971 Ang dakilang demonyo na sinipa sa malamig na palasyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Ye Wan Wan na katatapos lang magsabi ng "magandang umaga," ay biglang nakarandam ng pagkagulat.

Dahil ang pares ng matanda at bata ay parehong sinasadyang tumitig sa kanya.

Ito ay maliwanag na na si Tangtang ay tiyak na isang baby ngunit ang kanyng palayawa para kay Si Ye Han ay "baby" din...

Tumingin muna si Ye Wan Wan sa little milk bun na kagigising lang.

Oh, sobrang cute baby! Hindi ko mapigilan!

Tumingin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han...

Goddamn… isang magandang kagigising ay talagang nakamamatay!

Ang pang pununahing punto dito ay ang pares ay tila parehong may pakialam kung ang tinutukoy...

Pangalan lang iyon; kailangan ba nila maging ganito?

Bakit napaka pareho nila pagdating sa bagay na ito?

Matapos ang labanan sa loob ng kayang isip, napag desisyonan ni Ye Wan Wan na tignan ang cute na munting milk bun at dahan-dahang ginulo ang buhok ng munting bata. "Baby, magandang umaga. Nakatulog kaba ng maayos kagabi?" Ang sabi niya.

Kaagad na sumigla ang munting bata na parang isang sunflower. Puno ng galak ang kanyang mga mata.

Sinubsob ng munting bata ang kanyang ulo sa kamay ni Ye Wan Wan saka tumango. "Opo, nakatulog ng maayos si Tangtang. Magandang umaga, mommy!"

Hindi makapagsalita si Si Ye Han ng makitang walang pag-aalinlangang pinili ni Ye Wan Wan ang munting bata. "..."

Ngayon, ang kanyang pinaka kasiyahan ay ang batang hindi sa kanila.

Kahapon, ang pag-iisip niya sa pagbuo ng isang pamilya ay kasalukuyan niyang inaalala…

"Baby, gusto mo ba tulungan ka ni Mommy na damitan ka?" masiglang tinanong ni Ye Wan Wan.

Tila gustong tanggihan ng munting bata ang kanyang alok at habang dinadamitan niya ang kanyang sarili, ngunit matapos niyang pag-isipan, siya ay tumango.

Ye Wan Wan: "Sige, pwede mo suotin yung bagong binili ni Mommy na damit para sayo!"

Masunuring sumunod ang muntinng bata. "Okay!"

Bumili ng hindi mabilang na damit si Ye Wan Wan para kay Tangtang. Mayroong ilang parent-child matching na set kaya sabik niyang ang isa sa mga ito.

Ang maliit na bersyon ay pares ng pantalon na may isang puting t-shirt. Nakalagay sa t-shirt ay isang pink na cartoon pig.

"Dali halika dito, tulungan ka ni Mommy na suotin ito!"

Tumingin ang munting bata sa pares na pangbabae. "Sasamahan ako ni Mommy na suotin ito?"

Tumawa si Ye Wan Wan. "Siyempre magsusuot din si Mommy!"

Nagpakita ng isang maliit na ngiti at cute na dimples ay lumabas din sa kanyang namumulang pisnge.

Gumising ng maagang-maaga ang mag-ina at nagpinta ng isang masigla at kaaya-ayang litrato...

Bilang tuluyan ng nakalimutan na si Si Ye Han…

At nasaksihan niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap kapag mayroon na silang anak…

"Okay! Una, maghugas ka saka ka bumaba para mag-almusal sa baba!' Tinulungan ni Ye Wan Wan na mag damit ang munting bata.

Noong unang mga araw hindi mapakali ang munting bata, ngunit ngayon, siya ay ganap na maayos na. Ang kanyang itsura ay napupuno ng galak ng siya ay mag hugas bago bumaba.

Matapos umalis ni Tangtang, bahagyang umubo si Ye Wan Wan at tumingin kay Si Ye Han. "*Ehem*... Ah-Jiu…"

Hindi niya kailangan hulaan kung ano ang itsura ni Si Ye Han ngayon.

Bilang Hari ng Selos ng East Asia, maaaring pagselosan din ni Si Ye Han ang isang tigre, ano pa kaya ang isang tao.

Ngunit dahil ang target ay ang kanyang tunay na "anak," kaya siya ay nagpigil...

Si Si Ye Han na pinalayas sa malamig na palasyo, na nakaupo sa kama, at kalmadong inoobserbahan siya. "May problema ba?"

Hindi alam ni Ye Wan Wan kung iiyak ba siya o tatawa ng makita niya ang itsura ng tsundere ng dakilang demonyo.

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan saka lumapit sa kanya at sumandal upang magila na halikan siya. Saka malambing na bumulong, "hubby, magandang umaga!"

avataravatar
Next chapter