398 Ang epekto ng mangyayari

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pinangunahan sila ng tatlong kalalakihan, yung nasa gitna ay mukhang Asian na may tangkad na 1.9m. Nakasuot siya ng camouflage vest at ang itsura niya ay mukhang demonyo. Ang kanyang mga muscles ay namamaga sa sobrang laki at kahit ang mga ugat niya ay lumalabas na din, pero ang makaka-agaw ng pansin ng lahat ay ang iconic niyang tato na nakalagaw kaliwang braso niya.

Ang lalaki naman sa kaliwa ay mukhang pininturahan ng itsurang clown sa kanyang mukha - nakakalinlang ang kanyang ngiti at mapayat ang kanyang pangangatawan. May dala siyang mabigat na armas sa kaniyang balikat, ang malakas na putok kani-kanina lang ay nanggaling sa kanya.

Ang lalaking nasa kaliwa ay may blonde na buhok at ang mga mata niya ay kulay asul. Maputi ang kanyang kutis at nagmumukha tuloy siyang tusong babae. Suot niya ay puting suit at nakangisi siya sa direksyon Liu Ying.

Nang makita sila ng malapitan, biglang nanigas ang buong katawan ni Liu Ying na para bang nag-bow hanggang sa ihukay ang mukha sa lupa; naging alerto ang buong katawan niya.

Ang lalaking nasa gitna na may krus na tato ay ang pinuno ng Murderous Blood Gang. Kilala siya sa code name na K at walang nakakaalam sa totoo niyang pangalan.

Ang nasa kanan at kaliwa ni K ay mga assistant niya, ang lalaking mukhang clown ay si Little Clown Jason.

Ang tusong blonde ang buhok na walang hawak na armas ay si Eugene. Mukha man siya ang pinaka mahina pero ang totoo, siya ang pinakamabangis at kinatatakutan sa grupong iyon.

Ayaw niyang gumamit ng armas dahil ang pinaka kinahuhumalingan niyang hobby ay ang pananaksak at pagbubuka ng mga katawan ng kanyang mga biktima gamit lamang ang dalawa niyang kamay; maraming kilala at tanyag na eksperto ang pinatay niya gamit ang mga kamay na ito.

Parehas na kriminal ng country M sila Eugene at Jason; meron silang nakakapangilabot na reputasyon sa siyudad nila.

"Sila nga ang Murderous Blood Gang…" nawasak ang natitirang pag-asa sa puso ni Xu Yi nang makita niya ang tatlong lalaki.

Kahit kakaunting tao pa lamang ang nakakakita ng tunay na mukha ng mga miyembro ng alamat nilang gang, mapapansin kaagad ng ordinaryong tao kung sino ang mga lalaking ito dahil sa kakaiba nilang katangian.

"Punyeta!" napamura si Liu Ying sa kanyang isip.

Mabilis silang lumabas ng kotse para harapin ang pinaka-kalaban nila, ang Murderous Blood Gang.

Hinaplos ng tusong blonde na si Eugene ang kanyang abnormal sa habang mga daliri at bigla siyang napatingin kay Liu Ying na balot ng dumi sa mukha at sunod ang isang parte ng kanyang buhok. Palihim na natawa si Eugene nang makita niya si Liu Ying, "Ha, ikaw ba ang pinaka kinakatakutan na eksperto na nagpo-protekta kay Si Ye Han, si Liu Ying?"

Malait silang tiningnan ng kabilang partido, ang tingin sa kanila ay parang maliliit na langgam kaya mabilis na namuo ang galit sa saloobin ni Liu Ying.

Muntikan nang magwala si Liu Ying, buti na lang at pinigilan siya ni Xu Yi nang maglakad ito paabante at sinabi niya, "Kung kilala mo naman na kami, bakit niyo kami pinapahirapan kung wala naman hinanakit ang gang niyo sa Si family?"

Natawa si Eugene, "Ha? Sinong nagsabi na bawal nang patayin si Si Ye Han kapag wala akong hinanakit sa kanya?"

"Ikaw…" halos lumabas ang ugat sa kamay ni Liu Ying nang marinig niyang papatayin ng gang ang master niyang si Si Ye Han.

Ngumisi si Xu Yi. "Syempre, kaya niyon patayin siya at alam kong may abilidad ang gang ninyo para pumatay, pero naisip niyo ba ang magiging epekto nito?"

Kung mamamatay si Si Ye Han at silang lahat ngayon, mapupuno ng galit ang buong Si family at gagawa ng bayolenteng solusyon para maghigante sa Murderous Blood Gang!

Kahit gaano pa kalakas ang Murderous Blood Gang, hinding-hindi nila pwedeng sanggain ang buong Si family sa gagawin nila ngayon.

Kaya naisip ni Xu Yi na hindi karaniwan na tatangkain silang patayin ng Murderous Blood Gang kahit malaki ang peligro na madudulot ng gagawin nila.

Pinilit ni Xu Yi na maging kalmado at patuloy siyang nagsalita, "Naniniwala ako na hindi matalino ang ang gagawin niyo, kahit ano man ang motibo o kung sino man ang nag-utos sa inyong ipapatay kami."

Biglang nagimbal ang tatlo nang marinig nila ang pananakot ni Xu Yi.

Habang umaangat na ang pag-asa sa puso ni Xu Yi na makakalaya sila sa sitwasyon na iyon, biglang nakakagimbal na tumawa ng malakas si Eugene . "Tsk, ano pa bang magagawa namin? Gusto ko lang talaga nararamdaman kong panganib sa tuwing gagawin ko ang ganitong klase ng misyon!"

Walang pakundangang tumawa ng tumawa si Little Clown Jason nang bigla siyang magsalita ng medyo gasgas ang kanyang boses, "Nangangati na akong pumatay ng tao!"

avataravatar
Next chapter