1216 Ang lakas ng dating ng mukha niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binalot ng nanlilisik na lamig ang mga malalaking mata ni Tang Tang. "Lola, uuwi na kaagad si Tang Tang."

"Ah, ma-maganda, magandang maganda 'yan! Hihintayin ka ni Lola na makauwi!"

Masayang masaya si Madam Nie dahil mabubuo na muli ang kanyang pamilya. "Ah, Tang Tang…"

Hindi alam ni Madam Nie kung paano tatawagin si Ye Wan Wan sa harapan ni Tang Tang, kaya sinabi niya, "Ibigay mo kay tito mo ang phone."

Inabot ni Tang Tang ang phone kay Nameless Nie. "Hinahanap ka ni Lola."

Sa wakas, natandaan na siya ng kanyang ina! Sabik na tinanggap ni Nameless Nie ang phone kay Tang Tang. "Hello? Ma…"

Gayunpaman, biglang naantala ang sasabihin ni Nameless Nie sa mga salita ni Madam Nie, "Ibigay mo kay Miss Ye ang phone."

Nameless Nie: "Oh…"

Inabot ni Nameless Nie ang phone kay Ye Wan Wan. "Gusto kang makausap ng nanay ko."

Tumango si Ye Wan Wan at kinuha niya ang phone. "Hello…"

Maririnig ang mahinahon at malinaw na boses ng isang babae. "Hello, Miss Ye. Ako ang lola ni Tang Tang. Pasensya na dahil hindi ako personal na makakapag salamat sayo hanggang ngayon. Maraming salamat sa pag-alaga kay Tang Tang sa mga nakaraan na panahon."

"Okay lang po. Napakabait na bata ni Tang Tang."

Sabi ni Madam Nie, "Kailangan pa rin kitang pasalamatan sa pag-aalaga mo sa kanya. Miss Ye, kaya 'kong ibigay ang kahit anong hihilingin mo."

"Masyado po kayong mabait. Wala po akong maihihiling sayo."

"Miss Ye, pwede mo akong sagutin sa katanungan ko kapag napag-isipan mo na ito ng maigi. Kahilingan ito ng anak kong babae at gayundin ang kahilingan ng buong pamilya ko. Ayaw ng Nie family na magkaroon ng atraso sayo. Handa kaming ibigay ang kahit anong kahilingan mo."

Binanggit kay Mu Sui Feng kay Ye Wan Wan noon na may iba't ibang nakakatakot na tagong mga clans na may misteryosong pagkakakilanlan sa Independent State. Siguro makapangyarihan ang Nie family, dahil ang tono ng pananalit ni Madam Nie ay makapangyarihan na parang nasa mataas ang posisyon siya.

Okay lang kay Ye Wan Wan ang mapagmataas na attitude ni Madam Nie, kaya naging prangka na siya dito, "Madam, wala na akong kailangang hingiin pa. Tinulungan na ako noon ng anak mo. Para sa akin, malaking tulong na ito sa buhay ko at walang atraso ang pamilya niyo sa akin."

Nagpumilit na naman si Madam Nie kahit na nagmamatigas si Ye Wan Wan.

Pagkababa ni Ye Wan Wan ng tawagan nila, maririnig at mararamdaman ang malakas na hangin sa may bintana at unti-unting lumapag ang helicopter sa may bakuran sa likod ng Little Rose Garden.

Mukhang dumating na ang mga taong kukuha kay Tang Tang...

Inipon ni Ye Wan Wan ang lahat ng emosyon niya at naghanda na siyang tulungan si Tang Tang na ayusin ang kanyang bagahe at ayusin ang kanyang mga gamit na binili niya sa araw na iyon.

Gayunpaman, kung iisipin ng mabuti, makukuha na ni Tang Tang ang lahat ng kailangan niya at hindi siya magkukulang sa lahat ng pangangailangan niya sa kanyang pagkauwi. Kaya, hindi na niya tinuloy ang plano niyang gawin.

Mukhang wala siyang kailangang ipadala na mga bagay kay Tang Tang sa kanyang pag-uwi...

Nang mapa-isip si Ye Wan Wan, bigoa siyang lumuhod sa harapan ng bata at hinalikan niya ang pisngi nito. "Paalam na Baby."

Hindi maikakaila ang lungkot sa mga mata ni Tang Tang. "Hindi ba pwedeng sumama sa akin si Mommy?"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. Gusto niya talagang makasama si Tang Tang at naisip niya pa nga na kidnappin ang bata ng ilang beses na...

Bakit kasi hindi siya ang tunay na ina ni Tang Tang?

"Mommy, bakit?" Biglang napatingin si Tang Tang kay Si Ye Han na nasa tabi ni Ye Wan Wan. "Dahil ba sa lalaking 'yan?"

"Uh…"

Biglang naging seryoso ang mga mata ni Tang Tang. "Mommy, kaya rin kitang suportahan!"

Ye Wanwan: "…"

Si Yehan: "…"

Nameless Nie: "…"

Ang ibang miyembro ng grupo ni Nameless Nie na nasa labas: "...!!!"

Deboto: "Hala, ano nang nangyari dito…"

Spray of Flowers: "Masyadong malupit ang kakayahan ni Little Devil na mang-akit sa mga babae!"

Pagkatapos magsalita ni Spray of Flowers, pumitik ang kanyang dila at tiningnan niya si Si Ye Han. "Sayang, ang lakas ng dating ng mukha ng lalaking 'yon…"

avataravatar
Next chapter