webnovel

Ang lahat ng ito ay isang hindi pagkakaunawaan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa puntong iyon, tila naiba ang ekspresyon si Xu Yi, "Kilala ang matandang Intsik na doktor na iyon. Siya ang kilalang pinakamahusay na manggamot sa insomnia at maging ikaw din po mismo at nagpagamot sa kanya noon...Kumuha ako ng kopya ng surveillance footage ng pagbisita ni Miss Ye… Tingnan niyo po…"

Binuksan ni Xu Yi ang surveillance footage sa kanyang cellphone.

Dala-dala ni Ye Wan Wan ang kanyang schoolbag at saka pormal na umupo sa harap ng matandang Intsik na doktor.

"Little miss, saan sakit dama mo?" tanong ng matandang Intsik na doktor.

"Doc, hindi po ako 'yung may sakit. Nandito po ako para sa isang tao!" sagot ni Ye Wan Wan.

"Ikaw talaga bata ka, paano ka bisita para ibang tao?" napakunot ang noo ng matandang Intsik na doktor.

Mabilis na nagpaliwanag si Ye Wan Wan, "Doc, pakinggan niyo po ako. May isang seryosong sakit ng insomnia ang boyfriend ko; marami nang doktor ang tumingin sa kanya at marami na siyang masubukang paraan ng pagpapagaling pero lahat ng 'yun, nauwi lang sa wala. Doc, kilalang-kilala po kayong magaling na doktor at nagawa na po niyang magpatingin sa inyo dati. Nandito po ako para malaman ang tungkol sa insomnia at maintindihan pa ito lalo."

Nagulat ang matandang Intsik na doktor sa narinig at tila nadala sa mga sinabi ng dalaga, "Ikaw talaga bata ka, bait-bait mo. Wala sinumang pamilya ng pasyente kasing alaga mo! Sige, sabihin ko sa iyo!"

"Salamat po, doc!" masayang sagot ng dalaga, saka inilabas ang kanyang kwaderno at panulat, saka nagsimulang magsulat.

Dahil sa kanyang pagpupursige, inisa-isa ng doktor ang pagpapaliwanag ng bawat impormasyong sinasabi niya.

Buong oras na naging pursigidong matuto ang dalaga at seryoso sa kanyang mga itinatanong, "Sabi po sa akin ng lola ko kapag long-term insomnia na, naaapektuhan na raw po nito ang emosyon ng tao. Totoo po ba ito?"

Tumango ang matandang Intsik na doktor, "kapag seryoso, hindi lang masira katawan kundi abot tagal ng panahon, magugulo ugali at mental health ng isa tao. Hindi ito makokontrol at bilang isa pamilya, subok ka na mas maalaga at haba pasensya sa pagintindi sa kanila!"

"Mhm, sisiguraduhin ko po iyon. Dati, lagi ko pa po siyang pinipikon.." nakaramdam ng konsyensya ang dalaga, "Dati po, para lang makapag-aral para sa exams ko, gabi-gabi akong nakakatulog ng tatlo hanggang apat na oras. Tuluy-tuloy po 'yung puyat ko hanggang inabot ng isang linggo. 'Yung pakiramdam na hindi ka makatulog ng maayos, sobrang terible po! Doc, sabihan niyo pa po ako ng mga nalalaman niyo at turuan niyo po ako paano ko siya matutulungan para maging maayos na ang pakiramdam niya!"

Natapos na ang sampung minutong bidyo at ang buong silid ay napuno ng panlalamig at katahimikan.

Paulit-ulit na tumunog sa kanyang pandinig ang mga malalambing na salita ng dalaga.

Halo naman ang naramdaman ni Xu Yi sa puso niya, hindi niya maintindihan ang nararamdaman, "9th master, mukhang hindi po natin naunawaan si Miss Ye…"

Saglit na nabalot ng katahimikan ang buong silid nang biglang marinig ang matinig na tunog ng napahidhid na upuan sa sahig.

Nang makabalik sa ulirat si Xu Yi, napansin niyang wala na ang kausap na binata sa harap ng mesa.

Mula sa kwarto sa ikalawang palapag:

"Bang——", malaka na tunog nang buksan ang pinto.

Tumambad ang isang tahimik at madilim na kwarto.

Nananatili pa rin sa kanyang posisyon ang kanina'y iniwang dalaga. Nanatili lamang na nakayupayop ang katawan a tila isang fetus at hindi man lang gumagalaw. Nang marinig niyang magbukas ang pinto, agad na nanginig ang kanyang katawan sa takot.

Nakatayo lamang si Si Ye Han, nakakuyom ang mga kamao, at magawang makausad sa paglalakad na tila nanigas na sa pagkakatayo.

Unti-unting nabaling ang titig niya sa itim na plastic bag sa gilid ng kama at naroon ang mga nagkalat na gamot sa sahig.

Dahan-dahan siyang tumungo papunta sa bag, yumuko at saka pinulot isa-isa ang mga tumilapon na laman na gamot mula sa plastic bag.

ilan g piraso ng mga Chinese herbal na mga gamot, isang outpatient record sheet, isang kulay-rosas na kwaderno...

Mula sa yukot na pahina, naroon lahat ang mga isinulat at inilistang aralin mismo ng dalaga...

Next chapter