783 Ang lalaking laruan ng reyna

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumunok si boss Zhou at nanghihinang sinabi, "Kung gayon… maaari na ba kaming umalis…"

Kaswal na tumingin si Ye Wan Wan sa kanyang kuko. "Sandali."

Ang patak ng malamig na pawis sa noo ng boss Zhou ay tumulo. "May… mayroon pa ba?"

"Anong nakita mo ngayong araw?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Sandaling na blangko si boss Zhou bago nagmadaling sumagot, "Wala akong nakitang kahit na ano! Wala akong nakitang kahit na sino!"

Matapos marinig ang kanyang sagot, inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay.

Naihi sa kanilang pantalon si boss Zhou at ang iba sa takot at madaling tumakbo palayo.

Sa una akala ni Ye Wan Wan na dadarating sila ng may marami pang pakulo at naging; hindi niya inaasahan ang pagtatapos na palabas ay nababaligtad ang buong lugar at kontrolin ang mga taong iyon...

Matapos umalis ang mga taong iyon, "lahat kayo, sundan ninyo ako." Ang sabi ni Ye Wan Wan sa grupo ng mercernary.

Nagtinginan ang bawat isa at hindi pa din sila nakakabalik sa katinuan mula sa pag-atake. Nang marinig nila si Ye Wan Wan, sila ay nagulat at hindi makasagot sa sinabi ni Ye Wan Wan.

"Uh… Aa-ano… su-sundun ka…" Sandaling na balangko ang lalaking mahaba ang buhok bago niya isuksok ang kanyang sarili sa yakap ng lalaki. "Qiang-ge, ayako maging bihag at maging isang laruang lalaki ah ah ah!"

Kaagad na lumapit ang balbas-saradong lalaki. "Kunin mo na lang ako bilang bilanggo kung kailangan ninyo!"

Ye Wan Wan: "…"

Sinong nagbigay sayo ng lakas ng loob, huh?

Wala ba kayong alam kung anong itsura ninyo?

Angal ni Spray of Flowers, "Mapangahas! Anong karapatan ninyo manglait ng tao kahit na ang pangaraping maging laruang lalaki ng aming reyna!"

Tumango ang deboto. "Kailangan ninyo maging gwapo tulad ko!"

"Kung ganun… bakita…" Nanghihinang sabi ng mataba.

Sa sandaling ito, ang mukha ng matanda ay nagdilim at sinabing, "maaai ko bang malaman kung hinahanap din ng madaam ang mga goods na iyon? Madam, tingnan ninyo ng mabuti. Tatanggapin namin ang misyon mula sa isang sikretong samahan, panghawakan ang mga goods na ito at matagumpay na ihatid sa kanila. Sinong makakaalam na sasabihin nila sa lahat na iniingatan namin ang mga goods at aangkinin ang akusa, na magdudulot sa amin na huliin ng lahat…"

"Handa ako sa sitwasyon," malinaw na sinabi ni Ye Wan Wan. "Ngayon, bibigyan ko kayo ng dalawang pagpipilian: Una, susunod kayo sa akin at susundin ang aking utos, at sisiguraduhin ko na kayo ay magiging ligtas. Pangalawa… naniniwala ako na hindi ninyo gugustuhing piliin ang pagpipilian na ito."

"Una! una una una!" Kaagad na gumawa ng desisyon ang mataba.

Ang ikalawang pagpipilian at siguradong kamatayan - kailangan nating ikunsidera ito sa anumang karagadagan?!

Hindi lang sa nakatakas sila sa kamatayan, nagkaroon din sila ng proteksyon mula sa alamat na Rosas ng Kamatayan - ito ay isang biyaya mula sa langit. Malinaw na sasang-ayon sila.

Nang marinig ng apat na tao na ang ibang partidao at gustong isali sila, sila ay nagulat.

Matapos nilang simulan ng gang, pianalis sila ng unyon ng mercenary at ang bawat isa ay nasa katapusan ng kanilang buhay - wala silang matatakbuhan…

Ang lahat ay maayos kaysa sa inaakala ni Ye Wan Wan sa oras na ito at nagawa niyang pangunahan ang kanyang plano.

Matapos makabalik ni Ye Wan Wan, hinayaan niya si Feng Xuan Yi at Eleven na ayusin ang mga taong ito saka niya binigay ang kanilang bayad kay Nameless Nie at ang iba pa.

Hindi napigilan ng deboto magtanong, "bods, nagpanggap ka bilang Rosas ng Kamatayan. Hindi kaba natatakot makikilala?

Kalmadong tumingin sa kanya si Ye Wan Wan. "Sinong nagsabing pagpapanggap lang ito?"

Deboto:"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

Ye Wanwan: "Gawa gawa lang ang Rosas ng Kamatayan, hindi ba?"

Deboto: "Oo!"

Ye Wan Wab: "Dahil sa hindi totoo ang Rosas ng kamatayan at wala pang nakakakita sa kanila noon, bakit hindi ako maging Rosas ng Kamatayan?"

Deboto: "..." Gagana ba 'yon?

Spray of Flowers: "En, boss, ang takino mo! Tiyak, na nakalaan ka para sa magandang bagay!"

avataravatar
Next chapter