150 Ang kasakiman sa likod ng maskara

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Wala.. wala yun! Sa totoo lang, wala kasi akong magawa kaya naisipan kong bumili ng pagkain!" Humarap si Chu Feng kay Ye Wan Wan, "Wan Wan Jie, kumuha ka din dito!"

Mabait naman siya kaso tinawag niya kong Jie.

Nagpahiwatig ng pagkatakam ang labi ni Ye Wan Wan, "Hindi ko na pala pipigilan ang sarili kong manguha!"

Masayang pinaghatian nilang tatlo ang umagahan at hindi na talaga nila pinansin si Song Zi Hang.

Sa sobrang hiya ni Song Zi Hang, humigpit ang hawak niya sa plastic bag. Galit na galit siya na nandidilim ang kanyang itsura, "Jiang Yan Ran! Mali ako at hindi ko naisip na ganitong klaseng tao ka pala--minahal mo lang ako dahil sa aking itsura pero nanlalandi ka ng ibang tao habang nakatalikod ako!

Narinig kong sabihin ni Meng Qi na pagkatapos mong lumipat sa dormitoryo ng ugly freak, naimpluwensyahan ka na din niya. Sabi nga sa kasabihan, 'kung sino ang natulog kasama ang mga aso ay magigising na puno ng kuto.' Iniwan mo ang mabait at magaling na si Shen Meng Qi para lang sumama sa halimaw na ito--kaya pala wala ka nang hiya!"

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang sinabi ni Song Zi Hang. Sinabi niya pa talagang naglalandi si Jiang Yan Ran, sa likod niya?

Malapit niya nang malaman kung ano talaga ang itsura ng naglalandian.

Biglang namutla si Jiang Yan Ran. Hindi niya naisip na ang lalaking minahal niya ng matagal na panahon ay may tinatagong kasakiman pagka-tanggal ng kanyang maskara. Pero hindi na niya matimpi ang masasakit na ininsulto ni Song Zi Hang.

Nanginginig sa galit si Jiang Yan Ran, ngunit, hinarap ni Chu Feng si Song Zi Hang na may nanlalamig na tingin at sinabi, "Sino ang nagbigay ng karapatan sa tulad mong walang utang na loob para mamuna ng mga tao?

Ang mga grado ni Wanwan-jie ang pinakamataas sa klase niya! Ang posisyon niya ay mas mataas pa sa white lotus na pinagsasabi mo. Sa ugaling ganiyan ni Shen Meng Qi, sinusubukan niya pa ring manlait ng tao? Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para gawin iyon?

Hindi mo pinahalagahan ang mga pagkakataong naging mabait sayo si Jiang Yan Ran. Ninakaw mo ang katapatan niya ang tinapak-tapakan mo ito, kinaya mo pang makipagtalik sa kaibigan niya, tinanggi mo pa ang engagement niyo at ngayon sinisisi mo siya na hindi ka niya pinahintulutang pumasok sa buhay niya? ang tulad mong mapanakit at mapagmataas na tao. Sino naman ang nagbigay sa iyo pangit na itsurang ihaharap?

Nagulat si Ye Wan Wan nang marinig ang sinabi ni Chu Feng. Sinong magaakala na ang lalaki na bulol pag kausap si Jian Yang Ran ay matalas pala ang dila!

Bumaluktot ang mukha ni Song Zi Hang sa sobrang galit, "Ikaw…"

"Anong meron sa akin ha?! Dahil nagbubulag-bulagan ka hindi ibig sabihin bulag na din ang lahat! Hindi mo nga kayang buhatin si Yan Ran! Anong klaseng lalaki ka? Tao ka ba talaga o hayop?! Walang kwentang g*go!"

"Pfff…" Papalakpak na sana si Ye Wan Wan.

"Papatayin kita Chu Feng!" Galit na galit na si Song Zi Hang at tinaboy niya ang pagkain sa kaniyang mga kamay, handang makipagsapakan sa kaniya.

Humanda si Chu Feng para sapakin si Song Hi Zang, ngunit nahuli siya at sinapak siya sa mata at tumumba siya patalikod.

Sumigaw si Jiang Yan Ran, "Chu Feng!"

Sa isang banda, kalmado lamang si Ye Wan Wan. Alam niyang mag-aaway talaga sila pero sino man ang manalo sa sapakan, malinaw na nanalo na si Chu Feng kahit na ano mang mangyari.

Dahil ang taong inaaalala ni Jiang Yan Ran ay si Chu Feng, hindi si Song Zi Hang.

"Wanwan, anong gagawin natin?! Praktisado nang makipaglaban si Song Zi Hang-- siguradong matatalo si Chu Feng!" kinakabahang sinabi ni Jiang Yan Ran.

Ang mga galaw ni Song Zi Hang ay mabangis, walang kinakatakot at mabilis. Kung huhusgahan ang kanyang tindig, halatang nagkaroon na siya ng professional training. Ilang beses nabugbog si Chu Feng habang naguusap ang dalawa.

Sumimangot si Ye Wan wan. Kahit na maganda na malungkot si Yan Ran, mas nakakalungkot pa din ang mabugbog ni Song Zi Hang.

Pero walang maitutulong ang dalawang babae sa ganitong sitwasyon, 'di ba?

Tinuon ni Ye Wan Wan ang kanyang atensyon at nalaman kung saan susunod aatake ang mabangis at mabilis na si Song Zi Hang, nahanap niya ang weak points nito at hindi naman ganoon kahirap alamin..

avataravatar
Next chapter