858 Ang isang nagkakandarapang makuha ang pabor mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"..." Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan at matagal bago siya makapagsalita muli: "Xian Yu, kaibigan lamang ang tingin ko sayo kaya hindi kita gagamitin ng ganoon."

Tiningnan siya ni Han Xian Yu. "Naiintindihan mo rin na magkaibigan tayo, 'di ba? Bakit hindi mo ko tinawagan noong nasa kasagsagan tayo ng kahirapan? Hindi mo ba alam kung ano ang nararamdaman ko noong narinig ko ang nangyari noon? Naramdaman ko na ang trato mo sa akin ay hindi kaibigan pagkatapos nating magkakilala ng matagal na panahon…"

Nasasaktan si Han Xian Yu habang nagsasalita siya.

Dali-daling nagpaliwanag si Ye Wan Wan nang makita niya na hindi siya naintindihan ni Han Xian Yu, "Paano nangyari iyon… inasahan ko na na mangyayari ang mga bagay na ito… kaya kong ayusin ang mga bagay ng sarili ko… at tsaka, ayaw kitang abalahin dahil may shooting ka ng movie mo sa ibang bansa…"

Nasa gitna ng kaguluhan si Han Xian Yu dahil artista siya ng Worldwide, kaya bakit manghihingi ng tulong sa kanya si Ye Wan Wan?

Nagsisisi si Ye Wan Wan dahil dalawa na buhay at personalidad ang pinapakita niya kaya marami na rin siyang napagdaanan, hindi niya kayang ibigay ng buo ang kanyang puso at pagkatiwalaan ang ibang tao sa mga sitwasyon na kaya niyang solusyonan ng mag-isa...

Naging malumanay si Han Xian Yu nang makita niyang nababalisa si Ye Wan Wan at seryoso niya itong kinausap, "Ye Bai, sinabi ko na sayo noon na plano ko nang iwan ang Worldwide, kaso tinamad akong gumawa ng sarili kong studio. Magaling akong umarte pero wala akong alam sa pamamalakad ng negosyo at ayaw kong sinasayang ang oras ko sa mga ganito. Matalino ka naman at marunong, ang kulang na lang natin ay networks at mga oportunidad. Kapag nagsama tayo sa trabaho, kinukuha lamang natin ang kailangan natin at wala tayong ginagamit na mga tao, hindi ba, mas maayos kung ganito ko siya ipapaliwanag?"

Mukhang seryoso na at nakapag desisyon na rin si Han Xian Yu...

Hindi mapakali si Ye Wan Wan kaya humarap siya sa tatlong tao na kasama niya sa silid. "Ano sa tingin ninyo?"

Gayunpaman, mga shareholders nga naman sila ng kumpanya.

Sinuri ni Ye Mu Fan si Han Xian Yu habang lumiliwanag ang kanyang mga mata. Lalo siyang nakukuntento habang tumatagal ang kanyang pagtitig sa lalaki.

Alam niya na darating ang panahon na ikakasal ang bata niyang kapatid, at kahit na nalandi ng ibang lalaki ang kapatid niya, nakikita niya na magandang kandidato bilang asawa si Han Xian Yu dahil natuwa siya sa itsura nito!

Walang problema sa ugali ni Han Xian Yu. Madali at mainam na rin ang pagde-dekorasyon ngunit hindi madaling dalhin ang uling sa niyebe. At tsaka, ang empress dowager, (ang nanay nila) ay gusto rin si Han Xian Yu. Baka kaya niyang palayasin ang masahol na lalaki na ginagamit ang kanyang ka-gwapohan para lokohin ang iba.

Kaya sumagot kaagad si Ye Mu Fan, "Tama si Xian Yu at tama ang pinaparating niya! Okay lang sa akin kung sasama sa atin si Xian Yu! Anong inaalala mo, boss? Saan na napunta ang domineering spirit mo?"

"Nawala na ang pasensya ni Xian Yu at wala na rin siyang makukuha kahit na manatili pa siya doon. Ang Worldwide ay nakaka-g*go! Kung nag-aalala ka na baka lalo siyang maghirap kapag sumama siya sa atin, edi lalo mo siyang pwersahin na magpursige sa trabaho!"

Naakit si Ye Wan Wan sa sinabi ni Ye Mu Fan at makikita na kilalang kilala niya talaga ang kapatid niya!

Kumalma si Ye Wan Wan dahil sa sinabi ni Ye Mu Fan...

Sumagot rin si Luo Chen: "Sumasang-ayon ako na makasama rin natin si senior Xian Yu dito."

Seryosong nagsalita si Ye Mu Fan, "Kompirmado na dahil sumasang-ayon na ang lahat! Welcome sa team, Xian Yu!"

Makikipag kamayan na sana si Ye Mu Fan kay Han Xian Yu nang biglang sumugod si Gong Xu sa kanila. "Damn! Hindi niya ba nakikita si young master (ako)? Hindi man lang ako nakapagsalita! Tumututol ako! TUMUTUTOL AKO!"

Punyeta! Alert alert! Red alert!

Kukunin na naman ng iba si Ye-ge sa akin, at siya pa ay isang mahirap na kalaban!

Mahusay si Han Xian Yu - napakagara ng reputasyon niya sa publiko at magaling siyang umarte; pilit na nilagay sa kanya ang walang bahid at walang kulang niyang mga talento. Kapag sumama pa sa kanila si Han Xian Yu, may lugar pa kaya sa bahay si Gong Xu?!

"Masyadong mababa ang IQ mo kaya 'wag ka nang magsalita!" tinulak ni Ye Mu Fan si Gong Xu at patuloy niyang kinamayan ang kamay ni Han Xian Yu at dahil dito, kompirmado na ang kasunduan...

avataravatar
Next chapter