1189 Ang kapal ng mukha

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dumagdag pa si Ye Wan Wan, "At mahilig rin siyang magsuot ng mga damit ng babae."

Nagulat ang lahat sa mga salita ni Ye Wan Wan.

P*ta! malaking balita ito!

Bakla pala talaga si Ye Bai at mahilig siyang mag crossdress?

Tumawa ng malakas si Liang Shi Han. "Hahaha, sinasabi mo kanina na bobo ako… Ye Wan Wan, ikaw yata ang bobo?! Inamin mo na pa nga, eh!"

Baboy na teammate talaga si Ye Wan Wan!

May isang staff member na nakapansin sa kanilang kaguluhan kaya mabilis itong pumunta sa kanila. "Excuse me, anong nangyayari dito?"

Sumagot si Liang Shi Han nang makita niya ang staff member, "Manager Zhang, wala sa guest list ang babaeng ito pero pilit siyang pumunta dito. Tingnan mo pa ang listahan!"

Tiningnan ni Manager Zhang si Ye Wan Wan at nagulat siya. "Sino ka, miss?"

Ngumisi si Liang Shi Han. "Isa siyang batang babae na may ginagawang kabulastugan sa Age of Immortals!"

Humarap si Manager Zhang kay Ye Mu Fan at naguluhan siya. "CEO Ye, maari ko bang matanong kung kaano-ano mo si miss?"

Sumabad si Ye Mu Fan, "Kapatid ko siya. May problema ka ba doon?"

May respeto si Manager Zhang nang sumagot siya, "Pasensya na talaga, CEO Ye. Para masiguro ang seguridad at privacy ng mga bisita na nandito, ito ay isang pribadong selebrasyon. Hindi pwedeng sumama ang mga hindi imbitadong mga bisita, kahit kamag-anak pa 'yan… yung kapatid mo ay wala naman sa guest list, tama?"

Suminghal si Ye Mu Fan. "Sinong nagsabi na wala siya sa guest list? Personal siyang inimbitahan dito ni President Chen."

"Sinadya ng mga event organizers kanina na tanggalin sila sa listahan ng mga inimbitahan sa banquet dahil sinabihan ng Worldwide Entertainment at Emperor Sky Entertainment ang mga events organizers. Ngunit, noong lumabas ang resulta ng award ceremony, personal na nanghingi ng tawad at inimbitahan muli sila ni Chen Yan Feng."

Malapit noon si Chen Yan Feng kay Ye Shao Ting. Noong sinimulan na ni Ye Mu Fan at Ye Wan Wan ang Age of Immortals, patuloy nilang inimbitahan si Chen Yan Feng na kumain at nanatiling matatag ang pagiging magkaibigan nila.

Tinulungan ni Chen Yan Feng ang kanyang kapatid at ang kapatid ni Ye Shao Ting noong nalaman niya ang sitwasyon nito. Nakuha ni Luo Chen at Gong Xu ang espesyal na pagsasanay noon dahil kay Chen Yan Feng.

Gayunpaman, minsan ay walang magagawa si Chen Yan Feng dahil sa pressure na binibigay sa kanya ng Emperor Sky Entertainment.

Pagkatapos ay personal silang inimbitahan muli ni Chen Yan Feng kaya natural lang na susunod sila bilang pabor na rin kay Chen Yan Feng.

Tumawa ng malakas si Liang Shi Han noong narinig niya iyon. "Tinawagan kayo mismo ni President Chen para imbitahan siya. Kalokohan! Sa tingin mo ba siya si Ye Bai? Ang kapal ng mukha mo!"

Tumawa rin ang ibang mga artista noong narinig nila iyon.

Hindi naman siguro ganoon ka-kapal ang mukha ng boss na si Ye Mu Fan, 'di ba?!

Sinong ba ang nakakaalam na si Ye Bai pala ang tunay na boss ng Age of Immortals? Ang totoong highlight ng Golden Orchid Awards ng gabing ito ay si Ye Bai.

Sumimangot si Ye Yiyi at nagsalita siya upang depensahan si Ye Mu Fan. "Baka nagkaroon lang ng maling pagkakaintindihan? Hindi naman magsisinungaling si Ye Mu Fan."

Suminghal si Liang Shi Han. "Sinong nakakaalam kung nagsisinungaling siya o hindi?! May mga tao na nagmamayabang para may masabi lang! Sumama ang kapatid niya dito para may mabiktima na artista. Pero ang lakas pa rin ng loob niya para sabihin na personal siyang inimbitahan dito ni President Chen! Masasabi niya ang lahat ng gusto niya dahil wala dito si President Chen!"

Biglang nag-ring ang phone ni Ye Wan Wan.

Makikita na tinatawagan siya ni President Chen.

Ngumisi si Liang Shi Han nang masulyapan niya na tinatawagan ni President Chen si Ye Wan Wan, "Ah, akalain mo na mangyayari iyon. Noong binanggit mo si President Chen, bigla nga naman tatawag si President Chen sayo! Magpanggap ka! Sige lang! Nakahanap ka pa talaga ng tao para magkunwari na si President Chen at tatawag pa ito sayo! Sagutin mo kung kaya mo talaga!"

Biglang tumayo si Ye Yiyi. Naisip niya na baka nagpapanggap lang si Ye Wan Wan dahil hindi ito ang unang beses na ginawa ni Ye Mu Fan at Ye Wan Wan ang trick na ito.

Matalas ang isip ng lahat ng kasama nila doon. Hindi nila pwedeng malinlang ang lahat ng nandoon.

avataravatar
Next chapter