414 Ang kapalaran ni Xu Yi

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

At...

Kung tama ang pagkakatanda niya, ang trahedya ni Xu Yi ay kaugnay sa pagatake kay Si Ye Han.

Sa dati niyang buhay, matapos ang malaking insidente ng pagatake kay Si Ye Han, gumawa ng masinsinang imbestigasyon ang mga Si upang mahanap ang tunay na salarin.

Ang imbestigasyong ito ay nakatutok sa kanilang mga tao - isa itong traydor sa loob ng kompanya.

At ang traydor… ay ang pinakamahusay at katiwalang assistant ni Si Ye Han, si Xu Yi...

Dahil sa posisyon at impliwensya ni Xu Yi, nagulat ang lahat ng tao sa mga Si.

Sa panahon iyon, hindi pa gising si Si Ye Han, kung kaya ang old madam, mga senior manager ng kompanya at mga elder sa pamilya ang umayos sa bagay na ito.

Marami sa senior management ang gumawa ng pinagsamang imbestigasyon at nadetermina na ang ebidensya ay hindi maitatangi.

Ang mga kagamitan ay ninakaw, ang lahat ng taga bantay at mga tauhan ay sugatan at may ilang namatay. Dagdag pa dito, nasa coma si Si Ye Han

Sa panahong iyon, ginawa ni Xu Yi ang lahat ng pagpapaliwanag at paghingi ng pangalawang pagkakataon, itinatangi ang mga akusasyon. Dahil sa di maitangging ebidensya, walang naniniwala o pumapanig sa kanya.

Sa huli, nailang si Xu Yi at walang nagbigay ng kahit anong tulong sa kanya. Inubos ang kanyang pamilya at siya lang ang tanging swinerte na makatakas.

Pero para kay Xu Yi, ang pagiging buhay ay mas masahol pa sa kamatayan.

Kailangan niyang dalhin ang marka ng pagiging traydor habang buhay at ang sakit ng mawalan ka ng pamilya. Kailangan niyang mamuhay sa mga natitirang panahon niya sa mundo ng may pighati at paghihirap...

Naalala ni Ye Wan Wan na noong natagpuan siya ni Si Ye Han, may problema ang kanang paa ni Xu Yi. Nakatalukbong siya sa mga gulagulanit na tela at nasa ilalim ng overpass, nababaliw at nagwawala.

Kahit na pagkatapos magising ni Si Ye Han at nakita ang tunay na salarin, wala na itong saysay para kay Xu Yi.

Kasunod nito, dinala ni Si Ye Han si Xu Yi sa bahay at nagpadala ng mag-aalaga sa kanya, ngunit ilang sandali lamang, nawala na si Xu Yi isang gabi habang malakas ang ulan at hindi na muling nagpakita. Hindi sigurado ang mga tao kung buhay pa ba siya o patay na...

Simula ng insidenteng iyon, pinalayo niya ang lahat. Ang pagbangit ng pangalan ni Xu Yi ay pinagbabawal - walang sinuman ang nangahas na magusap tungkol dito.

Kung kaya, ang kapalaran ni Xu Yi sa nakaraang niyang buhay ay napaka lubha… hindi lang ordinaryong malubha...

Sa dati niyang buhay, lahat ng gawain niya ay si Xu Yi ang responsable. Dati, gumagawa siya ng gulo araw araw at nangingialam sa lahat ng bagay. Si Xu Yi ang laging naglilinis ng kanyang mga gulo.

Kahit na nakabantay siya sa bawat kilos niya, lagi siyang responsable at masunurin. Maraming beses na din niyang pinagtakpan ang mga gulo na nagawa ni Ye Wan Wan at ginagawa niya ang lahat upang ayusin ang di pagkakaintindihan ni Si Ye Han at ni Ye Wan Wan. Nang umalis si Xu Yi, naging mas mahirap ang buhay niya sa loob ng mga Si.

At sa buhay na ito, madaming beses na din siya tinulungan ni Xu Yi...

Kung maaari, gusto niya sanang maiwasan ni Xu Yi ang masaklap na kapalaran...

"Miss Wan Wan… Miss Wan Wan..."

Ang tinig ni Xu Yi ay umalingawngaw sa kanyang tenga, na nagdulot kay Ye Wan Wan, na nagbabalik tanaw sa kanyang mga alaala, napatalon at bumalik sa kanyang katinuan. "Ano?"

"Magaling na ang mga sugat nila Liu Ying at Song Jing. Handa na po kaming umalis." sabi ni Xu Yi.

"Oh, Sige." Tumango si Ye Wan Wan at kumunot ang kanyang mga kilay.

Kahit na nangyari ang masaklap na kapalaran ni Xu Yi sa dati niyang buhay, malaki ang binago niya sa mga pangyayari sa buhay niya ngayon, kung kaya ayon sa butterfly effect, mayroong mataas na pagkakataon na mabago ang kapalaran ni Xu Yi, tama?

Baka sa buhay na ito, hindi na ganun ang mangyayari?

Sana, walang saysay ang kanyang pagaalala...

O kaya naman, dahil sa sitwasyong ito kung saan hinimatay si Si Ye Han, lalong lalala ang magiging sitwasyon ni Xu Yi...

avataravatar
Next chapter