1054 Ang bulaklak na nangangain ng lalaki

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagkagulo ang buong training grounds nang tumalsik sa labas ng entablado si Sun Xue Zhen.

"P*ta! Ang angas naman nito!"

"Hindi lang ang kahinaan ng ibang tao ang nakikita ng babaeng ito, pero kaya niya rin gayahin ang galaw ng kalaban niya sa ilang saglit…"

"Ang huling atake ng miss natin ang nagpanalo sa kanya!"

Unti-unting nawala ang pagiging kalmado sa mukha ni Qin Ruo Xi at napalitan ito ng kasakiman dahil nakita niya kung paano natalo si Sun Xue Zhen at kung paano nakuha ni Ye Wan Wan ang kasikatan.

Plano niya sana na hindi na lang pansinin si Ye Wan Wan pero laging nasisira ang kanyang plano at paulit-ulit na nawawala ang kanyang kontrol sa sitwasyon...

"Okay ka lang, Xue Zhen?" Tinanggal ni Qin Ruo Xi anh kasakiman sa kanyang mukha at agad niyang tinulungang tumayo si Sun Xue Zhen.

"Leche… paano…" hinampas ni Sun Xue Zhen ang kanyang kamay sa lapag.

Hindi niya inakala na matatatalo siya ng isang barbie. Ang masahol pa doon, tinalo siya ng barbie gamit ang sarili niyang atake.

Wala nang mas nakakahiya pa sa pagkatalo na ito!

Sa hindi kalayuan, makikita ang pagka-mangha sa mukha ni Senny ngunit hindi niya maiwasang mag-buntong hininga. "Lumalabas na ito ang tunay na kalakasan ng martial arts sa China. Sulit pala ang byahe ko papuntang China!"

Mas simple at mabagsik ang mga galaw ni Ye Wan Wan, kontrolado niya ang kanyang lakas at bilis; malaking pagkakaiba ito sa magulong mga atake ni Sun Xue Zhen. Nakakamangha ang bawat dangkal ng kanyang pasabog na lakas.

Pagkatapos ng laban, wala nang kahit sino sa baba ng entablado ang nangangamba pa sa lakas na meron si Ye Wan Wan.

Ang Si family ay isang mayaman na business family at nagpadala sila ng limang tao upang makasama sa martial arts conference upang maging mabuting host kay Mr. Mu. Wala silang pakialam kung manalo man sila o matalo sa laban na ito.

Ngunit inaabuso at sa tingin nila ay bias pa raw ang babaeng ito. Kahihiyan sa etiquette ng mga mayayamang pamilya ang ugaling pinakita nila.

Ang nakakahiya pa doon ay marami silang miyembro at kasama na dito ang sinasabi nilang mayaman na pamilyang mahusay sa martial arts at ang mayaman na pamilyang nanggaling sa millitary, pero wala pa rin silang laban sa babaeng ito na tinuruan lamang ang sariling makipaglaban...

Kalmadong tiningnan ni Ye Wan Wan ang biguan na si Sun Xue Zhen. "Hindi pangkaraniwan ang aking pamamaraan ng pakikipaglaban. Gayunpaman, para sa akin, wala akong pakialam basta't panalo ako."

Kuminang ang mata ni Mu Sui Feng nang marinig niya ito. Sabik siyang sumang-ayon sa sinabi niya, "Tama! Walang hugis at pagiging misteryoso ang paraan upang manalo! Mas mataas ang kaalaman ni Miss Ye sa martial arts!"

Ye Wanwan: "…"

Walang kwentang mga salita lang ang mga sinasabi ko. Bakit niya kailangang dagdagan pa sa sinabi ko?

"Bumalik ka, Xue Zhen! Hindi mo na kayang labanan ang lakas ni Miss Ye," sinabi ni Sun Li Zhong sa kanyang anak bago siya lumapit kay Ye Wan Wan. "Miss Ye, patawarin mo sana ang anak ko kung may nasabi siyang masama sayo."

Kahit ano man ang mangyari, kailangan niyang respetuhin ang mga nakakatakot na eksperto bilang isang martial arts practitioner.

"Masyado kang mabait, Mr. Sun! Aalis na din ako kung wala nang ibang gawain pa!"

Pagkatapos niyang sabihin ito, sinabi ni Ye Wan Wan kay Mr. Mu, "Paalam, Mr. Mu!"

"Zhou Hen, pakihatid anh ating mga bisita!" Sabi ni Sun Li Zhong sa pinakamagaling niyang disipulo.

"Opo!" Sumunod si Zhou Hen at umakyat siya upang maingat niyang ihatid sa labas si Ye Wan Wan at ang grupo niya.

Magkaiba ang naging emosyon ngayon ng limang guwardiya kaysa sa emosyon nila kanina dahil proud at masaya sila sa naging resulta ng laban. Makikita ang kagalangan sa kanilang mga mata habang tinitingnan nila si Ye Wan Wan.

Hindu nila inasahan na malakas pala si Miss Ye...

Biglang bumulong ang isang guwardiya sa likod ni Ye Wan Wan, "Hindi talaga maiintindihan ng normal na tao ang mga nagugustuhan ni 9th master…"

"*Cough*, bakit biglang hinahanap ng puso ko para sa aming patriyarka? Maiintindihan niya kaya ito?"

Hindi siya isang maingat at marikit na bulaklak! Siya ay isang bulaklak na kumakain ng lalaki!

avataravatar
Next chapter