253 Ang kanyang kapalaran

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Dalawa hanggang tatlong taon?!" Nandilim ang mukha ni Chu Hong Guang. Wala nang kwenta si Han Xian Yu kapag dinala niya ang balakid na ito ng dalawa hanggang tatlong taon, kahit pa manalo siya. Magiging dahilan rin ito ng pagkasira ng reputasyon ng kumpanya ng maraming taon.

"May iba pa bang pagpipilian?"

Panandaliang napahinto ang lawyer, "Para sa akin, mag maganda kung aayusin natin ito ng labas sa korte, subukan nating paliitin ang pinsala ng insidenteng ito."

Nag-alala si Fei Yang nang marinig niya iyon, "Bakit natin gagawin iyon? Parang inaamin na rin natin na siya ang may sala? Masisira ang pangalan ni Han Xian Yu hanggang sa mamatay siya!"

Sa sandaling iyon, may isang lalaki na may grey suit ang katabi ni Fei Yang, bigla siyang nagsalita, "Gusto mo bang isama pababa ang ibang artista ng kumpanya alang-alang kay Han Xian Yu?"

Nag-iba ang itsura ni Fei Yang, "Ano ang ibig mong sabihin Zhou Wen Bin?"

Nagkibit balikat si Zhou Wen Bin, "Hindi tayo pwedeng maging masyadong mangatwiran Fei Yang. Sinimulan ni Han Xian Yu ang issue na ito kaya nadawit na rin ang buong kumpanya--- kahit ang shares natin ay bumabagsak na. Wala pa sa ngayon ang magpapatibay na inosente siya. Gusto mo bang idawit sa pagbagsak ni Han Xian Yu ang lahat sa kumpanyang ito, naghihintay na lamang ng kamatayan?"

Nakakuha ng suporta ng managers ang katwiran ni Zhou Wen Bin.

"Tama si Wen Bin, wala tayong rason para kunin ang lahat ng sisi sa ginawang pagkakamali ni Han Xian Yu, 'di ba?"

"Sa akin lang, sa tingin ko mas magandang pigilan natin agad ang pagkalugi ng kumpanya!"

Lalong lumakas ang diskusyon ng lahat, unti-unti silang nagkasundo na ayusin ang kaso sa labas ng korte. May mga managers na nagalit kay Han Xian Yu dahil nadamay ang hawak nilang artista sa gulo na ito.

Ngumiwi at pumangit ang itsura ni Fei Yang at nanigas ang mga kamay niya sa sobrang galit habang nagaganap ang diskusyon.

Sumipsip sila sa kanya noong maganda ang career ni Han Xian Yu. Sino sa mga hawak nilang artista ang hindi ginamit ang kasikatan ni Han Xian Yu para sa sariling kapakanan nila?

Tapos ngayon, sama sama nilang binabagsak ang lalaking tumulong sa kanila!

"Xian Yu, magsalita ka. Nilalagay ka sa pahamak ng lahat ng tao dito!" Hindi na nakapagtimpi si Fei Yang, napalingon siya kay Han Xian Yu na hindi nagsasalita simula pa noong una.

Tahimik na nakaupo si Han Xian Yu sa meeting room. Para bang hindi niya naririnig ang maingay na diskusyon na nakapalibot sa kanya. Mukha niya'y namumutla at makikita ang nangingitim niyang mga mata, parang pagod na siya sa pagpapahirap sa kanya.

Wala siyang emosyon habang tinitingnan ang mga taong sumuko sa kanya, hindi mapinta ang bakas sa kanyang mga mata.

Binalot ng tuwa ang mukha ni Zhou Wen Bin nang matinig niyang pinapanigan siya ng mga tao. Humarap siya kay Chu Hing Guang at sinabi, "Chairman Chu, kaakibat nito ang reputasyon ng kumpanya kaya umaasa kaming sa mabilis mong desisyon!"

Masakit ang ulo ni Chu Hong Guang habang nakikinig siya sa mga pagtatalo. Natural na hindi niya kakayaning mawala ang kanyang bangko na si Han Xian Yu; ngunit dahil sa magulong sitwasyon, huli na para maligtas pa si Han Xian Yu sa mga oras na iyon. Delikado ang kumpanya kapag napatagal pa ang issue na ito, madadamay rin ang iba nilang mga artista.

Nakita ni Fei Yan na nagda-dalawang isip pa si Chu Hong, kaya kabado siyang nagsalita, "Boss, hindi ginawa ni Xian Yu ang mga bagay na iyon! Halata naman na gusto ng mag-asawa na makakuha sila ng pera kay Xian Yu; para sa pera! Kapag binigyan natin sila ng pera, magiging maayos na ang pangalan ni Xian Yu!"

"Fei Yang, importante pa rin ba kung papanatilihing inosente si Han Xian Yu?" Ngumisi si Zhou Wen Bin sabay napatingin siya kay Han Xian Yu, "Hindi importante kung ginawa niya iyon o hindi; huli na ang lahat, naniniwala ang publiko na ginawa niya iyon."

Handa na si Fei Yang na makipagtalo kay Zhou Wen Bin.

Gayunpaman, tinaas ni Chu Hong Guang ang kanyang kamay at umentra sa kanilang dalawa. Seryoso niyang sinabi, "Tama si Wen Bin, hindi importante kung ginawa man o hindi iyon ni Han Xian Yu. Importanteng protektahan natin ang interes ng kumpanya."

Namutla si Fei Yang sa sinabi ni Chu Hong Guang, kinakabahan siya at napatingin na lamang kay Han Xian Yu.

Ang gwapong si Han Xian Yu na nakaupo lang ng walang emosyon ay maya't mayang kumulot ang labi nang marinig niya ang sinabi ni Chu Hong Guang na "Hindi importante kung ginawa niya iyon o hindi."

Tsk, hindi importante...

Iniisip nilang lahat na hindi ito importante...

Sa nakapaligid na nasasabik na mga mata, huminga ng malalim si Chu Hong Guang. Kumibot ang kanyang mga labi na para bang magsasalita na siya.

Dahan-dahang pumikit si Han Xian Yu. Hindi na siya kailangang marinig aang sasabihin ni Chu Hong Guang--- bagkus, nakita na niya ang kanyang kapalaran...

"Sa ating pagtatalakay ayon sa iskandalo ni Han Xian Yu, nagdesisyon ako na maprotektahan ang interes ng kumpanya. Aayusin natin ito sa labas ng korte ayon sa abiso ng lawyer…"

May malakas na "bang" ang nagpahinto sa sinasabi ni Chu Hong Guang.

Bawat isa sa kanila ay nakatingin kung saan galing ang kalabog.

avataravatar
Next chapter