1095 Ang buong atensyon ko ay sayo lamang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagdadalawang isip pa si Tang Tang. "Hindi ko ba ma-i-istorbo si Mommy?"

Dali-daling sumagot si Ye Wan Wan. "Hindi, hindi! Hindi ka makaka-abala sa akin! Lumalakas ang loob ni Mommy kapag kasama ka niya! Hm, nag-aalala lang si Mommy na baka ma-bore ka…"

Mabilis na iniling-iling ng bata ang ulo niya. "Hindi ma-bo-bore si Tang Tang! Gusto ni Tang Tang na makasama si Mommy!"

Pumasok ang mag-ina sa kwarto. Umupo si Ye Wan Wan sa harapan ng kanyang desk at sinuri niya ang mga impormasyon na kailangan niya sa kanyang thesis, habang si Tang Tang ay masunurin na umupo sa tabi niya at pinanood niya si Ye Wan Wan ng maigi.

Sa tuwing napapagod na siya, kinukurot niya lamang ang pisngi ni Tang Tang at hinalikan rin siya nito.

Ito ang unang beses na napagtanto ni Ye Wan Wan ganito pala ka-saya kapag ginagawa ang thesis ng may kasamang Tang Tang!

Biglang tumayo sa pintuan si Si Ye Han at tahimik niyang pinapanood ang mag-ina.

Kinagabihan, pinatulog ni Ye Wan Wan si Tang Tang at masaya niyang sinabi kay Si Ye Han, "Sobrang cute ni Tang Tang, baby! Parang kaya kong lumaban ng 100 rounds pa kapag kapag hinahalikan ang sinasamahan niya ako!"

Kinumutan ni Si Ye Han si Tang Tang sa kanyang kama at tiningnan niya si Ye Wan Wan. "Ganoon ba?"

Agad na napansin ni Ye Wan Wan na parang mag mali sa tono ng pananalita ni Si Ye Han at bigla siyang napakurap. Kaya sumagot siya, "Kahit na gustuhin ko man na samahan mo ako at halikan mo ako… at kung hahalikan mo man ako… paano ako makakapag-focus sa homework ko?"

"Bakit hindi ka makakapag-focus?"

"Dahil ang buong pag-iisip ko ay na sayo na lamang!"

Kumibo ang bigbig ni Si Ye Han. "..."

Akala ko mahiyain at takot ang babaeng ito sa akin...

Pero ngayon...

"Oo nga pala! Ah-Jiu, may nahanap akong pelikula na babagay kay Jianh Yan Ran! Yung Jasmine ni Director Peng Yuan Hu. Mahusay ang mga karakter, topic, at ang production crew. Hindi tumatanggap ng buong casting coach at suhol si Peng Yuan Hu, pinipili niya ang artista na nirerespeto niya para sa karakter. Plano ko sana na ipag-audition si Jiang Yan Ran sa pelikulang ito!"

"Makikipagkita ako bukas kay Yan Ran para pag-usapan namin ito. Hehe, tatalon ako sa sobrang saya kapag nakuha ni Yan Ran ang role at makuha niya ang Best Actress…"

Pinakinggan ni Si Ye Han ang matalinong pagsusuri ni Ye Wan Wan. Pinanood niya kung paano siya nagbago at tumanda ng paunti-unti ng sarili niya. May kakaibang pakiramdam ang biglang bumalot sa kanyang puso.

Natutuwa siya. Natutuwa siya na pinili niyang paniwalaan si Ye Wan Wan noon. Natutuwa siya na pinigilan niya ang makamandag niyang ugali na unti-unti lumalala sa bawat araw na lumilipas. 

Ang tunay na proteksyon ay nag-aalaga, hindi isang mapang-angkin na kaugalian...

Kinabukasan, nakarating na si Ye Wan Wan sa pinili nilang restaurant na pagkikitaan nila ni Jiang Yan Ran.

"Wan Wan! Nandito ako!"

Nakita ni Ye Wan Wan si Chu Feng na kumakaway sa kanya sa malayo at nagmadali siyang pumunta sa kanilang lamesa.

Ngumiti si Ye Wan Wan at sinabi, "Ako na ang manlilibre ng pagkain natin dahil si Jiang Yan Ran ang nanguna sa kanilang examination! I-order niyo lang ang kahit anong gusto niyo!"

"Hindi na pala kami magpapakabait sayo!" Masayang sinabi ni Jiang Yan Ran.

"Oo nga pala. Congratulations din sayo, Chu Feng." Masinsin na tiningnan ni Ye Wan Wan si Chu Feng.

Naisip niya na hindi masayahin ang ugali ni Jiang Yan Ran noong kinagabihan noon dahil ang buong atensyon niya ay nasa boyfriend niya na.

"Huh? Bakit mo ako kino-congratulate?" Napakamot sa ulo si Chu Feng dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari.

Walang sinabi si Ye Wan Wan. Sa halip, nilabas niya na lamang ang signed photos ni Han Xuan Yu sa kanyang bag at inabot niya ito kay Jiang Yan Ran. "Para sayo, Yan Ran!"

"Salamat!" Nahihiyang tinanggap ni Jiang Yan Ran ang mga litrato at sinabi. "Um, Wan Wan…"

"Anong problema?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Matagal na nagdalawang isip si Jiang Yan Ran bago siya magpatuloy, "Wan Wan… sa totoo lang… ay…"

avataravatar
Next chapter