771 Ang dakilang oportunidad

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumaki ang mga mata nila nang makuha at binilang nila ang nasa loob ng ampaw - 2,888!

Ang hiring fee sa bawat isa sa kanila ay 2,500, ngunit sa huli, mas mataas ang halaga ng laman ng ampaw nila!

Nagtinginan ang lima sa isa't isa at nag-usap sila.

Deboto: "Boss, kailangan mo ba ng private psychic? Masisiguro ko sayo na magiging swerte ang mga hula mo sa lahat ng pagkakataon!"

Spray of Flowers: "Boss, kailangan mo ba ng assistant? Pwede mo akong kadaldalan kapag bored ka or pwede rin kitang kantahan?"

Dayuhan na tagabuhat ng bricks: "Boss. kailangan mo ng tagabuhat ng bricks?"

Taong Yelo: "...!"

Nameless Nie: "Pwede silang ipagsama sa package at mabebenta ko sila sa mababang presyo. Yung patay ay libreng regalo na."

Ye Wanwan: "…"

Tama na 'yan...

Pagkatapos niyang makinig sa kalokohan nila ng kalahating araw, inasikaso na ni Ye Wan Wan ang tungkulin niya. "Mag-uusap muli tayo, pagkatapos ng misyon na ito."

Biglang naging seryoso si Nameless Nie. "Walang problema, Famous Ye. Sisiguraduhin namin na matutuwa ka sa amin. Ano ang susunod naming trabaho?"

Pinag-isipan ito ni Ye Wan Wan. "May mga tungkulin pa ako na kailangan kong gampanan bukas sa gambling stone workshop. Pagkatapos ko doon, susundan niyo ako dahil aarte tayo - sasabihin ko sa inyo ang mga detalye ng gagawin natin kapag nakarating na tayo doon."

Pagkatapos niyang bumiyahe, ang pinaka kinatatakutan niya ay magmukhang mahina at walang kapangyarihan.

Noon, sumanggi na sa isip niya ay isyu na ito noong bumiyahe siya sa country B, ngunit hindi siya magkakaroon ng sarili niyang pwersa lalo na kung iisipin ang abilidad niya noon.

Nagkataon lang na nagkaroon siya ng magandang oportunidad sa Myanmar.

Ito ay isa sa mga rason kung bakit niya pinili ang misyon na ito.

Sa buhay niya noon, may mga pinadalang mga grupo ng malalakas na mga mersenaryo at sinira nila ang buong Myanmar.

Kapag nagkaroon lang sana siya ng tsansa na makuha ang mga taong iyon, mas mapapadali na gawin niya ang misyon niya na may sarili siyang grupo ng pwersa.

Kinabukasan.

Pagkatapos niyang ayusin ang mga tungkulin sa gambling stone, nilabas ni Ye Wan Wan si Nameless Nie at ang iba.

Tiningnan ni Spray of Flowers ang taong yelo na nasa harap niya at galit niya itong kinausap, "Pwede mo bang bilisan ang kilos mo?"

Binubuhat ng taong yelo ang kabaong kaya siya ang pinakamabagal sa lahat.

"Pwede mo bant itapon na lang ang kabaong?" kumunot ang kilay ni Ye Wan Wan at kaawa-awa niya itong tinanong.

Biglang lumapit ang dayuhan nang marinig niya iyon, hinaplos niya ang kanyang baba at malaki ang mata niya nang tiningan niya si Ye Wan Wan. Pagkatapos ay nagsalita siya ng awkward ng walang kasanayan na Mandarin: "Boss Ye… mabagal talaga siyang maglakad… wala itong kinalaman sa kabaong niya…"

"Tamad lang talaga siyang maglakad." nginitian ng deboto si Ye Wan Wan.

Ye Wan Wan: "..." Ibang klase talaga siya ng katamaran.

At dahil doon, dakilang gawain na para sa isang tamad na tao ang magbuhat ng kabaong simula umaga hanggang gabi.

Dahil sa taong yelo, isang oras na naglakad si Ye Wan Wan at ang iba hanggang sa makarating sila sa kanilang destinasyon.

May malawak na kapatagan sa harap at sa kaliwa, may isang kakaibang factory na pinagawa sa lugar na wala namang tao.

Sa dakong labas sila ng H city - halos limang kilometro ang layo nito sa bayan. Hindi nabuo ang pagpapagawa nito at hindi ito madaling mapuntahan ng tao kaya walang makikitang tao sa lugar na ito. Madalas na may gumagalang mababangis na hayop sa lugar na ito.

Nilakad ni Ye Wan Wan ang pag-biyahe nila para hindi ma-alerto ang mga kalaban, sila Spray of Flowers at ang iba ay hindi gumamit ng kahit anong transportasyon.

Mabuti na lang at diresto ang daan nila at madali lang itong mai-navigate… dahil kung hindi, hindi ko madaling masasaulo ang daan na ito. Naisip ito ni Ye Wan Wan nang makita niya ang malapit na factory.

Sa buhay niya noon, nadaanan nila ang lugar na ito nang pumunta sila noon sa Myanmar. Pagkatapos ay naka engkwentro sila ng grupo ng mga naggagalang mga bandits na pasikretong pumasok sa factory at nagkaroon sila ng barilan dito laban sa mga triad members. Sa huli, lahat sila ay namatay.

avataravatar
Next chapter