1080 Ang istilo ng isang Baby na matatamis na salita

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na kinamot ni Tang Tang ang kanyang mga mata nang marinig niya ang boses ni Ye Wan Wan. Tumayo siya kaagad at mabilis siyang lumapit sa kanyang nanay. "Mommy!"

Diniretso ng batang lalaki ang kanyang ulo at masaya niyang tiningnan si Ye Wan Wan habang ang mga mata niya ang kumikislap. "Nandito ka na, Mommy!"

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang ulo ng bata. "Bakit hindi ka pa tulog?" 

Maririnig ang boses bata ni Tang Tang nang sinabi niya, "Gusto kong hintayin na makauwi si Mommy."

Natuwa at nalungkot si Ye Wan Wan nang marinig niya ito. Humarap siya may Si Ye Han at sinabi, "Ah-Jiu, bakit hindi mo siya pinigilan. Nagpapalaki palang ang katawan niya - bakit hinayaan mong gising pa siya ng late?"

Sarcastic na sumagot si Si Ye Han, "Hindi mo gagawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sayo."

Ye Wanwan: "…"

Sa ibang salita… gusto niya rin na hintayin si Ye Wan Wan na makauwi, kaya hindi niya pinwersa si Tang Tang?

Mas nakakagulo sa isipan ang style ng matatamis na salita ng kanyang baby ngayon...

Kinabukasan, malapit nang matapos ang trip ni Mu Sui Feng sa China at malapit na siyang umuwi sa kanyang bahay.

Sinundan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han upang ihatid ito sa paliparan.

Matagal na nakipagdaldalan si Mu Sui Feng kay Si Ye Han. Biglang humarap si Mu Sui Feng kay Ye Wan Wan at kanyag sinabi, "Salamat Chairman Si sa mabuting pakikitungo mo sa akin. Miss Ye, mismo ang nagpasaya sa biyahe ko dito."

Mukhang mapagpakumbaba si Ye Wan Wan. "Kinatutuwa ko ang sinabi mo, Mr. Mu."

Agad na sumagot si Mu Sui Feng, "Huwag kang mahabag, Miss Ye. Ito ang tunay kong nararamdaman. Nang makita ko ang isang tao na talentado sa martial arts na tulad ni Miss Ye, hindi siya galing sa Independent State pero ay naging isang malaking surpresa sa akin."

Biglang kuminang ang mga mata ni Si Ye Han.

Lumiwanag ang mga mata ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang "Independent State. Sabik siya ng sinabi niya, "Naging interesado na ako sa Independent State simula noong binanggit mo ito sa akin. Gusto ko sanang bumisita at palawakin pa ang kaalaman ko sa martial arts, kung mabibigyan mo ako ng pagkakataon na gawin ito!"

Natawa si Mu Sui Feng. "Ah… imposibleng mangyari iyon…"

"Eh? Paano naging imposible ito?" Hindi siya naintindihan ni Ye Wan Wan.

Sumagot si Mu Sui Feng. "Hindi pwede na basta-bastang pumasok ang isang normal na tao at hindi rin madaling makalabas dito. Kailangan mo ng espesyal na permit kapag nais mong makapasok dito. Katulad nito ang passport at visa kapag pupunta ka sa ibang bansa. Kapag pumasok ka na lamang doon at nadiskubre ka nila, baka mawala pa ang buhay mo doon."

"Masyadong makapangyarihan ang Independent State. Kapag nalaman ito ng mundo, baka makakapit ito ng malaking kaguluhan, kaya bawal pumasok ang isang normal na tao lamang. Ang patakaran na ito ay ginawa ng Independent State."

"Ganoon pala iyon…" tumango si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon at mukhang nagalangan siya dahil dito.

Kaya pala ang mundong panglabas ay hindi alam ang tungkol sa Independent State, ito ay tulad ng isang kakaibang pamahalaan na hindi alam ng kahit sino...

Umupo sa kotse si Ye Wan Wan at bigla siyang nagreklamo kay Si Ye Han, pagkatapos nilang ihatid si Mu Sui Feng.

"Ah, sayang naman! Akala ko pwede akong magbakasyon doon! Hindi pala pwede!"

Tiningnan siya ni Si Ye Han. "Gusto mo ba talagang pumunta doon?"

Napansin ni Ye Wan Wan ang bakas ng panganib sa mga mata ni Si Ye Han kaya agad siyang umiling. "Hin.. hin-hindi! Ayokong pumunta sa kahit saang lugar!"

Gayunpaman, hindi pa rin siya pinaniwalaan ni Si Ye Han.

Natawa si Ye Wan Wan nang makita niya ang manhid na itsura ni Si Ye Han, kaya hinalikan niya ito sa kanyang labi. "Sige na nga, sige na nga, inaamin ko. Gusto kong pumunta sa Independent State, pero gusto ko rin pumunta sa maraming iba pang lugar. Ang buhay nga naman ng tao ay tumatagal lamang ng ilang dekada, kaya gusto ko sanang libutin ang buong mundo at makita ang nature sa aking mga mata mismo. Gayunpaman…"

Tiningnan siya ni Ye Wan Wan. "Gayunpaman, nang makilala kita, naisip ko na… okay din na manatili na lang din."

Nanginig ang emosyon sa mga mata ni Si Ye Han nang bigla niyang hinila si Ye Wan Wan sa kanyang mga kamay...

Sa isang saglit, maririnig ang malalim na boses ng lalaki. "Huwag ka nang magsisinungaling sa akin ulit."

Nagulat si Ye Wan Wan. "Huh? Bakit ko gagawin iyon?! Ito ang katotohanan, okay?!"

Hm… ano kayang ibig sabihin ni Si Ye Han nang sinabi niyang "ulit" kanina? Nagsinungaling ba ako sa kanya noon?

Imposible iyon, okay… bakit ko naman lilinlangin ang tulad ni Si Ye Han…?

avataravatar
Next chapter