21 Ang kakayahan niyang maalala ang lahat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napuno ng saglit na katahimikan ang silid, saka nagsimulang nagsalita si Ye Wan Wan, "Kung ano ang puno, siya rin ang bunga...pwede ko rin po bang sabihin na kung anong ugali at turo ng guro, ganun din ang estudyante? Ang F-class ang pinakawalang kwentang klase sa buong paaralan na 'to. Anong nararamdaman niyo, Miss Liang?"

"Ikaw...ikaw na walang hiyang bata ka!" gigil na galit ni Liang Li Hua.

Itong walangyang batang 'to, anong karapatan niyang insultuhin ang klase ng pagtuturo ko!

Ang F-class ang may pinakamababang resulta sa buong paaralan na naging malaking pasakit sa kanya.

Natigilan at hindi na nakapagsalita pa ang mga estudyante sa buong silid.

Damn...

Ang lakas ng loob ng Ye Wan Wan na 'to na sumagot sa titser...

Siya pa rin ba ang dating Ye Wan Wan na walang sinasabi kapag napapagalitan at nasisigawan?

Bumulalas lamang ng malakas na tawa si Liang Li Hua, "Ye Wan Wan, sa tingin mo ba hindi kita kaya? Kaya nga kitang itulak papuntang main gate ng Qing He High School!"

Siya ring balik ng sagot ni Ye Wan Wan kay Liang Li Hua at tumitig sa guro, "Anong nagpapapigil sa'yo, Miss Liang? Malakas at makapangyarihan ka, oo naman, kayang-kaya mong patalsikin ang estudyanteng katulad ko."

Sinadya talaga ni Ye Wan Wan na bigyang diin ang mga salitang niyang "sobrang makapangyarihan" ang kanyang guro para maipahalata na may namamagitan sa guro niyang si Liang Li Hua at ng kanilang lider ng paaralan.

Tulad ng inaasahan, biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Liang Li Hua.

Kahit na walang pruweba si Ye Wan Wan, o kahit wala mang maniwala sa kanya, atlis ay magiging malaking usap-usapan ito sa buong paaralan. Sapat na 'yun para sa kanya. Alam niyang marami ang magkakainteres na alamin kung totoo ang ilegal na relasyon nilang dalawa. Lalo pa't ang isa ring guro ang asawa ng lider ng paaralang ito.

Walang hiyang batang 'to, ang kapal ng mukha niyang pagbantaan ako!

"Ring--"

Nagsimula nang tumunog ang school bel, hudyat para simulan na ang klase at saglit na nahinto ang pagtatalo.

Sumama ang ekspresyon sa mukha ni Liang Li Hua at galit na nagsalita, "Isang linggo na lang bago ang eksaminasyon. Salamat sa'yo, at nagulo ang klase ko! Humanda ka sa akin mamaya!"

Di bale na, may ilang araw na lang ang walanyang batang 'to bago tuluyang mawala sa eskwelahang ito. Wala nang saysay kung papatulan ko pa.

"Okay class, punta kayo pahina pitumpu't-dalawa ng libro niyo!"

Napabuntung-hininga na lang ang mga estudyante dahil natapos na ang gulo.

Ang pagkumpleto ng halos walang katapusang major at minor na mga eksaminasyon ang pinaglalaanan ng oras ngayon ng Senior Year High.

Mahalagang maipasa nila ang bawat eksaminasyon dahil ibabase ang pagpapalit nila ng upuan sa magiging resulta ng eksaminasyon nila.

Tiningnan lang ni Ye Wan Wan ang kanyang libro at ipinikit ang kanyang mga mata.

Ilang segundo lang ay nakabisado na niya ang lahat ng nilalaman ng libro.

Lingid sa kaalaman ng mga tao, may kakayahan siyang maalala at makabisado lahat ng laman ng bawat binabasa niya.

Kapag nabasa na niya lahat ng impormasyon sa libro, kaya na niyang maisulat ang nilalaman nito kahit hindi pa niya naiisip.

Kung papaano niya 'to gawin ay depende sa kung gaano niya kagustong gawin ang bawat bagay.

Hindi katulad ng dating Ye Wan Wan na walang pakialam sa resulta ng pag-aaral. Wala talaga ang pokus niya sa pag-aaral.

Kung gusto niyang mabawi 'yung desisyon ng paaralan na mapatanggal siya, magiging kumplikado na ngayon ang maipasa ang eksaminasyon.

Kahit naging maikli lang ang panahon niya para makapag-aral, naging sapat pa rin iyon para sa kanya.

avataravatar
Next chapter