498 Ang labanan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nabahala si Xue Li nang makita niyang maamo at masunurin pa rin si Qin Ruo Xi habang kinakausap niya ang mayaman na bratinela.

Hindi na nakapagtimpi ang may gulang na lalaki. "Bakit kailangan nating harapin pa ang ugali ng babaeng ito na wala namang kinalaman sa trabahong hinahatid natin? Miss, wala ka sa posisyon para pigilan kaming makipagkita kay 9th master!"

Sa oras na iyon, umubo si Xu Yi at nagpaliwanang siya, "Director Xue, Miss Ruo Xi, si 9th master mismo ang nagpahintulot kay Miss Wan Wan na atupagin ang bagay na ito. Sabihin niyo po kaagad kay Miss Ye kung ano man ang irereport niyo kay 9th master. Siya na ang bahalang magpasa ng dokyumentong ito kay master!"

Napahinto si Xue Li sa sinasabi niya dahil kay Xu Yi kaya parehas silang nanahimik ni Qin Ruo Xi.

Humikab si Ye Wan Wan at para bang naiinip na siya, "May problema pa rin ba kayo?"

Patuloy na nag-iiba ang ekspresyon ng mukha ni Qin Ruo Xi. Matagal bago niya sinabi, "Kung ito ang kagustuhan ni CEO Si, ibibigay na natin ang dokumento kay Miss Ye. Hindi pwedeng magpagod si CEO Si dahil nasa proseso pa rin siya ng pagpapagaling."

Nabalisa si Xue Li nang marinig niya iyon. "Bakit niya gagawin iyon? Bakit niya hahayaan ang isang walang kinalaman na babae ang humawak sa importanteng trabaho…"

Tumingin si Qin Ruo Xu kay Ye Wan Wan. "Si Miss Wan wan ang magiging mistress ng Si family - paano mo nasabi na wala siyang kinalaman dito?"

"Ano ang sinasabi mo na siya ang magiging mistress, halata naman na siya ay…" isang pokpok na ginagamit ang kanyang ganda para makuha ang lahat ng gusto niya!

Hindi na pinagpatuloy ni Xue Li ang sasabihin niya at mabigat sa puso niya na ipinasa ang hawak niyang dokumento kay Ye Wan Wan.

Habang naglalakad sila palabas ng malaking gate...

Puno pa rin ng galit si Xue Li habang palabas siya ng manor. "Director Qin, hahayaan ba talaga nating mangialam ang babaeng 'yon sa napaka-importanteng dokumento? Hindi siguro nag-iisip ng maayos si 9th master dahil sa kanyang sakit. Malala ang magiging epekto nito kapag may ginawa ang babaeng iyon sa likod ni 9th master…"

Kumunot si Qin Ruo Xi. "Hindi niya naman siguro gagawin iyon dahil pinagkakatiwalaan siya ni Ah-Jiu…"

Nagwala na si Xue Li, "Gagawin niya 'yon! Masyadong mabait ang tingin mo sa mga tao. Dinahilan niya ang pagaalaga niya sa may sakit na si Si Ye Han para makakapit siya sa tabi niya. Tapos pinapakialaman niya pa ang mga gawain ng kumpanya! Naging kasabwat niya na rin si Xu Yi; halata na may tinatago siyang motibo sa mga balak niya! Sana hindi niya saktan si 9th master at baka isama niya pang bumagsak ang kumpanya!" 

Kinurot ni Qin Ruo Xi ang pagitan ng mga kilay nkya. "Ngunit siya ang pinaka-pinagkakatiwalaang tao ni Ah-Jiu, hindi ako pwedeng mangialam sa kanya. At saka, ang awkward ng posisyon ko ngayon…"

Pinakita naman ni Xue Li na naiintindihan niya ang sitwasyon nila ngayon - matagal na ang sabi-sabi na mas bagay na kandidato bilang future mistress ng sambahayang Si si Qin Ruo Xi. Kapag sinubukan niyang awayin si Ye Wan Wan, baka hindi siya maintindihan ng mga tao at magmukhang pinaglalaban niya ang posisyon na future mistress.

"Sinong tinitiwalang tao ang sinasabi mo? Hindi pwede na ang pinaka-pinagkakatiwalaang tao ni CEO Si ay ang girlfriend niya na 'yon! Siguro, hilo na si CEO Si dahil sa sakit niya! Director Qin, kung ayaw mong mangialam, ako na lang. Pupunta naman na ako sa head office ngayon para kitain ang mga board members. Hindi ko hahayaang na mawala na lamang ang isyu na ito!"

Pagkatapos magsalita ni Xue Li, dineretso niya ang kanyang lapel at siya'y umalis

Unti-unting nawala ang drama ng sitwasyon habang pinapanood na umaalis si Xue Li.

"Miss Ruo Xi!" Biglang narinig niya ang boses ng isang binata na galing sa kanyang likuran.

Pinilit ni Qin Ruo Xi na ngumiti nang makita niya ang binata na iyon. "Andito ka na pala Liu Ying."

Humigpit ang kamao ni Liu Ying. "Totoo ba?"

"Ang ano?"

"Yung… kondisyon ni master…"

Biglang naging malungkot ang itsura ni Qin Ruo Xi. "Oo… kahapon nung nagkaroon ng family clan meeting, personal na itong sinabi ni Ah-Jiu at ni old madam sa buong pamilya."

"Paano nangyari 'yon…" hindi makapaniwala si Liu Ying.

Noon pa man, alam niyang mahina ang kalusugan ni master, ngunit hindi niya alam na seryoso na pala ang sakit ni Si Ye Han.

avataravatar
Next chapter