1133 Ang cute mo kaya susundin ko ang lahat ng sinasabi mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sabi ni Ye Wan Wan, "Kalokohan!"

Lalong nainis si Si Ye Han. Nagtataka siya kung paano nasabi ni Ye Wan Wan na hindi totoo ito kung lasing siya.

"Nagsisinungaling ka na naman sa akin!" Hindi pa ako nagluluwal ng anak!" Desedido si Ye Wan Wan na hindi siya naniniwala kay Si Ye Han.

Pero si Baby Tang Tang ay lubhang nalungkot nang magising siya at narinig niya ang sinabi kanyang mommy.

Sinabi ni Mommy na hindi niya ako pinanganak!

Namutla ang mukha ni Tang Tang at mukhang pa-iyak na siya. "Mommy… ayaw mo na si Tang Tang?"

Maselan at malambit na parang riceball ang batang ito, at may suot siya na malambot na cartoon pajamas. Malambot ang kanyang mga pisngi ng bata kaya hindi maiwasan ni Ye Wan Wan na gustuhing kurutin ang pisngi nito.

Hindi maiwasan ni Ye Wan Wan ang kanyang mga kamay na yumakap at himasin ang pisngi ng batang ito.

Seryoso ang mukha ni Ye Wan Wan habang tinititigan niya ang bata at sinabi, "Pero… hindi… hindi kita pinanganak…"

Tumalon si Tang Tang sa yakap no He Wan Wan at tumingala siya sa kanyang ina na malungkot ang kanyang mukha. "Mommy… si Mommy ang nagluwal kay Tang Tang… si Tang Tang ang baby ni Mommy… sinabi ito ni Mommy…"

Umakyat sa kanyang mga kamay ang bata at niyakap niya si Ye Wan Wna ng mahigpit.

Sumagot si Ye Wan Wan, "Sa tingin ko… hindi normal na magka-anak ka nang hindi nakikipag-sex…"

Si Yehan: "…"

"Mommy…"

Hindi na nakapagtimpi pa si Ye Wan Wan. Niyakap at hinaplis niya ang bata na nasa mga kamay niya at kumikislap ang kanyang mga mata nang sinabi niya sa bata, "Ahhh! Ang cute, cute, cute mo!!! Ako ba talaga ang nagluwal sa kanya? Magaling pala ako??? Talaga ba???" 

Tiningnan nila Ye Wan Wan si Tang Tang at makikita ang saya sa kanyang mga mata.

Sabi ni Si Ye Han, "Ikaw talaga ang nanay ng bata…"

Lalong nasabik si Ye Wan Wan. "Ahhh! Ang saya! Gustong-gusto ko siya!"

Namula ang mga pisngi ni Tang Tang nang marinig niya na gusto siya ni Mommy.

Gayunpaman, nababahala si Tang Tang habang tinititigan niya si Ye Wan Wan kaya seryoso niya itong sinabihan, "Mommy, simula ngayon huwag ka nang uminom, okay?"

Hindi na ako nakilala ni Mommy pagkatapos niyang uminom ng alak...

Tumango si Ye Wan Wan nang walang pagda-dalawang isip. "Sige, sige, sige! Ang cute mo, kaya susundin ko ang kahit anong sasabihin mo!"

Doon lang kumalma si Tang Tang.

Ang buong atensyon ni Ye Wan Wan ay nasa paslit na bata at hindi niya na pinansin ang tatay ng bata.

Pagkatapos nilang maglambingan ng ilang oras, nakatulog na ang mag-ina sa kama.

Pinunasan ni Si Ye Han ang mukha ni Ye Wan Wan gamit ang basang pamunas at pinalitan na rin niya ang damit ng babae. Humiga siya sa kabilang panig sa tabi ni Tang Tang at mag-isa siyang natulog doon.

Bumuntong hininga si Si Ye Han dahil naisip niya na nag-inasta siyang bata kanina.

Sa totoo lang… hindi naman ako dapat magalit… dapat masaya pa ako...

Masaya ako dahil may isang bagay siyang nagustuhan sa akin— ang mukha ko.

Kinagabihan, hindi nakatulog ng matagal si Si Ye Han dahil naramdaman niya na parang may nanunusok sa kanyang braso.

Binuksan ni Si Ye Han ang kanyang mga mata habang nakasimangot siya. Nakita niya ang madilim na mga mata at bigla siyang nagulat.

Kinamot ni Si Ye Han ang kanyang noo. "Bakit hindi ka pa natutulog?"

Puno ng pananabik ang mga mata ni Ye Wan Wan habang tintingnan niya ang bata na nasa pagitan nila. "Ah-Jiu, Ah-Jiu! Natatandaan ko na… ang batang ito… ako ang nagluwal sa kanya…"

Bumuntong hininga si Si Ye Han at kinumutan niya si Ye Wan Wan. "Oo, ikaw ang nagluwal sa kanya."

Mukhang kinakabahan si Ye Wan Wan dahil nangangamba siyang nagtanong, "Ah-Jiu, galit ka ba?"

Sumagot si Si Ye Han, "Bakit ako magagalit?"

"Tago ko siyang pinanganak… hindi ka nagagalit doon?"

Walang masabi si Si Ye Han. Lasing ba lasing ba siya o nananaginip lang siya?

Naisip niya na baka nawala na ang pagka-tipsy ni Ye Wan Wan dahil tinawag na siya nitong "Ah-Jiu."

Sinakyan na lang ni Si Ye Han ang sinasabi niya. "Hindi ako galit. Dali na at matulog ka na."

Naging kalmado si Ye Wan Wan at hindi na siya nangamba. Tumalikod siya at nakatulog kaagad siya. 

avataravatar
Next chapter