1146 Ang kapalaran nila

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Monopolize ang parehas na Best Actor at Best Actress?

Tumawa ng malakas si Ye Mu Fan. "Salamat sa pag-comfort sa akin sa ganyang pamamaraan! Hindi sa 'kung se-swertehin' tayo. Hindi ba't parang inaabot na rin natin ang langit dahil sa inaasahan nating mangyari?"

Ah, sa susunod na linggo na pala ang Golden Orchid Awards. Doon malalaman ang kapalaran ng Age of Immortals.

Ilang araw ang lumipas:

Ngayong araw gaganapin ang regular na checkup ni Si Ye Han, kaya iniwan na ni Ye Wan Wan ang natitirang trabaho kay Yao Jia Wen. Sinamahan niya muna si Si Ye Han papunta kay Dr. Sun para sa kanyang checkup.

Umabot ng dalawang oras ang checkup bago ito matapos.

Biglang tumayo si Ye Wan Wan at nagtanong nang makita niyang lumabas ng silid sila Si Ye Han at Dr. Sun, "Kamusta siya?"

Natuwa si Si Ye Han nang makita niya na nababalisa at nag-aalala para sa kanya si Ye Wan Wan. Lumapit siya upang yakapin ito. "Okay lang ako."

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Sun Bai Cao. "Dr. Sun, okay lang ba talaga siya? Pinagod niya na naman kasi ang sarili niya. May mga pagkakataon rin na nagpuyat siya ng hindi ko alam…"

Mukhang nabagot si Si Ye Han nang marinig niya ang pag-aalala ni Ye Wan Wan.

Tiningnan ni Sun Bai Cao ang magkasintahan at nakangiti niyang sinabi, "Huwag kang mag-alala, Miss Ye. Gumagaling naman na si Mr. Si. Ang acupuncture ang huling hakbang sa pagpapagaling niya. Wala nang magiging problema kung aalagaan niya na ang katawan niya simula ngayon."

Sumagot si Si Ye Han, "Sinabo ko naman na sayo na okay na ako. Alam ko ang limitasyon ko."

Doon lang napanatag ang loob ni Ye Wan Wan. "Salamat, Dr. Sun! Maraming salamat sayo! May mga bagay ba kaming kailangang alalahanin sa kanyang kalusugan?"

Biglang nag-ring ang phone ni Si Ye Han nang magsalita si Ye Wan Wan.

Tiningnan ni Si Ye Han ang phone screen at tinago niya kay Ye Wan Wan ang kakaibang tingin sa kanyang mga mata bago siya magsalita sa normal niyang reaksyon, "May sasagutin lang akong tawag."

"Ah, sige…"

Tumango si Ye Wan Wan bago niya pinagpatuloy ang usapan nila ni Dr. Sun.

Sinabihan siya ni Dr. Sun ng mga detalyeng kailangan niyang tandaan, at seryosong sinulat ni Ye Wan Wan ang bawat isa dito.

Hindi pa rin bumabalik si Si Ye Han kahit tapos na silang mag-usap ni Dr. Sun.

Bakit ang tagal ng phone call na 'yan?

Sa pagkakataon na iyon, maririnig ang malakas na "clang." Mukhang may nabasag sa may bakuran.

Nagtaka si Ye Wan Wan kaya nagmadali siyang pumunta sa likod ng bakuran upang hanapin si Si Ye Han.

Sa malayo, nakita ni Ye Wan Wan si Si Ye Han na may kausap sa phone habang nakatayo siya sa may gilid ng gusali. Lalapit sana siya pero huminto siya nang masilayan niya ng malinaw si Si Ye Han.

Nakakatakot ang itsura at awra ni Si Ye Han.

Ngayon niya lang nakita si Si Ye Han na nakakatakot ang itsura, kahit na noong takot na takot siya kay Si Ye Han.

Makikita ang sirang flower pot na malapit sa mga paa ni Si Ye Han. Binalutan ng nakakatakot na kadiliman at madilim na usok na walang sinag ng ilaw ang buong katawan ni Si Ye Han; kakaiba ang pagiging bayolente at ang kadiliman na bumabalot sa kanya...

"Natatandaan ko… natatandaan ko na sinabi mo na hindi tayo magkamag-anak…"

Naisip ni Ye Wan Wan na parang kakaiba ang mga salitang narinig niya kay Si Ye Han.

Sinong kausap ni Si Ye Han sa phone?

Mukhang hindi ito tungkol sa trabaho nila...

Binaba na ni Si Ye Han ang tawag habang nag-iisip ng maigi si Ye Wan Wan.

Doon lamang lumapit si Ye Wan Wan kay Si Ye Han. "Anong nangyari, Ah-Jiu? Parang medyo masama ang itsura mo…"

Niyakap siya ni Si Ye Han at hindi niya natapos ang mga dapat niyang sabihin.

Kakaiba ang lamig sa katawan ni Si Ye Han. May malubha at kakaibang lamig na bumabalot sa kanya, tulad ng isang malaking black hole na hinihigop ang bakas ng pag-asa at liwanag sa kanya. Muntikan nang mabali si Ye Wan Wan sa lakas ng pagkakayakap sa kanya.

Sumimangot si Ye Wan Wan. Hindi niya pinansin ang sakit na nararamdaman niya at hinaplos niya na lamang ang likod ni Si Ye Han. "Ano iyon?"

Sa isang saglit, mukhang tumino na ang mga emosyon ni Si Ye Han, kaya hindi na mahigpit ang pagkakayakap niya kay Ye Wan Wan. Ang boses niya ay parang paos nang kausapin niya si Ye Wan Wan. "Wala. Mga problema lang sa clan."

avataravatar
Next chapter