66 Ang katahimikan bago ang bagyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang sinabi ni Ye Wan Wan na babalik siyang mag-isa, nandilim bigla ang paningin ni Si Ye Han pero maya-maya'y bumalik ulit sa ayos ang kanyang ekspresyon na animo'y galing sa isang malaking ilusyon.

Tinanggap ni Ye Wan Wan ang sagot na iyon na pinapayagan siya. Nang lumakad na siya at humalik sa pisngi ng binata, "Sige, aalis na ako! Papaalam na rin ako kay lola muna!"

Masaya siyang naglakad papunta sa bahay.

Nang mabilis na nakaalis na si Ye Wan Wan, isang masidhing galit ang bumalot sa silid. Mula sa tahimik na hardin, biglang nagiba ang ihip ng hangin saka nabalot ng pagwawala ng damdamin na animo'y handang pumatay.

Sa sandaling iyon, nanginig sa takot si Xu Yi.

Nagpatuloy siya sa pagdarasal na walang gagawing anumang kabaluktutnan si Ye Wan Wan. Ngunit nakita niya mismo ang dalaga sa sarili niyang mga na nagmamadali siyang tumakbo sa daan...

Itong siraulong babaeng ito, gusto pa ring puntahan si Gu Yue Ze. Akala niya siguro hindi malalaman ng master kaya inuuto pa!

Tumagaktak ang pawis sa noo ni Xu Yi habang nauutal sa pagsasalita, "9th...9th master...pipigilan po ba natin siya…"

Tumitig si Si Ye Han sa umalis na dalaga at saka marahang ipinikit ang mga mata. Unti-unting nawala ang nakakatakot na kapaligiran nang ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Binalot ng katahimikan ang silid.

Hangga't wala pang utos ni Si Ye Han, hindi sumubok na kumilos pa si Xu Yi.

Samantala, sa sala:

Nasindak ang matandang babae nang malamang umalis na si Ye Wan Wan. Gusto niya talaga ang babaeng ito at nakita niya ang pagiiba ng ekspresyon agad ng kanyang apo sa loob lang ng dalawang araw. Ito ang nagpakalma sa kanya na si Ye Wan Wan ang nararapat sa kanyang apo.

"Wan Wan, alam kong gusto ko ni Little 9th na mapagisa at mainitin lagi ang ulo niya pero ang totoo, ayaw niya ng ganito. Alam mo rin naman dapat na may nahihirapang matulog ang apo kong si Little 9th. Kung iisipin, dahil sa hirap siyang makatulog, sana nararamdaman mo rin kung gaano kahirap para sa kanya--sobrang naapektuhan din ang ugali niya nito."

"Pero nang makilalaka ni Little 9th, napansin kong mas naging maayos ang ugali niya."

"Wan Wan, nagpapasalamat ng taos puso si lola sa'yo. Maraming salamat sa mahabang pasensya at pagaalaga mo kay Little 9th. Sa hinaharap, kapag inaway ka ng matigas na ulong batang 'yon, sabihan mo lang si lola ha at sisiguraduhin kong kakampi mo ako dyan!"

"Salamat lola ah!"

Nang maranig niya ang mga sinabi ng matandang babae na taos-pusong nagpapasalamat sa kanya, naging madamdamin si Ye Wan Wan.

Gaanon man kagalang-galang at hinahangaan ang isang mataas na taong katulad niya, sa pagkakataong ito naging isang ordinaryong lola siya.

Nakakaawang malaman na inisip ng matandang babae na siya at si Si Ye Han ay talagang nagmamahalan. Lingid sa kanyang kaalaman, na ang relasyon niya kay Si Ye Han ay isang malaking pagkukunwari lamang.

Ipinilit ni Ye Wan Wan na ayaw niyang makaistorbo sa sinuman kapag umalis isya. Sa huli, tumawag na lamang siya ng masasakyan saka umalis.

Sa mga mata ng matandang babae, naunawaan niya ang ginawa ni Ye Wan Wan pero iba ito sa mga mata ni Xu Yi. Alam niyang nagmamadali si Ye Wan Wan na puntahan si Gu Yue Ze sa ospital.

Sa nakaraan, hindi siya pinayagan ni Si Ye Han na bumalik sa eskwelahan ng mag-isa. Pero ngayon, tuluyan na siyang pumayag.

Habang nagiging maluwag si Si Ye Han, lalo namang nakakaramdam ng takot si Xu Yi.

Si Si Ye Han kasi 'yung tipong kalmado muna bago maging isang malakas na bagyo.

Kung utusan man siyang kunin si Ye Wan Wan at itali siya nagyon, mas gugustuhin niyang gawin kaysa mahuli ang babae sa mismong aktong ginagawa...

Sa oras na ito, natatakot ako sa gagawin ni Ye Wan Wan!

Sa totoo lang, natuwa ako sa mga naging payapang mga araw, pero ngayon, parang tila ilusyon lang ang lahat.

Sa kabilang banda, nakasakay na si Ye Wan Wan sa saksakyan at malayo na ang nabiyahe.

Nang makarating sa dulo ng kalsada, agad na sinabi ni Ye Wan Wan, "Sir, huwag mo akong dalhin sa Qing He High School, diretso tayo sa Ren Ai hospital!"

avataravatar
Next chapter