239 Ang huling tuition fee

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

At tulad ni Si Xia, umalis ng puno ng galit si Lin Que.

Nalilito na tumingin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han at nagtanong, "Kaya ba nasa bahay ka lang ng ilang mga araw, para turuan ako?"

Natandaan ni Ye Wan Wan ang sinabi ni Lin Que, natandaan niyang nakauwi na bago mag 8 p.m. si Si Ye Han at simula nun, hindi na siya muling na-late umuwi.

Hindi tumanggi si Si Ye Han at napatingin siya kay Ye Wan Wan, "Ginawa ko iyon para hindi mainis ang isa diyan, baka kasi hindi siya matuwa sa pag-tutor ko at ipabalik niya ang bayad."

"Hehehe…" Nakonsensya si Ye Wan Wan dahil ibinulgar siya. "Bakit… bakit ko naman gagawin yun…"

Pinag-iisipan ko talagang bawiin yung bayad ko eh.

Pagkatapos niyang sulatan ang application form, binuhos ni Ye Wan Wan ang natitira niyang lakas para mag-aral sa darating na exams.

Ilang oras ang lumipas, dumapo ang huling gabi bago ang college exams.

Si Si Ye Han ay natutulog sa tabi ni Ye Wan Wan habang si Ye Wan Wan naman ay hindi makatulog at buong gabi siyang nagpaikot-ikot sa kama, dahil sa sobrang kaba niya sa college exams.

Ay, ngayon ko lang napansin na mag-iisang buwan na kong natutulog na kasama si Si Ye Han.

Malayo na ang narating ko, noon kasi malaki ang takot ko… pero tingnan mo ako ngayon, isa na akong unan sa piling ni Si Ye Han.

Seryoso si Si Ye Han kapag sinabi niyang matutulog siya. Pag sinabi niyang tulog, gagawin niya ito ng mahimbing at seryoso.

Okay naman ang lahat kahit na hindi siya sanay matulog ng magkatagpo ang katawan namin.

At dahil bukas na ang araw ng exams, ito na ang huling gabi para mabayaran ko ang tuition fees...

Unti-unting bumukas ang mata niyang may mala-anghel na pilikmata dahil napansin niyang hindi makatulog si Ye Wan Wan noong gabi na iyon.

Sa kadiliman ng kwarto, ang misteryoso niyang mga mata ay nakatingin sa babaeng niyayakap niya, dahan dahan siyang yumuko at hinalikan ang kanyang mga labi...

Ang malikot na si Ye Wan Wan ay biglang naramdaman ang lambot at init sa kanyang labi, pagkabukas ng kanyang mata, "..."

"Ginising mo ako," may kaunting tono ng pagkairita sa kanyang boses.

Patay na ako! Aksidente ko siyang ginising! Ang galit ng great devil pag bagong gising ay… nakakagimbal!

Napalunok si Ye Wan Wan, "Hindi… hindi ko sinasadya… kasi may exam ako bukas… kinakabahan ako...kaya hindi ako makatulog."

"Edi, 'wag kang matulog."

At nang mahigpit niyang niyakap si Ye Wan Wan, sinimulan niyang halikan siya sa kanyang noo, mata, labi at collarbone...

Hinarangan ni Ye Wan Wan ang kanyang mga butones para hindi ito tanggalin ni Si Ye Han; malapit na siyang umiyak. Bakit ko pa kasi pinukaw ang great devil sa huling gabi na nalalapit na ang exams.

"Mali ako, mali ako! Susubukan ko nang makatulog ng mahimbing at hindi na rin ako maglilikot! Maapektuhan nito ang aking magiging performance ko sa exams bukas!"

Hinahalik halikan ni Si Ye Han ang kanyang leeg papunta sa collarbone, "Hindi yan."

Kinuha ni Ye Wan Wan ang unan sabay hinarangan si Si Ye Han, "Paanong hindi?!"

Si Ye Han: "Masasagutan mo yung mga tanong kahit nakapikit ka pa."

Walang masabi si Ye Wan Wan: "Ano daw?!"

Wala akong magagawa, hindi ako makakapag timpi kung igagayuma mo ako!

At dahil inaantok pa galing sa pagkatulog si Si Ye Han, ginamit ni Ye Wan Wan ang oportunidad para umikot siya palayo sa kanya at papunta sa gilid ng kama.

Naging mabagsik ang kanyang mga mata, napuno ng babala sa darating na panganib habang nakatingin siya kay Ye Wan Wan, "Halika dito."

Hindi ako mangmang! Kapag pumunta ako diyan sayo, makakagapang pa ba ako papunta sa exams ng umaga?

Pero imposible na hindi siya lumapit.

Walang choice si Ye Wan Wan kundi lumapit sa kanya. Habang hinahalikan siya ni Si Ye Han, ang maliit niyang mga kamay ay hinahaplos ang buhok ng lalaki, malambing ang kanyang boses na umuugong katulad ng pakiramdam sa pagpasok sa malambot na mga ulap, "Sige, maging mabait ka at matulog… matutulog ka kasama ako… ah…"

"Wag…" Sinambit ni Si Ye Han ang isang salita habang nakahukay ang kanyang ulo sa leeg ni Ye Wan Wan, pabigat ng pabigat ang kanyang paghinga.

avataravatar
Next chapter