sa lugar.

Kahit na hindi gumalaw ang lalaki at binuksan ng bahagya ang kanyang mga mata, nagbago ng tuluyan ang atmospera.

Harap ng kilabot na ito, ang nanigas na si Xi Yu ay punong-puno ng takot ang kanyang puso.

Tahimik siyang nagdadalamhati para sa lalaking nabulag at tinutukso ang kamatayan at hinanda ang kanyang sarili sa kung anuman ang sumunod na mangyayari.

Habang kabadong-kabado si Xi Yu, bigla nalang mayroong nagring na phone at sa sobrang gulat niya ay muntik niya pang mahagis ang phone sa sobrang takot.

Madali niyang tinignan ang incoming call display, iniisip na baka si Shen Meng Qi ito na sumusubok na gumawa ng gulo pero ng malinaw niyang nakita na si Ye Wan Wan ito!

Napunta sa lalamunan ang puso ni Xu Yi; bakit tumatawag si Ye Wan Wan ng gantong oras?

"9th… 9th master, si Ms. Ye tumatawag po… Video call po…"

avataravatar
Next chapter