932 Ang ibig sabihin nito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa entablado, binigay ng masayahing host ang mikropono kay Ye Hong Wei pagkatapos niyang gawin ang opening speech.

Umakyat sa entablado si Ye Shao An pagkatapos umakyat ng presidenta ng Ye Group at Emperor Sky Entertainment na si Ye Hong Wei. Katabi niya ang eleganteng direktor ng talent recruitment na si Ye Yiyi.

Sa mga audience, nabigla ang ilang mga nakatatanda ng Emperor Sky.

"Hay, may magugulo at masasayang parte talaga ang buhay. Noong tatlong taon na nakalipas, ang taong nakatayo sa taas ay si Ye Shao Ting, pero sa isang iglap, hindi na siya kakilala ng mga baguhan ng kumpanya. Ang kilala lamang nila ay si Ye Shao An at si big missy, Ye Yiyi…"

"Tama, hindi na pinapahintulutan ni chairman Ye na makapasok pa ng pintuan ng bahay o ng kumpanya si Ye Shoa Ting; hindi niya pa nga ito pinahintulutan na makasama ang anak niya sa okasyon na ito at ang inimbitahan niya lamang ay ang anak ni Ye Shao Ting na si Ye Mu Fan!"

"Ang hirap malaman kung sino makukuha ng pamana nila chairman at madam dahil sa ugaling pinapakita nilang ugali kay Ye Mu Fan!"

"Masyado kang mababaw. Paano naman makakalaban ang mag-ama na iyon? Ang pinaka-mainam na gawin dito ay payagan siyang makauwi sa kanilang bahay at bigyan siya ng kaunting pero. Panaginip lamang ang inaasam niyang makasama siya sa kumpanya…"

"Totoo iyon…"

Malinaw naman na walang pakialam ang Emperor Sky Entertainment kay Ye Mu Fan, pero dahil napansin nila na nag-iba ang pakikitungo ng dalawang matanda sa kanya, binati nila si Ye Mu Fan at nirespeto nila ang chairman.

Masaya at masigla ang selebrasyon ng anibersaryo.

Nang papatapos na ang kasiyahan, nagsimula na ang media interview segment.

Nakapalibot ng maayos ang ilang kilalang mga media outlets na handang magtanong kay Ye Hong Wei, Ye Shao An at Ye Yiyi.

Maliban pa sa ibang mga matataas na opisyal, nandoon rin sa lugar na iyon si Liao Xian Feng; nandoon rin ang gold medal screenwriter na si Tan Zhen Xin at ang babae at lalaking mga bida.

Tumayo si Ye Yiyi sa isang dosenang mikropono at nagsalita siya sa harap ng media, "May sasabihin akong magandang balita sa inyo - ang pinaka-bagong script na ginawa ni Tan Zhen Xin na 'The Age of Love,' ay sisimulan na ang filming. Umaasa kami na susuportahan niyo ang proyektong ito…"

Lumapit ang media at nag-congratulate sila kay Ye Yiyi dahil sa sinabi niya.

"Maraming tao ang sabik na mapanood ito - pataas ng pataas ang standard na ginagawa ni teacher Tan. Bago at orihinal ang kanyang mga ideya, ang storya ay tumatagos sa damdamin. Saan kaya nakuha ni teacher Tan ang inspirasyon niya para sa palabas na 'The Age of Love,' at anong mga surpresa ang hinanda niya para sa atin?"

"Tatlong buwan ko nang natapos ang script. Para tapusin ko ang script na ito…"

Alam na ni Tan Zhen Xin kung ano ang tatanungin ng mga reporters kaya kwinento niya ang proseso ng kanyang pagsusulat ng script at ang mga hamon na hinarap niya noong ginagawa niya ito. Malinaw ang kanyang motibo - gusto niyang bigyan ng pangmatagalan na tatak ang sarili niya sa media upang maniwala sila na siya ang may-ari ng istoryang ito.

Tulas ng inaasahan, hinangaan at pinuri siya ng mga reporters nang marinig nila ito.

Hindi kinalimutan ni Tan Zhen Xin na panipsip. Tiningnan niya si Ye Yiyi at kanyang sinabi, "Napakabait niyong lahat. Nagpapasalamat ako sa recognition ni Miss Ye Yiyi sa kahalagahan ko at pinahintulutan niya akong ipakita ang mga talento ko…"

Nasa gitna na ng speech niya si Tan Zhen Xin nang biglang mag-ring ang kanyang phone.

Pinindot ni Tan Zhen Xin ang kanyang phone, nainis siya at agad na nagbago ang kanyang mukha sa harap ng media. Sumigaw siya sa sobrang galit, "ISANG MALAKING KALOKOHAN ITO!!!"

Nagtinginan ang nalilitong mga reporters nang makita nila si Tan Zhen Xin.

"Uh, anong nangyari, teacher Tan?"

Para bang nawalan nang malay tao si Tan Zhen Xin. Pumunta siya kay Ye Mu Fan at pinakita niya ang kanyang phone. "Great young master Ye! Ano ang ibig sabihin nito?!"

avataravatar
Next chapter