1070 Ang hindi makatwirang akusasyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi pa rin nache-check si Ye Wan Wan! Kasama namin siyang umakyat kanina!" Pinaalalahanan sila ni Liang Shi Han.

Lahat sila ay biglang tumingin kay Ye Wan Wan nang marinig nila ang sinabi ni Liang Shi Han.

Biglang nagdaldalan ang mga bisita nang makita nila ang problemang namumuo...

"Hindi nila ito mahanap kahit saan at nawala ito noong dumating ang mga babaeng iyon, kaya posible na isa sa kanila ang kumuha nito!"

"Pero ang mga babaeng iyon na sila Liang Shi Han, Huang Yi, Liu Nan Nan… alin sa kanila ang hindi tagapamana? Bakit nila gagawin ang bagay na malayo sa kanilang estado?! Kulang ba sa pera ang pamilya nila? May isang tao lamang na…"

"Tinutukoy mo ba ang Second Miss na nanggaling sa pamilya ng panganay na anak ng Ye family, si Ye Wan Wan." Biglang naliwanagan ang kanilanh kasamahan. 

"Sino pa ba ang magnanakaw nito kung hindi siya?"

"Siya siguro iyon! Narinig ko na nakikipaglandian siya sa kung kani-kanino pagkatapos siyang palayasin sa kanyang pamilya! Mukha man siyang disente ngayon, hindi agad magbabago ang tunay niyang ugali! Sino bang nakakaalam kung anong mga bagay pa ang kaya niyang gawin?!"

"Ye Wan Wan, ibigay mo ang bag mo kay Stewadd Huang para ma-check niya ito!" Inutusan ni Liang Shi Han si Ye Wan Wan at makikita ang pagka-sabik sa kanyang mga mata. Sigurado siya na si Ye Wan Wan ang gumawa ng krimen na ito.

Walang bahala na ngumiti si Ye Wan Wan. "Bakit ko hahayaan na i-check niya ang gamit ko?"

"Lahat ng bags namin ay na-check na pwera sayo! Anong karapatan mo para tumanggi?! Ayaw mong ipakita ang bag mo dahil ikaw siguro ang gumawa nito?"

Sa pagkakataon na ito, biglang lumapit sa kanila si Ye Yiyi at Gu Yue Ze.

"Steward Huang, nahanap mo ba ang singsing?" Nababahalang sinabi ni Ye Yiyi.

Nag-aalangan si Huang Ming Kun. "Pasensya na, Miss Yiyi, hinahanap ko pa rin po."

"Anong nangyayari? Hindi mo pa rin nahahanap ang singsing?" Lumapit na rin si Ye Hong Wei, Tan Yi Lan, at ang iba pa.

Biglang pinagtsismisan ni Liang Shi Han si Ye Wan Wan. "Masasabi natin na isa mga taong pumasok sa kwarto ni Yiyi ang kumuha ng singsing! Pinayagan namin si Steward Huang na i-check ang aming bag kanina, pero si Ye Wan Wan lamang ang tumatanggi na magpa-check ng bag kay Steward Huang!"

Pinaparating niya na si Ye Wan Wan ang nagnakaw nito.

Lalong dumilim ang mukha ni Ye Wan Wan. "Shi Han, hindi mo pwedeng sabihin ang mga bagay na yan nang walang pruweba."

Lumapit si Ye Shao Ting at bigla niyang pri-no-tektahan si Ye Wan Wan sa likod niya. "Dad, hindi ito gagawin ni Ye Wan Wan!"

Ang Liang Wan Jun na hindi madaling galitin ay galit na sinabi, "Papa, Mama, maniwala kayo kay Wan Wan! Sumosobra naman na ang mga akusasyon na ito!"

Mahigpit na sinara at naging kamao ang kamay ni Ye Wan Wan sa sobrang galit.

Parang may mali dito...

Imposibleng siraan ni Huang Ming Kun si Ye Wan Wan lalo na sa ganitong lugar. Tulad nga ng sinabi kanina ni Ye Wan Wan, nakakuha sila ng mataas na pagtingin sa mga tao kapag lalo silang nagkukunwaring mabait at magalang.

Maliban na lang kung… idadawit pa nila si Ye Wan Wan sa kaguluhan na ito!

Hindi kaya na ang mokong na si Huang Ming Kun, ay pa-sikretong nilagay ang singsing sa bag ni Ye Wan Wan?

Hindi pwede! Hindi sila pwedeng magpahintulot na may magsuri ng bag ni Ye Wan Wan!

Lalong dumilim ang itsura ni Ye Mu Fan, "Kailangan bang pumayag ni Ye Wan Wan na masuri ang kanyang bag dahil ang iba ay pumayag na magpa-suri ng bag? Anong batas ang nagsasabi na may karapatan ang tao na magsagawa ng private searches sa isang tao na walang pagkakamali?"

Sigurado si Liang Shi Han na si Ye Wan Wan ang nagnakaw ng singsing, kaya bakit niya hahayaan sitwasyon na ito? "Sinasabi niyong lahat na hindi si Ye Wan Wan ang nagnakaw nito, pero ayaw niyong ibigay ang bag niya para makita kung ano ang nasa loob. Paano kung ginagawa niya ito dahil nagsisisi siya? Hindi ba't malalamab agad natin kung ninakaw niya ba ito o hindi, gamit ang isang simpleng search lamang?"

avataravatar
Next chapter