692 Ang katotohanan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan muli ni Ye Wan Wan ang computer pagkatapos niyang magsalita.

Maririnig ang pag-click ng mouse noong oras na iyon, sa pagkakataon na iyon ay hindi niya na nilaktawan ang video. Pinindot niya ang replay button at inumpisahan niya ulit ang video.

Makikita sa video na nasa filming site ng "Terrifying Dragon 2" ang lugar na iyon. Nagkumpulan at nagtsismisan sila Ling Shaozhe, Wan Shanshan at ang ilang mga artista ng Emperor Sky.

Maririnig sa usapan nila ang mga salitang "nalipasan na artista" at "mas okay nang itago na lang" bilang mga insulto nila kay Luo Chen.

Gagambalain na sana ng assistant ni Luo Chen ang mga artistang iyon ngunit pinigilan siya ni Luo Chen.

Nanahimik lamang si Luo Chen at naglakad siya patungo sa kanyang upuan. Ngunit sa oras na iyon...

May pulang bilog ang lumabas na video, pinapakita nito ang paa ni Wan Shanshan. Kaya nakita ng lahat ng tiga-media ang pagkakataon na inunat ni Wan Shanshan ang kanyang binti kaya napatid si Luo Chen.

Yumanig ang hawak na kape ni Luo Chen at aksidente itong nabuhos sa damit ni Ling Shaozhe.

Nagulat at nabigla ang lahat pagkatapos ng pangyayaring iyon.

Hindi nila inasahan na ang paliwanag ni Luo Chen tungkol sa video ay totoo pala.

Maigsi man ang video, pero pinapakita nito ang ibang bersyon ng katotohanan.

Walang nag-akala na… ito pala ang katotohanan. Ang mukhang maamo na si Wan Shanshan, ay siya palang nag-iinarteng galit sa social media. Kasabwat niya siguro sa kanyang krimen ang ibang mga artista ng Emperor Sky na kasama niyang lumaban, nag-iinarte sila na parang mga tauhan ni Wan Shanshan. Pero ang sinasabi nila na biktima ng krimen na iyon na si Ling Shaozhe ay siya palang bully nang insidenteng iyon.

Si Gong Xu na inatake, hinuhusgahan at ininsulto ng maraming mga netizens, ng media at ang ilan pang mga tao, ay lumalaban lang para sa kanyang kaibigan dahil ayaw niyang hayaan si Ling Shaozhe na kayanin ang ibang mga tao.

Ang aksyon ni Gong Xu sa video na iyon ay walang pinagbago, ngunit nag-iba ang tingin sa kanya ng mga manonood at naramdaman nila na may mabuting puso si Gong Xu simula noong napanood nila ang umpisa ng video.

Nanahimik ang buong hall at walang nagtangkang mag-ingay noong natapos ang video.

Namula ang mga mukha ng lahat ng reporters. Nagtinginan sila sa isa't isa at wala silang masabi sa nangyari...

Nagmalaki sila na sila ang tama at siniraan nila si Gong Xu gamit ang kanilang mga artikulo at salita noong mga nakaraang araw, ngunit sa huli ng lahat ng ito, mali pala ang tao nakuha nila?

Sa kabaligtaran, ang masamang tao pala at protektado nilang tao, ang tunay na malupit na nananakit ng iba...

Naging masama at matalas ang mga mata ni Ye Wan Wan habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga reporters. "Ito ba ang biktima na pi-no-protektahan niyo? Ito ba ang taong nangangailangan ng hustisya na pinagmamalaki niyo? Ito ang paliwanag na inaasam-asam niyo! Kuntento na ba kayo sa napanood niyo?"

Napahiya ang mga reporters nang marinig nila ang matalas na mga salita ni Ye Wan Wan...

"Pa… paano ito nangyari…"

*Cough cough* Nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan… hindi lang natin ito naintindihan…"

Biglang nabulol ang reporter kanina na ininsulto at pinagmumura si Gong Xu, "Hindi mo kami pwedeng sisihin, hindi ba? Walang nakakaalam na ito pala ang katotohanan! Mga reporters lamang kami at hindi kami mga pulis 'di ba? Hindi maiiwasan na magkamali kami paminsan-minsan…"

Unti-unting naglakad si Ye Wan Wan patungo sa reporter na iyon.

"Ikaw… Anong kailangan mo?" naramdaman ng reporter ang malakas na pwersang nanggaling kay Ye Wan Wan kaya bigla siyang umurong.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang reporter at sinagot niya ito, "Tsk, hindi ka pulis? Kung hindi kayo mga pulis, bakit niyo ginagawa ang trabaho ng pulis, mas mataas pa kayo sa batas, hinihikayat niyo ang masa, ginagatungan niyo ang mga away sa social media at pinaparusahan niyo ang mga inosenteng artista?!"

"Hindi ba't napakayabang niyong sinabi kanina na kaakibat ng kapangyarihan ang malaking responsibilidad?!"

"Kung ito ang pagba-basehan natin, kontrolado niyo ang opinyon ng publiko bilang media at nasa inyo ang pinakamalakas na kapangyarihan ng pananalita kaya kontrolado niyo rin ang kinabukasan ng isang artista. Hindi ba't ang trabaho at ang responsibilidad niyo rin ay ang hanapin ang katotohanan?"

"Ngunit sa oras na ito, ginagamit ng mga reporters ang kapangyarihan nila upang ibulgar ang mga walang kwentang bagay para pasayahin ang mga tao at upang tumaas ang views ng sites ninyo. Nasa inyo ang armas para manira ng ibang tao!"

"Anong karapatan niyo para siraan ang mga tao?"

avataravatar
Next chapter