250 Ang kahalagahan ng idolo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Buong gabing binasa ni Ye Wan Wan ang lahat ng messages ni Zhao Da Yong sa social media. Hindi niya napansin na nakatulugan niya ang ginagawa niya kagabi at nagising lamang siya sa phone call ni Jiang Yan Ran nung kina-umagahan.

Pagkababa niya ng tawag, nakarating si Ye Wan Wan sa entrance ng korte sa loob ng kalahating oras.

Mga kabataang magagara ang suot at mga taong may hawak na karatula ang nagtipon-tipon doon. Ang nakasulat sa karatula nila ay: "Inosente si Han Xian Yu", "Mali ang paratang kay Han Xian Yu", "Sunugin ang tsismis!"

May naghihintay na reporters sa labas ng mga oras na iyon.

Ang insidente ng pangmomolestya ni Han Xian Yu sa bata ay umabot sa lahat at malaki ang naging epekto nito sa lipunan. Hindi makalimutan ni Ye Wan Wan ang pagkasunod-sunod ng pangyayari ng maganap ito sa nakaraan niyang buhay.

Ngayong araw, maghaharap ang tatay ng batang babae at si Han Xian Yu sa korte.

"Andito ka rin pala Wan Wan-jie." nakipagsiksikan sa mga tao papunta kay Ye Wan Wan si Chu Feng na kaswal ang pananamit.

"Oo," tumango si Ye Wan Wan. "Katatawag lang sakin ni Jiang Yan Ran kanina."

Die-hard fan ni Han Xian Yu si Jiang Yan Ran. Siya ang unang nakaalam ng balita na maghaharap ang tatay at si Han Xian Yu sa korte ngayong araw, kaya tinawagan niya agad si Chu Feng at Ye Wan Wan para pumunta doon.

"Wan Wan, andito ka na…" Muntik nang maiyak si Jiang Yan Ran sa sobrang lungkot nang makita niya si Ye Wan Wan. "Kahit ang tao na hindi malalim ang pagiintindi sa batas ay nakakaalam na hindi matibay ang maliit na ebidensya ang sinasabi nila laban kay Han Xian Yu; bakit ang yabang nilang sinasabi na guilty si Xian Xian? Hindi ba dapat maghinay-hinay lang sila sa pinaparatang nila kay Han Xian Yu dahil ipapa-sa-korte pa naman kaso?"

"Gagawin ng mag-asawang iyon ang lahat para makakuha ng maraming pera sa kasong ito; nakakainit din sa ulo ang mga reporters na gumagatong pa sa kaso!" Balisang sinabi ni Chu Feng.

...

"Ngayong araw maghaharap sina Mr at Mrs Zhao at ang pinakasikat na artistang si Han Xian Yu, sa korte. Ayon sa report, tinanggap na ng korte ang kanilang kaso kaya patuloy naming aalamin ang susunod na pangyayari…"

Ang reporter na pormal ang suot ay ang nagsalita sa harap ng camera.

Maraming tao ang nakisalo sa kaguluhan sa may entrance ng korte; ang bawat isa ay may sari-sariling opinyong tungkol sa kaso.

"Dugyot na ang mga artista ngayon; kahit maliit na bata pinapatulan!"

"Oo nga eh. Sabi niya charity daw kaya ginawa niyang theme park ang villa niya, pero para sa kalibugan niya pala iyon; masahol pa siya sa halimaw!"

"Hay, nakakaawa ang anak ni Mr at Mrs Zhao… bakit siya ang tinira ng g*g*ng 'yon? Malaki ang naging epekto niya sa batang babae!"

"Sigurado ako na hindi lang ang batang iyon ang inabuso niya; kung hindi isisiwalat ni Mr at Mrs Zhao ang kasong ito, malamang marami pa rin ang tahimik na nagdurusa!"

"Leche! Bobo ba sila?" Umaapoy sa galit si Chu Feng nang marinig niya ang mga taong naninira kay Han Xian Yu. Mukhang gusto niyang sugurin at makikipag-away siya sa kanila pero pinigilan siya ni Ye Wan Wan.

"Anong ginagawa mo?"

"Wan Wan-jie, wala silang ebidensya. Sinasabi nila na uulan pero ang ugong ng hangin lang ang narinig nila! Pinapatunayan nila na masamang tao ang idol ko kahit wala pang hatol ang korte! Bakit nila gagawin 'yon!?" kinaskas ni Chu Feng ang kanyang ngipin sa sobrang galit.

Ye Wan Wan: "..."

Sigurado ka bang… idolo mo si Han Xian Yu…? Masyadong malaking problema ang lalaking ito...

"Sinusubukan mo bang sirain ang pangalan ni Han Xian Yu kapag nakipag-away ka sa kanila? Edi, sasabihin ng mga tao na gumagawa ng eksena ang fans ni Han Xian Yu."

Napahinto si Chu Feng sabay tulalang tumingin kay Ye Wan Wan, "Wan Wan-jie, tama ka…"

Tumango sa pag-ayon si Jiang Yan Ran, "Bawal kang magpadala sa emosyon mo, kahit ano pang sabihin ng mga tao!"

Hindi masama ang fans ni Han Xian Yu-- tinataas lang nila ang kanilang karatula at hindi sila nakikipag-away kahit kanino.

Samantala, ang mga reporter nasa entrance ng korte at sunusubukang impluwensyahan ang opinyon ng publiko, kinakayag nila ang mga tao na ihatol kay Han Xian Yu ang krimen.

Narinig ng mga tsismosang naglalakad ang usapan ni Jiang Yan Ran, pinagtaasan sila ng kilay ng mga ito ang grupo nila, "Ay, mga batang ito na nagbubulag-bulagan sa tama at mali. Humantong na sa korte ang issue na ito pero hindi pa rin nila alam ang katotohanan, nagpupumilit pa sila na inosente ang mokong na iyon at mali raw ang paratang sa kanya!"

"Sinusuportahan talaga nila ang g*g*ng hindi nagpa-patalo sa bata; mukhang warak ang kanilang mga utak!"

Namula ang mga mata ni Jiang Yan Ran sa sobrang galit-- walang ideya ang mga taong ito; hindi nila alam ang halaga ng isang idolo.

avataravatar
Next chapter