458 Ang hamon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pwede nating masabi na aroganteng tao si Xu Ming.

Pero may karapatan siya maging arogante dahil mayroon siyang parehas na skills na may makapangyarihan na mga tao siyang kaakibat.

Malayo man ang acting skills niya sa mga luma nang mga artista, magaling rin naman ang acting skills ni Xu Ming kung ikukumpara siya sa ibang mga mas batang idolo.

Isang pangit na halimbawa ng hindi magaling na aktor ay si Gong Xu - sumikat man siya dahil sa gwapong itsura at mayaman niyang pamilya, ang acting skills niya ay masakit sa mata kung pa-panoorin - isang ekspresyon lang ang kaya niyang ipakita simula sa una hanggang matapos ang palabas. Hindi niya rin matandaan ang ilang mga linya niya at sinabi niya lang ang mga numeron 123456 habang umaakto siya, napilitan tulo ang dubber na magdagdag ng ilang mga linya habang naka-lip sync. Photoshop cutouts, gumagamit ng pamalit at iba't ibang uri pa ng taktika para maitago ang acting skills ni Gong Xu ay masyado nag ginamit ng sobra.

Kaya ang isang binata na tulad ni Xu Ming na sikat, may sponsor na tumutulong sa kanya at okay ang acting skills ay maituturing isang pambihirang aktor.

Hindi makakaila ang dahil kaya siya ang napili bilang Lin Luo Chen sa buhay noon ni Ye Wan Wan.

Kung iba ang direktor ng serye, hindi na susubukan ni Ye Wan Wan na ipusta si Luo Chen para labanan si Xu Ming sa role na Lin Luo Chen, pero ang direktor ay si Song Lin Jin - Yung Song Lin Jin na binuhay ang pangalawang serye ng "Terrifying Dragon 2" para makamtan ang huling kahilingan ni Lin Zong.

Para sa kanya, ang pinaka-importanteng prinsipyo - importante pa kaysa sa pagkuha ng sponsors o kahit sa original cast, ay ang acting skills ng isang artista at ang pang-unawa ng aktor sa role.

Sa unang buhay ni Ye Wan Wan, si Xu Ming ang pinakamagaling na kandidato, ayon kay Song Lin Jin.

Gayunpaman, kung meron mang tao na mas angkop para sa role ni Xu Ming...

Ang hype na ginawa para kay Luo Chen ay nakatulong sa kanya para makakuha ng entrada para sa kompetisyon. Dito ngayon magsisimula ang pinaka-totoong laban ni Luo Chen.

Habang hinaharap nila ang pangangasar ng mga tao, biglang kaswal na nagsalita si Ye Wan Wan, "Kung tapos ka nang pag-usapan ang kasikatan, background o mga backer, wala talagang laban si Luo Chen kung ikukumpara man siya kay Xu Ming; hindi rin siya kasing galing ng mga tao dito."

"Pero dahil ngayon na ang casting, isa lang ang iniintindi ng mga hukom - talento."

"At ayon sa pagkakarinig ko sa sinabi ni Mr. Xu, mukhang nagkamali ng pagiintindi si Mr. Xu sa abilidad ng artistang hawak ko? Pasensya na pero, mabibigo namin kayong lahat ngayon. Kung wala man nangyayari sa likod ng kamera o mga ilaw at iba-base lang sa acting skills, hindi mapapalitan ng kahit sino si Luo Chen para umakto sa role ni Lin Luo Chen!"

Nayanig ang damdamin ng lahat dahil sa sinabi ni Ye Wan Wan.

"Leche! Ang yabang ng tao na ito. Walang makapapalit sa kay Luo Chen para umakto sa role ni Lin Luo Chen? Hindi siya takot na bumalik sa kanya ang karma sa kayabangan niya!"

"Masyadong bastos ang bagong manager na ito!"

"Walang utak ang ibig mong sabihin! Sinubukan niya pa talagang magpangalandakan ng walang kwentang mga salita sa oras na ito; sinisira niya ang reputasyon niya!"

...

Nainis si Xu Ming nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan. Ang manager niya si Wu Zheng Fei ay tumingin kay Ye Wan Wan at ngumisi, "Tsk, 'wag kang maging mayabang manager Ye. Kapag sinampal ka sa mukha ng mga pinagsasabi mo, hindi magiging maganda ito mo!"

Sumagot sa kanya si Ye Wan Wan. "Bakit hindi na lang tayo mag live telecast, casting na makikita ng publiko?"

Biglang napakunot si Wu Zheng Fei nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan.

Biglang humarap si Ye Wan Wan kay Xu Ming at nagtanong siya, "Bakit? Ayaw mong subukan?"

May mga malakas na tunog ng protesta pagkatapos magsalita ni Ye Wan Wan.

"Leche, baliw na ba siya?! Gusto niyang magkaroon ng public live telecast ang casting? Hindi ba siya nahihiya?"

"Anong alam niyo? Matalino ang Ye Bai na ito - kinaya niyang ibalik ang isang artista para manumbalik sa isang prime casting na tulad nito - paano siya mawawalan ng mga tinatagong taktika? Halata naman na gusto niyang sumabay sa kasikatan ni Xu Ming!"

"Ah, kaya pala… alam niyang matatalo siya pero gusto niya pa ring gamitin ang kasikatan ni Xu Ming para makilala siya at ang artista niya! Walang hiya!"

Habang mainit ang usapan ng lahat, biglang nagsisi-datingan ang direktor, assistant director, producer at ang iba pa. Ang iba sa kanila ay narinig ang usapan sa pagitan nila Ye Wan Wan at Xu Ming.

avataravatar
Next chapter