63 Ang galing mo!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kung ikukumpara ang kwarto ni Ye Wan Wan sa isang fantasy idol drama, tiyak na kabaligtaran naman sa silid na mayroon si Si Ye Han na parang nasa isang nakakatakot na pelikula, kasing dilim ng kwarto niya sa hardin ng Jin.

Nang pumasok na si Ye Wan Wan, mayroon nang isang tao na naghihintay sa loob.

Si Mo Xuan, ang private doctor ni Si Ye Han.

Nang makita ang dalawa na papasok, agad na tumayo si Mo Xuan, "9th master, Miss Ye."

Mukhang sanay na si Si Ye Han sa pabigla-biglang pagpasok ni Mo Xuan sa kanyang kwarto ng ganitong oras kaya pumasok na lamang siya nang walang alinlangan.

Sa likuran ni Si Ye Han, nakasunod naman si Ye Wan Wan, may alinlangan sa kanyang mga lakad, "Naiistorbo ko ba kayong dalawa rito?"

Alam ni Ye Wan Wan na walang pinahihintulutang makaistorbo habang si SI Ye Han ay ginagamitan ng hipnotismo.

Tiningnan ni Mo Xuan si Ye Wan Wan. Oo, makakaistorbo nga siya. Kailangan ng ibayong pokus para sa hipnotismo at wala dapat na ibang naririto.

Gayunpaman, sa mga nangyari kagabi, at dahil na rin espesyal na bisita ni Si Ye Han si Ye Wan Wan, hindi na siya nagabala pang palabasin ang dalaga kaya nagsabi na lang siya, "Subukan mo muna natin 'to."

"Oh," pagtangoni Ye Wan Wan.

Humiga na sa kama si Si Ye Han at nakita niya ang dalaga na nakatayo mula sa malayo. Nagsalubong muli ang kanyang kilay.

Bahagyang nagulumihanan si Ye Wan Wan. Noong una, pinakiusapan siya ni Si Ye Han na samahan siya pero ngayon hindi na niya maintindihan kung anong ibig niyang sabihin sa mga salitang "Samahan siya". Isa pa, hangga't naririto si Mo Xuan, nahihiya siyang tumabi kay Si Ye Han sa kama.

"Pumunta ka dito." Habang bakas pa rin ang alinlangan ni Ye Wan Wan, naubusan na ang demonyo ng pasensya.

Alam niya ang parating na ang panganib, madaling humakbang si Ye Wan Wan at saka naupo sa gilid ng kama.

Sa sumunod na segundo, iniunat niya ang kanyang mahabang braso at saka hinila siya papunta sa kanya, hawak-hawak ang baywang at saka nahiga sa kanyang tiyan.

Napasandal si Ye Wan Wan sa kabilang gilid ng kama. Habang ginawang unan ang kanyang katawan, hindi na niya nagawa pang gumalaw.

Abala si Mo Xuan sa paghahanda ng hipnotismo na kanyang gagawin kaya nabigla siya nang makita na mabilis na nagiba ng inasal si Ye Wan Wan.

Sa nakaraan, ang tingin ni Ye Wan Wan kay Si Ye Han ay isang nakakatakot na nilalang pero nanatili siyang matatag--determinado at hindi sumusuko.

Buti na lang, nalaman na niya lahat ang kailangan niyang malaman kaya wala na siyang pagtatangka na kailangan pang gawin. Kung hindi man, sigurado siya ang madedehado at magdudusa nito.

Mula sa punto ng isang miron, alam niyang mali si Si Ye Han sa pagbabalewala sa kahilingan ng babae at para pilitin siyang sumama sa kanya. Pero kung iisipin kung ano ang tama at mali sa walang pakialam na taong ito na kung saang impyerno pa nanggaling? Walang nang saysay pa.

Matapos ang ilang sandali, naihanda na ang lahat.

Lumakad si Mo Xuan sa gilid ng kama, "9th master, simulan na po natin."

Hindi na sumagot pa si Si Ye Han.

"9th master?" tawag ulit ni Mo Xuan.

Hindi pa rin sumagot si Si Ye Han.

Maya-maya pa'y napansin ni Ye Wan Wan na mahimbing nang natutulog si Si Ye Han. "Mukhang nakatulog na si 9th master. Ang galing mo Dr. Mo!"

"..."

Natahimik saglit si Mo Xuan. Inobserbahan ang nangyari habang nagpaikot-ikot saka tuluyan nang hindi na nakapagsalita pa.

Anong magaling? Wala nga akong ginawa ni isa!

Nakita mismo ni Mo Xuan na hindi lang nakatulog ang binata kundi mahimbing na natutulog. Ni hindi man lang siya naalimpungatan sa ingay ng mga taong nagsasalita sa tabi niya. Hindi mapalagay si Mo Xuan.

Posible kaya na kaya nakakatulog agad ng mahimbing si Si Ye Han ay dahil sa babaeng ito?

Kung gayon, bakit hindi ko 'to naisip agad?

At isa pa, wala ring ginawa na kahit ano si Ye Wan Wan, diba?

avataravatar
Next chapter