1142 Ang kahoy na batuta na sumisira sa nagmamahalan na magkasintahan!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi masama sayo ang bakanteng oras na meron tayo. Pwede kang manatili muna. Mag-charity ka, magbasa ng libro, matuto ng mga bagay-bagay, at pasaganahin mo ang sarili mo. Narinig mo ba ako?" Nag-aalalang sinabi ni Ye Wan Wan.

Hinampas ni Gong Xu ang lamesa at huminga siya na parang mamamatay na siya, "Magpapaka-baliw… wala na akong enerhiya… hindi ko makikitang nakapang-babae si Brother Ye… ano pa ang halaga ng buhay ko…"

Ye Wanwan: "…"

May i-tutumal pa ba ang buhay niya? Kaya niya bang gumawa ng makabuluhang mga bagay?

Umiling ang natawa si Han Xian Yu nang marinig niya iyon. Gayunpaman, mukhang maginhawa na ang kanyang itsura pagkatapos nito.

"Ang Little Candied Plum ko pa pala. Ah, ang Little Candied Plum ko… bakit kaya mapanganib ang aming pag-iibigan.." Malungkot na tiningnan ni Gong Xu si Ye Wan Wan. "Hindi na kita gusto, Brother Ye! Alam mo ba kung ano ang itsura mo ngayon?"

Tinanong siya ni Ye Wan Wan, "Ano?"

"Isa kang kahoy na batuta! Ang kahoy na batuta na sumisira sa nagmamahalan na magkasintahan!"

Ye Wanwan: "…"

"Papatawarin kaagad kita kung magsusuot ka ng bestida para sa akin!"

"Hindi mo kailangang imadali ang mga bagay na iyon. Salamat na lang."

Nagmuni-muni si Yao Jia Wen tungkol dito at napagtanto niya na ito na lamang ang magagawa nila.

Magiging mapanganib ang bawat hakbang na tatahakin ng kanilang kumpanya, na walang background, kung patuloy itong kakayanin ng malaking kumpanya.

Sumagot si Yao Jia Wen, "Ang inaasahan na lang natin ay makapasok sa finals ng Golden Orchid Awards ang A Life and Death Struggle. May dalawa tayong bidang lalaki, malaking benepisyo sa ating kumpanya kung makapasok ang isa sa kanila…"

Kung hindi, mawawalan na sila ng pera, mawawalan pa sila ng reputasyon.

Hindi pa rin sapat, kahit na alam nila sa kanilang mga puso na malaking kalamangan ang tinatalakay ng A Life and Death Struggle upang makakuha ng award, kung wala silang mapapanalunan na award kahit na nakaabot sila ng finals. 

Hindi naintindihan ni Yao Jia Wen ang proseso ng isip ni Ye Bai.

Magiging maayos siguro ang box office performance nila, kahit na sinisiraan sila ng malaking kumpanya, kung ginawang school drama ang pelikula nila Gong Xu at Luo Chen. Mapupunta sila sa ruta ng mga idol drama, at least hindi mapupunta sa wala ang pera nila.

Madalas na perfectionist si Ye Bao dahil baguhan pa lamang siya sa industriya.

Siguro ginawa niya ito upang baguhin ang imahe ni Luo Chen at Ye Bai, ayaw niyang gamitin nila ng masyado ang kanilanh kasikatan at mabilis silang kumikita dahil dito. Gayunpaman, minaliitin ni Ye Bai ang kalupitan ng market at ang abilidad ng malalaking kumpanya.

Sinaktan ni Ye Bai ang Emperor Sky kahit na nakuha niya ang script ni Xu Lin, kaya hindi kalamangan ang natamo nila sa mga nawala nila.

Sa ngayon, ang funding chain ng kumpanya ang medyo gipit kaya umaasa sila na makakabawi ang pelikula.

Kung nasira at nasunog ang pelikula na ito, kaduda-duda na magkakaroon pa ng tsansa ang kumpanya nila na makapag-operate...

"Ihanda mo na ang nalalapit na iskedyul, Jia Wen," inutusan siya ni Ye Wan Wan.

Bumalik sa realidad si Yao Jia Wen at agad siyang tumango. "Sige!"

Sa mga sumunod na panahon, ang mga pelikula ng malalaking kumpanya ay may promosyon sa mga sinehan at maraming tumatangkilik dito. Sa ngayon, dinala ni Ye Wan Wan si Luo Chen at Gong Xu upang mag-charity. Umakyat sila sa mga bulubundukin upang bisitahin ang mga bata o pumunta sa mga base ng mga sundalo upang pasalamatan ang mga beterano. Iniba nila ang orihinal nilang iskedyul para sa promosyon upang mag-charity at tumulong sa publiko.

Kasama ni Ye Wan Wan si Luo Chen at Gong Xu nang matanggap niya ang balita na na-nomina sa Golden Orchid Awards sila Luo Chen at Gong Xu. Kasalukuyan silang nakikipag-usap sa ilang mga beterano sa isang bundok.

Biglang naliwanagan ng iba't ibang maliliwanag na kulay ang mukha ni Gong Xu habang nakatitig siya sa kanyang phone. "Ahahahahaha! Brother Ye! Brother Ye! Nominated ako sa Golden Orchid Awards bilang Best Actor!"

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang listahan ng mga nominasyon na sinend kay Ye Mu Fan. "Kumalma ka. Nominasyon palang 'yan."

avataravatar
Next chapter