578 Ang EQ ni master

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa training grounds, tinitigan ni Xu Yi ang nagsasayang tao sa paligod ni Ye Wan Wanat biglang binalot ng inis ang kanyang mga mata.

Noong una, hindi niya maintindihan kung bakit papayag si master sa isang kalokohan at sumangayon rin siya na gawing guro nila Eleven at Feng Xuan Yi si Ye Wan Wan. Ngaunit ngayon, naiintindihan niya na ang rason.

Tinitulungan ni master na bigyan ng daan si Miss Wan Wan para sa kanyang sarili at desedido si Ye Wan Wan na kaya niyang gawin iyon.

Ang iba't ibang paksyon ng Si family ay komplikado at mahirap pang pakitunguhan. Gumawa ng maraming anak sa labas ang old master kaya nagkagulo ang buong Si family kaya halos mawarak rin ang pamilya nila.

Kahit ang old master ng Dark Team ay nag-iwan rin ng kaguluhan...

Noong dumating ang orihinal na master, na noo'y walang pakialam sa minana niya, ay biglang bumalik sa kanyang kapangyarihan at mabilis niyang nilinis ang suliranin ng pamilya. Doon lamang nagkaroon ng kapayapaan at katatagan ang Si family.

Kaya sa mga sitwasyon na ganito, hindi sapat ang sabihin na "Si Ye Wan Wan ang future mistress ng samabahayang Si" para patahimikin ang mga oposisyon at paamuhin ang mga malalakas na pangkat ng Si family.

Gayunpaman, magiging mapanganib ang buhay ni Ye Wan Wan, lalo na sa estado niya ngayon, kung kikilalanin pa siya sa titulong ito.

Ito ang inaalala ni Liu Ying na ipinamahagi niya na noon sa iba noong dumating si Ye Wan Wan sa Si family.

Rebelde si Ye Wan Wan noon. Kaya kapag siya ang tipong mapapangasawahan ni Si Ye Han, darating ang panahon na baka mamatay si Si Ye Han dahil sa kanya.

Hindi rin maintindihan ni Xu Yi kung bakit madikit si master kay Ye Wan Wan at pinilit pa ni master na mapunta sa posisyon na iyon si Ye Wan Wan.

Ngayon-ngayon lang binago ni Xu Yi ang ugali niya pag dating kay Ye Wan Wan.

Siguro dahil nadismaya siya sa tatay niya kaya hindi na nagialam ang old masyer sa kahit anong laban ng Si family, kaya matagal na panahon na kinalimutan siya ng Si family.

Sa pananaw kasi ni Xu Yi, si master ay walang hinihingi o inuutos; wala siyang pakialam sa lahat at wala rin siyang alam sa pakikipag-relasyon.

Hindi niya nga rin tinitingnan ang sinasabi nilang 'childhood sweetheart' niya na si Qin Ruo Xi noon.

Gayunpaman, ang EQ ni master ay nagpapakita na ang inaasta ng isang babae ay para sa bulag lamang, kaya hindi siya maintindihan ni Xu Yi.

Kaya naman nagulat si Xu Yi kay master, na hindi pinaglalabanan ang kahit ano, ay biglang nakipaglaban para makuha niya ang kapangyarihan.

Pangalawa, hindi niya inasahan at maintindihan kung bakit pwersadong pinapalagi ni master sa tabi niya si Ye Wan Wan...

Ano kayang mga sikretong nagtatago sa likod nga mga ito...

...

Sa hindi kalayuan, ang mga bodyguards at nagagalak.

"Ang galing mo Miss Wan Wan - tinuruan mong makipaglaban ang punong kapitan!"

"Sa totoo lang, kung hindi maruming makipaglaban si Yuan Sheng, wala akong problema na si lider Eleven ang maging punong kapitan! Buti na lang at matalas ang pag-iisip ni kapitan Xuan Yi at hindi niya hinayaan na gawin ni Yuan Sheng ang gusto niya!"

Nag-usap ang mga bodyguards nang lumapit sila kay Ye Wan Wan.

"Turuan mo kami ng ilang mga moves mo Miss Wan Wan!"

"Sinabi ni lider Eleven na kaya mong makita ang kahinaan at mga galaw ng kalaban, sa isang tinginan lang! Paano mo nagawa 'yon?"

"Ako din, ako din, gusto kong matuto!"

Natawa si Ye Wan Wan. "Sige, tuturuan ko kayo kapag may bakanteng oras ako."

Nalugod ang puso ni Ye Wan Wan nang makita niya ang mga bodyguards na taus-puso nilang minamahal ang kanilang trabaho.

Sa buhay noon ni Ye Wan Wan, walang rumerespeto sa kanya kahit siya na ang asawa ni Si Ye Han at ang mistress ng sambahayang Si. Kapag lalo siyang pi-no-protektahan ni Si Ye Han, lalo rin siyang tinitingnan ng lahat na isa siyang rebeldeng pokpok at lalong hindi niya magawang patawarin si Si Ye Han.

Ngunit ngayon, pagkatapos ng kompetisyon ng punong kapitan, nakaramdam siya ng pagtanggap sa mga taong ito. Ang mga bodyguards na malaki ang respeto sa martial arts, ay nagbago ang pag-uugali nila kay Ye Wan Wan; disipulo niya na rin ang punong kapitan at ang lider ng Dark Team 1.

avataravatar
Next chapter