1235 Ang Importanteng clue

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

At tsaka… sino ba talaga si Worriless Nie na natagpuan ng Nie family sa Independent State?

Ang pinuno ng Si family ay nawala rin sa oras na iyon. May kongkretong koneksyon ba ang dalawang pangyayari na ito?

Kahit si Feng Xuan Yi ay naguguluhan dahil hindi niya makita ang katotohanan sa lahat ng ito.

Biglang nag-ring ang phone ni Spray of Flowers, at tumayo siya nang makita niya kung sino ang tumatawag. "May sasagutin lang ako na tawag."

Sa labas ng food stall, nilagay ni Spray of Flowers ang kanyang phone sa kanyang tenga at paulit-ulit siyang tumango. "Naiintindihan ko… pero sinabi ni Feng Xuan Yi na baka si Ye Wan Wan ang tunay na Second Miss. Tungkol sa sitwasyon na ito…"

Hindi malinaw kung ano ang sinabi ng katawagan niya, pero patuloy lang na tumango si Spray of Flowers hanggang sa binaba niya ang tawag.

"Anong ginagawa mo?"

Binaba kaagad ni Spray of Flowers ang tawag nang maramdaman niya na dahan-dahan na lumapit si Nameless Nie.

"May tumawag sa akin galing sa bahay," sumagot si Spray of Flowers habang nakatingin siya kay Nameless Nie.

Tumango si Nameless Nie at kanyang sinabi, "Naka-book na ako ng plane tickets. Pwede na tayong bumalik bukas."

"Pero, Kapitan… si Second Miss, Worriless Nie ba talaga ang natagpuan nila sa bahay?" Kataka-takang sinabi ni Spray of Flowers. 

"Kalokohan!" Tiningnan ni Nameless Nie si Spray of Flowers. "Bakit hindi mamumukaan ng magulang ko si Worriless Nie?"

"Hindi iyon, Kapitan… ilang taon nang nawawala si Second Miss, kaya siguro iba na ang itsura niya kumpara sa itsura niya noon… kailangan nating maging maingat," sabi ni Spray of Flowers.

"Parang gusto mong makipag bugbugan," suminghal si Nameless Nie. "Bakit maling tao ang namukaan ng magulang at Third Sister ko?"

"Sige…" tumango si Spray of Flowers at hindi na siya nagsalita ng kahit ano pagkatapos magsalita ni Nameless Nie.

Sa isang saglit, nakarating kaagad sila Spray of Flowers at Nameless Nie sa pribadong kwarto ng food stall.

"Feng Xuan Yi, sinabi mo sa akin na nakakuha ka ng importanteng clue noong tinawagan mo ako… ano ba ang nangyari?" Umupo at tinanong ni Nameless Nie si Feng Xuan Yi.

"Kapitan, sigurado ba yung pamilya mo na… nahanap nila si Second Miss?" Tiningnan ni Feng Xuan Yi si Nameless Nie.

Tumango si Nameless Nie at sinabi, "Sigurado sila. Nagpa-party at nagpapakasaya yung babae na iyon ng ilang taon at nahanap siya noong nakaraang mga araw lang. Kinompirma ng magulang at third sister ko na siya nga yung loko na iyon."

"Sige, wala 'yon," sabi ni Feng Xuan Yi.

Halata naman ang kinakaharap nila na sitwasyon ngayon. Sigurado si Nameless Nie, si Si Ye Han, madam at ang third miss na si Worriless nga iyon. Wala nang kwenta ang mga sasabihin ni Feng Xuan Yi.

Hindi masisigurado na paniniwalaan siya ng Nie family kapag sinabi nita ang katotohanan. Ang importante pa doon ay may mataas na posibilidad na baka maghatid pa sita ng kalamidad sa totoong second miss.

Dahil sinubukan niya talagang magkunwari na siya ang Second Miss ng Nie ng Nie family, hindi siya isnag simpleng tao lamang. Siguro may kamag-anak siya sa isa sa mga matatas na opisyal ng Nie family. Kapag hinayaan ni Feng Xuan Yi na malaman ng ibang tao na si Ye Wan Wan ang tunay na second miss, baka patayin ng mga masasamang tao si Ye Wan Wan.

Kailangang alamin muna nk Feng Xuan Yi kung paano harapin ang problemang ito bago niya mabunyag ang lahat.

Hindi siya gagawa ng galaw at hindi niya sasabihin ang totoo kung hindi pa malinaw ang lahat.

Dinala na ng may-ari ng food stall ang ilang mga appetizer sa kwarto at nilagay niya ito sa lamesa.

"Boss, saan yung karne?!" Hindi natuwa ang Deboto habang tinitignan niya ang mga plato na may gulay sa lamesa at bigla niyang tiningnan ang may-ari ng food stall.

avataravatar
Next chapter