226 Ang kaniyang pulso

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nanlaki ang mga mata ni Xu Yi at hindi makapaniwala sa eksenang nakita niya sa kaniyang harapan.

Punyeta! Talaga bang masunuring nakahiga sa tabi ni Ye Wan Wan si Si Lu Te na ayaw sa tao! Hindi man lang siya sinubukan paglasug-lasugin habang hawak niya ang buhok at yakap-yakap ang mga paa nito.

Ngunit bakit parang may mali kay Ye Wan Wan?

Naguluha si Xu Yi, napagtanto niya na lang na may mali kay Ye Wan Wan nang biglang mabilis na lumapit si Si Ye Han at binuhat si Ye Wan Wan papalayo kay Great White.

"Tawagin mo si Old Sun!"

"Opo!" Tagaktaka ng pawis si Xu Yi ng nagmadali niyang sinunod ang utos.

Kapag may nangyaring masama kay Ye Wan Wan, ang lahat ng tao dito sa bahay ay dapat ilibing kasama niya!

Makalipas ang kalahating oras, ang kabuuan ng Jin garden ay nagliliwanag.

Ang lahat ng mga katulong na halos namumutla na ang mga mukha ay nakahilera sa sala na nanginginig sa takot. Huminto ang isang itim na sasakyan sa labas ng bahay at tinulungan ng batang lalaki ang isang matanda na makalabas.

Nag mamadaling itinuro ni Xu Yi sa dalawang tao sa kaniyang likuran ang daan papunta sa bahay.

Ang kabuuan ng Jin garden ay nababalot ng maitim na ulap.

Nang dumating na si Old Sun at ang kaniyang chief disciple, nakita nila ang babae na nakahiga sa may kama at nakaupo naman sa gilid ng kama si Si Ye Han. mahigpit ang hawak ng babae sa kamay ni Si Ye Han.

Bakas sa mga mata ng alagad ang pagkamangha, matapos nila tuluyang makita ng malinaw ang itsura ng babae.

Walang duda na ang master na kanilang sinasabing walang awa ay sobrang nag aalala sa babae, dahil maganda pa din kahit na nanghihina ang ang babae at ang kaniyang mga pisnge ay namumula, nakakabighani pa din siya.

Para itong isang kawikaan "Nagdudusa ang magandang babae sa kaniyang kalunos-lunos na kapalaran". Nakakapagtaka kung anong sakit ang dumapo sa kaniya?

"Old Sun, pakiusap."

Ang sabi ni Si Ye Han habang pinipihit ang kaniyang kamay sa yakap ng babae.

Gayun pa man, kahit na lumayo lang ito ng kaonti, nababahala na agad ang babae at lalong hinihigpitan ang kaniyang kapit, na para bang nakakapit na lang ito sa kaniyang buhay.

Tinignan ni Si Ye Han ang matandang lalaki at tinanong, "Maaari mo bang tignan ang kaniyang pulso katulad nito?"

"Hindi pwede, baka maapektuhan ang resulta." at bahagyang napa-ubo si Old Sun.

Ang buong akala niya kaya siya pinapunta sa bahay ay dahil sa hindi na kinaya ng katawan ng young master ang kaniyang insomnia. Sino nakapagsasabi na hindi pala si Si Ye Han ang may kailangan ng kaniyang tulong bagkus ang babae?

May pag-alinlangan pa si Si Ye Han, at kusang inalis ang kamay ng babae at ipinatong sa unan (upang matignan ang pulso).

Nang mga sandaling inalis niya ang kaniyang kamay, ang luha ng babae ay tumulo mula sa kaniyang mga mata.

Hindi tinangkang ipagsawalang bahala ni Old Sun nag bagay na ito. Imbis na ipagawa niya ito sa kaniyang mga alagad siya na mismo ang gumawa.

Natagalan sa pagtingin ng pulso ng babae si Old Sun na lalong ikinakaba ng kaniyang mga alagad, nagtataka kung anong sakit ang dumapo sa kaniya na kahit na ang kanilang master ay nahihirapan.

Tatlong beses munang kinuhanan ni Old Sun ng pulso ang babae, at sa wakas ay humarap na rin siya kay Si Ye Han at sinabing, "Mr Si, wag ka mag-alala. Ang babae ay nilalagnat dahil sa malamig na panahon. Kailangan niya lamang ng antipyretic at gagaling din siya agad."

Nang matapos na suriin ni Old Sun, tinignan ni Si Ye Han ang babae na nilalagnat at halos basa na ang unan sa kakaiyak. Agad na pinuwesto niya ang kaniyang kamay, at hinayaan na hawakan ulit ito. At pinansin ang matandang lalaki at sumagot, "ayoko sana na gambalain ka, Old Sun, Pakiusap dumito ka muna ngayong gabi."

Nanlaki ang mga mata ng mga alagad na katabi ni Old Sun nang marinig ang pag-uusap ng dalawa. Para lamang sa isang lagnat?

Maari naman siyang gumamit ng thermometer sa bahay para lang sa maliit na sakit na ito! Ngunit pinatawag pa niya ng palihim ang kilalang doktor na si Sun Bai Cao, upang obeserbahan ang babae ng buong gabi!

Binuksan ng alagad ang kaiyang bibig na para bang may sasabihin ito ngunit agad na humarap sa kaniya ang kaniyang master at itinango ang kaniyang ulo, na nagpapahiwatig na siya ay tumahimik.

Sununod nito, ang matandang lalaki ay tumayo at sinabing, "Salamat sa iyong kagandahang-loob."

avataravatar
Next chapter