224 Ang ebidensyang sumira sa pamilya nila

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pero matigas si Ye Shao An ng mga oras na 'yon. Kahit na si Liang Mei Xuan at pumayag din na pakasalan siya para sa bata.

Pinilit ang tatay niya ng mga matatanda na gumawa na ng desisyon--kung papakasalan si Liang Mei Xuan o hahayaan si Ye Shao An na pakasalan siya.

Kahit na mahirap, tutol pa din ang tatay niya sa ideyang pagpapakasal kay Liang Mei Xuan.

Nasa tyan na ni Liang Mei Xuan ang bata--hindi niya ito mapipilit na ipalaglag ito at wala din sa kanya ang desisyon ni Liang Mei Xuan kung sino ang pipiliin niya.

Nang ganoon na lang, ang kapatid ni Wan Wan sa ama, na si Ye Yiyi, ay naging pinsan niya.

Matapos na mapanganak si Ye Yiyi, kahit na babae ito, nag-aalala ang mga matatanda na baka hindi maganda ang mga pagtrato kay Liang Mei Xuan at Ye Yiyi, kaya naman sobrang bait nila sa dalawa. Pagdating naman sa nanay ni Wan Wan, ang manok na hindi kayang mangitlog, ay unti-unti na silang nagpakita ng pagkamuhi dito.

Mas naging mahirap ang mga araw na nasa mga Ye ang kanyang nanay--na sa araw-araw nakikita sina Liang Mei Xuan at Ye Yiyi ay halos iuntog niya na ang sarili sa pader. Ilang beses na din niyang naisipan na hiwalayan ang tatay niya pero halos ayaw ng mabuhay ng tatay niya sa sobrang sakit na nadarama.

Sa kabutihang-palad, 'di rin nagtagal, nabuntis na ang kanyang nanay, at lalaki pa ito.

Tatlong taon din makalipas n'on, nabuntis din ang nanay niya sa kanya.

Nawala din ang pinsala na mayroon ang kanyang mga lolo't lola sa kanyang nanay.

Ang kanyang tito, si Ye Shao An, ay hindi ganoon kapabor ng kanyang lolo. Hawak ng tatay niya ang kumpanya nila, at ilang taon na din ang tito niya ay laging kumukuha sa pondo para alagaan ang anak sa labas ng tatay niya, matapos ang sunud-sunod na kondisyon nito. Gumawa ng gulo ang tito niya sa kumpanya nila at ang tatay niya ang nag-ayos matapos ang lahat.

Hanggang sa sumobra na si Ye Shao An at lumabag ang pinagbabawal ng mga Ye--naglaunder ito ng pera para sa kapangyarihan sa ibang bansa, nawalan ng malaking pera sa Las Vegas at lumustay pa sa pundo ng publiko.

Matapos na malaman ng tatay niya ang insidente, galit na galit ito at determinadong itigil ang pang-aabuso ng tito niya.

Pero bago pa lang ipakita ng tatay niya ang ebidensya sa kanyang lolo, pinagbantaan siya ni Ye Shao An sa isang video kung saan gumagamit ng droga si Ye Wan Wan.

Tutal na ang anak niya, na si Ye Yiyi, ay hindi na maiimpluwensya sa tatay niya. May isa pa si Ye Shao An, na mas mahalaga pang anak, si Ye Wan Wan!

Dahil dito, sumuko na agad ang tatay niya nang makita ang video.

Inako ng tatay niya ang mga bintang sa mga ginawa ni Ye Shao An.

Galit na pinaalis ng lolo niya ang kanyang tatay sa kumpanya.

Sa nakaraan niyang buhay, idinala siya ni Ye Yiyi sa isang bar at nilinlang siya ng grupo ng tao na subukan ang droga. Sa oras na 'yon, punong-puno ang bahay ng mga tao na gumagamit ng droga. Sadyang mukhang masama ang buong paligid--at ang lahat ng nangyari ay pasikretong kinuhanan ng video ni Ye Yiyi. At ang video na 'yon ay naging ebidensya na sumira sa pamilya nila.

Kung hindi lang masyadong nag-aalala si Ye Yiyi na galitin ang tatay baka sumablay pa ang plano niya, baka ipasa niya pa ang video sa ibang tao para masira din ang reputasyon ni Ye Wan Wan.

Nang magising si Ye Wan Wan sa kanyang kalasingan, walang ideya sa nangyari at galit pa din siya dahil iniwan siya ni Gu Yue Ze.

Matapos n'on, pinauwi siya ng galit niyang tatay at pasikretong nakahanap ng tao na magsusuri ng dugo niya.

Nang makalabas ang resulta--totoo nga, na ang gumamit siya ng droga at yun ang mga klase ng droga na nakakaadik sa isang gamit pa lang.

Sumunod n'on, pinadala siya ng tatay niya sa isang ligtas na rehab. Nag-iwan din siya ng pera para sa kanya at inayos ang lahat.

Hindi niya alam na para maprotektahan siya, kinubkob ng tatay niya ang buong lugar. Nagreklamo lang siya dahil hindi siya pinagkakatiwalaan ng tatay niya at pinadala sa isang nakakatakot na lugar ng mag-isa niya lang.

Matapos n'on, nag-antay ng isang buwan ang doktor na kinuha ng tatay niya para lang bantayan siya. Hindi naman lumabas ang kanyang pagkagumon sa droga.

Tatlong buwan ang lumipas. Nakumpirma ng doktor na wala siya adiksyon sa droga. Nagsaliksik siya ng kalahating buwan at hindi malaman kung bakit. Kaya naman, naisip niya na lang na nahaluan ng kung ano ang droga at parang itong mutasyon na nakapagpigil kay Ye Wan Wan na maging isang adik.

avataravatar
Next chapter