744 Ang inabandonang little devil

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Ye Han: [Binangungot ka?]

Maliban sa sinabi ni Ye Wan Wan, hindi pa rin maintindihan ni Si Ye Han kung bakit naisip ito ni Ye Wan Wan.

Niyakap ni Ye Wan Wan ang kanyang phone at gumulong siya sa kama: [Hindi, may nakita akong batang lalaki na ka-parehas ang ugali sayo - manhid, walang pakialam, matibay ang pagiging arogante at para bang nakamarka sa mukha niya ang 'bobo ang mga tao,' para bang bababa ang IQ ng taong makikipag usap sa kanya. Magkaparehas kayong dalawa - isa siyang little devil, kaya naisip ko na may anak ka sa iba…]

Si Ye Han: [Manhid, walang pakialam, matibay ang pagiging arogante, demonyo?]

Ah! Patay ako! Binunyag ko ang tunay kong naiisip kay Si Ye Han...

Walang pakialam at manhid na sinabi ni Ye Wan Wan ang mga karakter na magkaparehas ang bata at si Si Ye Han - katumbas nito ang karakter na mayroon si Si Ye Han!

Sinubukang iligtas ni Ye Wan Wan ang sarili niya: [Napakaganda kasi ng batang iyon - maikukumpara ang mukha niya sa inukit na jade, para siyang anak ng Diyosa ng Kaawaan; kaninong makapangyarihang genes ang makakagawa ng perpektong anak? Maliban pa kung nagsama ang genes natin, parang imposible na makagawa tayo ng napakagandang manyika~]

Si Ye Han: [Gusto mong bumuo tayo?]

Kinilabutan si Ye Wan Wan dahil natandaan niya ang maliit at mahid na mukha ng batang lalaki sa video, gayundin ang nakakatakot niyang awra: [*cough* Hindi, 'wag na, mga bata sila - mas masayang kalaro ang anak ng ibang tao. Okay lang naman sa akin kung aalagaan natin sila ng ilang araw~]

Magkukunwari talagang magulang ng batang lalaki si Ye Wan Wan kung seryoso talaga si Nameless Nie.

Hindi siya makapagtitimpi kung anak niya talaga ang batang iyon - mahirap na ngang pakisamahan si Si Ye Han, paano pa kaya kung dumating ang batang ito? Magkakaroon pa kaya siya ng mapayapang araw…?

Ye Wan Wan: [Gabing-gabi na pala. Hindi ka pa ba matutulog?]

Nagiging regular na ang oras ng tulog ni Si Ye Han dahil sa pagpapagaling niya. Madalas na nakakatulog ng maayos si Si Ye Han, kahit wala sa piling niya si Ye Wan Wan. Nagiging maayos na ang ugali ni Si Ye Han at naging positibo na ang kanyang kalusugan.

Si Ye Han: [Naghahanda na rin akong matulog.]

Inisip ni Ye Wan Wan ang mababa at magaspang na tulad ng cello na boses ni Si Ye Han kaya nagdesisyon siyang tawagan ang lalaki. "Gusto mo ba ng bedtime story?"

Si Ye Han: "Sige."

Umubo si Ye Wan Wan at sinimulan niyang ikwento ang istorya. "Noong matagal na matagal na panahon, may isang batang babae. Tinawag siyang Little Red Riding Hood dahil binigyan siya ng pulang sumbrero ng kanyang lola.

Isang araw, gustong dalhin ni Little Red Riding Hood ang cake sa kanyang lola, ngunit may nakilala siyang malaking kulay grey na lobo sa biyahe niya papunta doon. Ngayon lang nakakita ng gwapong lobo si Little Red Riding Hood, kaya ginamit niya ang cake para akitin ang gwapong lobo papunta sa liblib na kagubatan. Seryosong kinausap ni Little Red Riding Hood ang lobo, "Kinain mo ang cake ko, kaya sa akin ka na…"

Si Yehan: "…"

Kahit hindi siya nakinig sa mga pambatang storya noon, alam niya na… parang may mali sa storyang ito, tama ba?

Kinaumagahan.

Dumating ang limang lalaki at malalaki eyebags nila.

Punong-puno ng enerhiya naman si Ye Wan Wan at naisip niya kakaiba ang eyebags ng limang iyon. "Umalis kayo kagabi para magnakaw?"

Deboto: "Paano mangyayari iyon - disente ang grupo namin!"

Spray of Flowers: "Tumpak. Hindi na kami gagawa ng kahit anong kalokohan!"

Walang masabi si Ye Wan Wan. "..." Sinasabi niya ba na loko-loko sila noon?

Sumagot ang dayuhan na tagabuhat ng bricks, "Boss, para magampampanan namin ang pagiging magaling na bodyguards mo, inutusan kami ni kapitan na manuod ng mga palabas, kaya masisigurado namin sayo na magiging magaling kami sa misyon na ito."

Nalugod si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon dahil hindi niya inakala na mapagkakatiwalaan pala ang mga ito. "Nagpakahirap pa kayong lahat! Huwag kayong mag-alala, bibigyan ko kayo ng isa pang malaking ampaw kapag nagawa niyo ito ng maayos!"

avataravatar
Next chapter