143 Ang hating gabing tawag

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hating gabi, sa isang mamahaling club sa Imperial city:

Nanlambot ang itsura ng medyo chubby na may gulang na lalaki, nang sinagot ang tawag sa phone niya. Dali-dali siyang tumakbo ng mabilis.

Sa sobrang gulat, nanginig ang kamay ng lalaki habang may katawagan, "Xia Xia, yari tayo!"

Sumagot ang boses ng isang tinatamad na binata, "Ano yon?"

"May nagsabi sa akin na napunta sa mga kamay ni Si Ye Han ang iyong fifth uncle!"

Nagbuntong hininga ang binata, "Tsk, walang kwenta."

Pinunasan ng may gulang na lalaki ang kanyang pawis at nanginginig ang boses niya habang nagsasalita, "Xia Xia, kailangan mong gumawa ng paraan para tulungan siyang makaalis doon!"

Maririnig ang pagka-irita ng binata, "Ayokong sayangin ang oras ko sa walang kwentang t*nga. Nga pala, sa tingin mo may maitutulong tayo kapag sumugod tayo doon? Ni isang buto wala na tayong mahahanap, paano pa kaya ang kanyang bangkay!"

"Eh, ano pala ang gagawin natin? Hahayaan lang natin siyang mamatay?"

"Obviously... We can't let him off so easily!"

"Malinaw naman… hindi natin siya pwede na tulungang makawala ng basta-basta na lang!"

...

Sa Jin garden:

Pagkatapos mautusan si Xu Yi na linisin ang madugong salas kasama si Liu Ying, biglang na lamang nag-ring ang phone niya.

Tiningnan ni Xu Yi kung sino ang tumatawag sa kanya at nagulat siya sa kanyang nakita, " Master, tumatawag si old madam!"

Nandilim ang tingin ni Si Ye Han, "Sagutin mo."

Tumango si Xu Yi at ni-louspeaker ang tawag, "Hello, old madam. Gabi na po ah, may nangyari po ba?"

Ang hindi natutuwang boses ni old madam ang sumagot, "Xu Yi, ibigay mo ang telepono kay Little 9th ngayon din!"

Kinabahang humarap si Xu Yi kay Si Ye Han.

Inunat ni Si Ye Han ang kamay niya para kunin ang phone.

Mabilis na inabot ni Xu Yi ang phone kay Si Ye Han at nagtinginan sila ni Lui Ying.

Parehas sila na mukhang hindi mapakali.

"Lola"

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko little 9th? Sabihin mo nga sa akin ang totoo at ano ang pinagagawa mo ngayon?!" tinanong siya ng matanda na parang nakarinig siya ng balita.

Lumabas ang malamig na pawis nina Xu Yi at Liu Ying sa mga narinig nilang tanong ng matanda.

Ayaw na ayaw ni old madam na nagsasalpukan ang ulo ng magkakapatid. Kapag nalaman niya ang nangyari ngayong gabi, malaking gulo ang kahihinatnan nito.

"Jin garden." sumagot si Si Ye Han.

"Tatanungin kita, ang 5th brother ba ay…"

Hindi pa tapos magsalita ang matanda nang sumilip si Ye Wan Wan sa phone at nagmadaling nagtanong, "Si lola ba ang tumatawag sa phone?"

Nang marinig ng nag-uusok sa galit na matanda ang boses ni Ye Wan Wan, nabigla siya, ilang saglit lang nagulat siyang sumagot, "Wan Wan?"

"Lola! Ako nga!" Narinig ni Ye Wan Wan na tinatawag ng matanda ang pangalan siya, may respeto siyang nagmadali na pumunta sa phone para kamustahin ang matanda. Sinabi niya kay Si Ye Han, "Dali, kakausapin ko si lola!"

Malalim ang isip ni Si Ye Han, tiningnan niya si Ye Wan Wan at ipinasa ang phone sa kanya.

Nag-iba ang itsura ni Liu Ying nang makita si Si Ye Han na ipinasa ang phone sa gitna ng importanteng tawag, kay Ye Wan Wan. Ngunit, huli na ang lahat para pigilan pa si Si Ye Han.

Paano kung may nasabing mali ang babaeng ito?! Hindi ko maisip ang kahihinatnan nito!

"Lola, si Ye Wan Wan po ito!" ang pinakamatamis na tinig ni Ye Wan Wan ang sumagot pagkakuha niya ng phone.

Nang marinig niya ang boses ni Ye Wan Wan, ang tono ng boses ni old madam ay naging malambot pero mayroon pa rin siyang kaunting suspetya, "Wan Wan, bakit andyan ka kayla little 9th? Hindi ba nakatira ka sa campus?"

Sumagot ng bahagyang nahihiya si Ye Wan Wan, "Na-miss ko po kasi siya kaya bumalik ako dito."

Natutuwa si old madam at biglang nagtanong, "Ano pala ang ginagawa niyo ni Little 9th?"

Lumalakas ang tibok ng puso ni Xu Yi at Liu Ying sa bawat oras na nagtatanong si old madam, natatakot sila na baka may masabing mali si Ye Wan Wan.

Makikita sa kanyang mga mata ang masamang intensyon niya kay Ye Wan Wan, at handa na siyang patayin ang babaeng iyon kapag may isa lang siyang nasabi na mali!

Si Xu Yi naman ay parang lalagnatin na sa sobra niya ring pagkatakot. Hindi ito eksaherasyon na nasa kamay ni Ye Wan Wan ang buhay nilang lahat.

Hindi naman master ng lahat si Ye Wan Wan; ayaw niya ang pagtrato na ganoon. Kung hindi niya naman sasabihin ang eksena sa kanilang harapan, ang matanda na iyon na may matalas na pag-iisip ay siguradong malalaman agad ang nangyari kung marinig niyang mag-iba ang boses ni Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter